Isang pagsipa sa pintuan ang umalingawngaw sa paligid, sipa mula sa isang kinatatakutang CEO.
"Ahhh si si master Reiner" wika ni Ken
Napaupo nalang ang dalawang babae sa sahig habang nakatingin kay Reiner at tila mga nanginginig maging ang dalawang kasama na lalaki.
Inilibot ni Reiner ang mata sa paligid.
Agad akong nakita ni Reiner na nakaupo sa sahig at nakatakip ng braso ang bandang dibdib dahil sa sirang damit, binitawan ako ng lalaki nang makita si Reiner saka nagtago sa ilalim ng mesa.
Napatakbo si Reiner sa pwesto ko at agad akong nilagyan ng suot niyang coat. Nagsalubong bigla ang dalwang kilay nito nang makita ang sugat sa aking leeg.
"s**t kung nahuli pala ako ng dating maaring_ s**t!" bulong sa isip ni Reiner.
"Sino nanakit sa iyo?" tanong sa akin ni Reiner.
Hindi ako makapagsalita nakayuko lang ako sa kahihiyan.
"A... uncle" tanging salitang lumabas sa bibig ko na napakagat labi pa para pigilan ang mga luha kong nagbabadyang pumatak.
Lumapit sa amin si Chelsea at hinawakan ako.
"Sino nanakit sa asawa ko?Sino!!!? galit na galit na wika ni Reiner
Tatayo na sana ang apat na magbabarkada para umalis ng restaurant at iwan nalang sana ang isa dahil sa dehado na sila.
Namulot si Reiner ng tinidor at kutsilyo nang maramdamang aalis na ang apat, isa isang ibinato ang matatalas na hawak sa pwesto ng apat kaya sabay sabay nanginig ang apat sa sobrang takot dahil muntik na silang matamaan.
"Walang lalabas" diing wika ni Reiner
"O...opo master Reiner" sabay sabay na sagot ng apat na takot na takot
"Rose grabe magalit si master Reiner akala ko talaga nagbibiro lang si Chelsea na kilala nila ang sikat na CEO at ang pagsasabi na asawa ni Rumina ito, iyon pala ay totoo, nakakagulat" wika ni Sheerah.
"Ikaw ang nanakit sa asawa ko?" tanong ni Reiner sa lalaking si Porse.
"Master Reiner a...ano po kasi" wika ni Porse
Sinipa ni Reiner ang table na pinagtataguan ni Porse saka ito nilapitan, habang naglalakad palapit kay Porse dinampot ni Reiner ang bangkong kahoy na nadaanan nito saka inihampas kay Porse, kaya nagdugo ang ilong nito at nahilo ng bahagya. Iniikot ni Reiner ang paningin hanggang sa nakakita ito ng bote ng alak at itinapon sa gilid ni Porse.
"Master patawad po alam kong nagkamali po ako patawad na po" muling pagmamakaawa ni Porse kay Reiner na halos nangingilid na ang mga luha nito sa takot.
"Kayong dalawa anong kamay niyo ang ginamit niyo para saktan siya?" tanong niya sa dalawang babae na malapit sa pintuan.
"Ahh ano po master ka.. kaliwa po"
"Iyong sa?" sabay tingin ni Reiner sa isang babae.
"Kanan po master.. kanan"
" At ikaw anong kamay mo ay ginamit mo para saktan siya?" tanong ni Reiner kay Porse
"a.. a.. master?"
"Kanan oh kaliwa?"
"Ano po kasi master"
"So parehas?"
Hindi na nakaimik ang lalaki tanging pagtango nalang ang nagawa nito.
Sabay sabay lumuhod ang tatlo sa harap ni Reiner at nagmamakaawang patawarin sila.
"Master patawad po, patawarin niyo na po kami" wika ng dalawang babae
"Patawad master" wika naman ni Porse
Hindi naimik si Reiner, nanatili itong nakatitig sa tatlo, gamit ang apat na kutsilyong hawak na nakuha sa sahig. Isa isang inihagis ni Reiner ang mga kutsilyo sa tatlo, napahiyaw ang tatlo sa sakit na naramdaman dahil ang kutsilyong hawak ni Reiner ay bumaon sa kamay nang tatlo, kamay na ginamit nila para saktan ako
"Master Reiner" sigaw ng general mula sa entrance door.
"Kayo nang bahala dalhin sa bahay lahat sila" utos ni Reiner
"Opo master" sagot ng heneral
"Gilbert" tawag ni Reiner kay Gilbert
"Master?" wika ni Gilbert habang nakayuko ito kaharap si Reiner.
"Ipatawag ang bodyguard na inutusan ko kanina magbantay. Need ko sila makita sa sala sa bahay." utos muli ni Reiner
"Masusunod po"
Naglakad patungo sakin si Reiner at agad akong binuhat.
"Chelsea" tawag ni Reiner kay Chelsea
"Po master"
"Need ko silang lahat sa bahay isama mo sila" wika ni Reiner sabay lingon sa mga kaklase nila na nasa sulok.
"Masusunod po master"
Paglabas ng restaurant agad ako isinakay ni Reiner sa kotse. Saka agad pinatakbo ang sasakyan.
Nang makarating sa mansiyon
"Kaya kong maglakad" tulala kong wika na hindi pinansin ni Reiner pagkabukas ng pintuan ng sasakyan.
Binuhat ako ni Reiner hanggang makapasok ng mansiyon. Sumalubong si Jeremiah sa amin pagpasok.
"Maligayang pagbabalik master Reiner and lady Rumina" wika ni Jeremiah.
"Jeremiah may mga darating mamaya paki sabi hintayin ako" utos ni Reiner.
"Opo master" tugon ni Jeremiah
Umakyat na kami ng hagdan para tumungo sa kwarto at nang makarating ng kwarto, dahan dahan akong iniupo ni Reiner sa kama, nanatili akong nakayuko at nakatakip ng mga braso ang dibdib dahil nahihiya akong humarap kay uncle hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag na ang asawa niya ay maduming babae na dahil madami na nakakita sa katawan.
Tumulo lang ng tumulo ang mga luha ko sa pisngi, hindi ako naimik, hindi ako kumikilos hinihintay kong magsalita si Reiner.
"Rumina your safe now, tumingin ka sa akin gusto ko makita ang mukha mo"
utos ni Reiner sa akin.
Umiling lang ako dahil wala na akong mukhang ihaharap sa kaniya.
"Come on, please gusto ko makita ang mukha mo"
"A.. uncle eeee.. wa.. wala na akong muk..hang mai..haha..rap sa...yo" hirap kong sagot kay Reiner dahil sa aking paghikbi.
"Bakit wala na?" tanong ni Reiner sa akin.
"Ka.. kasi ma..madami nang nakakita ng katawan kooooo huhuhu" tuluyan na akong humagulgol ng iyak sa harap ni Reiner.
Nakatingin lang si Reiner sa akin na nakangiti "Ang dating Rumina walang pake kung ano suotin kahit pa may makakita sa kanyang sensitibong katawan, pero ang Rumina ngayon masyadong nirerespeto ang sarili" bulong sa isip ni Reiner.
Niyakap ako ni Reiner ng mahigpit habang hinihipo ang aking buhok
"Walang nakakita sa katawan mo Rumina maniwala ka sa akin" wika ni Reiner
"Ta..talaga uncle?" tanong ko kay uncle
"Yes Rumina trust me"
"Thank you uncle"
Hindi na sumagot si uncle sa akin humalik nalang ito sa pisngi ko at sa noo
"Gamutin na natin ang sugat mo" wika ni Reiner
"Sobra akong natakot nang makita ang sugat mo sa leeg ayoko nang mapahamak ka pang muli" wika sa isip ni Reiner.
Samantala sa baba sa sala
"Sir Jeremiah anong oras po bababa si master Reiner lagpas na po kasi ng isang oras? tanong ng heneral
"After po niya gamutin si lady Rumina kaya maghintay lang po tayo." sagot ni Jeremiah
"Sige po" sagot ng heneral.
Sa kwarto
Tapos na akong gamutin ni Reiner sa leeg at sa mga natamong sugat.
"Paano magpahinga kana ah huwag na mag-isip ng kung anu-ano baba lang ako para ayusin ang pangyayari"
Tumango nalang ako bilang sagot. Saka siya naglakad palabas ng kwarto.
Nang makarating ng hagdan si Reiner, sumaludo ang kapulisan at opisyales sa kaniya bilang paggalang.
"Andito naba lahat?" tanong ni Reiner kay Jeremiah.
"Opo master Reiner" wika ni Jeremiah habang nakayuko.
Naglakad si Reiner papunta sa sofa saka naupo.
"Ano gusto niyong mangyari?" bungad na tanong ni Reiner
"Master Reiner patawarin niyo na po kami" wika ng Jihan na ngayon ay duguan ang kamay dahil sa kutsilyong inihagis ni Reiner.
"Hindi na po mauulit master" wika ng isa pang babae
"Gilbert ang CCTV footage sa restaurant baka may ginawa pa itong mga to sa asawa ko"
"Opo master, ito po" wika ni Gilbert sabay abot sa camera.
Nangulot ang kilay ni Reiner ng makita kung sino ang nag-umpisa ng gulo sa restaurant. Matapos mapanood iniabot ito sa Heneral.
"Iyan ang ibidensya Heneral" wika ni Reiner habang inaabot ang camera sa Heneral.
"Opo master" sagot ng Heneral
"Dalhin na ang apat na 'yan hintayin niyo kung ano maging desisyon ko sa grupong 'yan" wika ni Reiner.
"Opo master, oh boys dalhin na sa prisinto" utos ng Heneral.
Agad sumunod ang kapulisan at isa isang inilabas ng mansiyon ang grupo.
"Itong tatlong babae na kasama niyo Chelsea?" tanong ni Reiner
"Mga klasmeyt po namin master, si Rose, Sheerah, Faye at Anne. Birthday po kasi ni Sheerah kaya po sumama kami" paliwanag ni Chelsea.
"Ganun ba maligayang kaarawan sayo Sheerah" bati ni Reiner.
"Salamat po master Reiner" nahihiyang wika ni Sheerah.
"Heto bukas ituloy niyo ang celebration" iniabot ni Reiner ang puting sobre kay Sheerah
"Salamat po master" masayang wika ni Sheerah.
"Sige na makakauwi na kayo" wika ni Reiner.
"Opo salamat po ulit, pero master kasama po kasi namin si Gray"
Napalingon si Reiner sa lalaking bugbog na nasa sulok ng sala.
Napacross arm ito at pinakatitigan si Gray.
"Ikaw pala ang Gray, anyway salamat sa pagtulong mo sa asawa ko"
"Wala po iyon master karangalan ko po isa pa ayaw ko din may sinasaktan sa mga kaibigan ko" sagot ni Gray.
"Ilan kayong magkakapatid?"
"Tatlo po master"
"Magulang mo anong trabaho?"
"Sewer po ang mama ko tapos si papa naman namamasukan bilang construction worker po, bali nakakapag-aral lang po ako sa magandang paaralan ngayon dahil sa support ng scholarship program" paliwanag ni Gray.
"Kung ganun, bukas na bukas magstart ka sa akin bilang office staff, every after school ang pasok mo, saturday and sunday wala kang pasok sa akin, gusto mo ba 'yun?"
"Master sa company nyo po mismo yung Dewtech company?"
"Yes"
"Naku master tinatanggap ko po haha maraming salamat po master maraming salamat"
"Heto magpahospital ka para macheck ang condition mo," wika ni Reiner sabay abot sa sobreng puti na may lamang pera.
"Jeremiah ipahatid sila sa kanilang bahay tapos si Grays sa hospital" utos ni Reiner
"Opo master"
"Salamat pong muli master" sabay kuha sa sobre.
"Makakauwi na kayo nasa labas ang sasakyan paki hintay"
"Salamat pong muli master Reiner"
At naglakad na ang magkakaibigan palabas ng mansiyon.
"Sana okey lang si Rumina" bulong ni Gray sa sarili.
"Asaan ang apat na bodyguard papuntahin dito" galit na utos ni Reiner
Pinapasok ang apat ng bodyguard at pinaharap kay Reiner.
"Magkaliwanagan tayo, asan kayo ng mga oras ng around 6 to 8 ng gabi" seryosong tanong ni Reiner.
"Ah boss pinauwi po kami ni lady Rumina" wika ng isang bodyguard
"Opo boss sabi kasi ni lady Rumina lalabas daw sila kung sasama daw ba kami okey lang pero kung hindi pwede na daw kami umuwi" wika ng isa pang bodyguard
"Binabayaran ko kayo hindi para mag cut sa oras niyo, ang oras ng pagbabantay niyo ay hanggang 9 ng gabi at kapag nakauwi na ang lady Rumina niyo ng mansiyon, bodyguards kayo pero hindi niyo alam at wala kayong kamalay malay na nasa bingid ng kamatayan ang binabantayan ninyo!" nagngangalitngit sa galit si Reiner, nagawa pa nitong hampasin ang mesa na nasa harapan niya bago pinakatitigan ang mga bodyguards na nasa harapan niya.
"You all fired!" sigaw ni Reiner
"Master hindi niyo pwede gawin sa amin ito" sigaw ng matandang bodyguard na nasa gitna.
"Oo nga master may pamilya kaming binubuhay tingin niyo po ba sa edad kong ito makakahanap agad ako ng trabaho?" wika ng isang matandang bodyguard na katabi nito.
"Bakit? kumuha ba ako ng bodyguard para gawin niyong charity? hindi ko kailangan ng bodyguard na walang silbi" galit na wika ni Reiner habang nakacross arm ang mga braso nito.
"Eh master wala naman po nangyaring masama ngayon saka hindi naman po naging delikado ang mga pangyayari" reklamo nang isa pang bodyguard.
"Sinasabi niyo ba sa akin na hindi pala delikado ang muntik na ikapahamak ng lady Rumina niyo? na anumang oras ay pwede niyang ikamatay? Ano!? sabihin niyo sakin!" galit na sigaw muli ni Reiner.
"Ahh ehh master"
"Ngayon lumayas kayo sa harap ko at huwag nang bumalik pa"
"Master" wika ng apat na bodyguard
"Layas!" sigaw ni Reiner
Umupo si Reiner sa sofa saka hinawakan ang ulo dahil sa bahagyang pagsakit ng ulo.
"Gilbert, I need a new bodyguard, the sober one, tomorrow morning" utos ni Reiner.
"Masusunod po" sagot ni Gilbert
Tumayo si Reiner saka umakyat na ng hagdan
"Jeremiah coffee please sa kwarto nalang" utos ni Reiner kay Jeremiah
"Opo master"
Naglakad si Reiner patungong kwarto para tingnan ang lagay ng asawa. Nang makarating dahan dahan nitong binuksan ang pinto, madilim at tanging ang lamp sa mesa ang bukas, nakita niya ang asawa na mahimbing nang natutulog. Umupo nalang si Reiner nang dahan dahan sa gilid ng kama saka nag-open ng tablet para tingnan ang update sa mga company.
Ilang sandali lang may kumatok sa pintuan sabay pasok ni Jeremiah
"Master ito na po ang coffee niyo"
Hindi na nagsalita pa si Reiner at itinuro lng ang mesang nasa gilid para doon ilagay ang kape. Hindi din nagtagal si Jeremiah at lumabas din ng kwarto.
"Uncle saan ka pupunta? hindi hindi ikaw si uncle" wika ko ng makitang iba ang itsura ng lalaking pumasok sa kwarto ko.
"Halika dito at papatayin kita!" wika ng lalaking mataba.
Nakita ko si uncle na nasa likod ng lalaking mataba, habang sinasaksak ako ng lalaki, unti unting lumalayo si uncle habang nakatingin sa akin.
"Uncle huwag mo ko iwan" sigaw ko
Habang nag-titingin ng mga update si Reiner naka rinig ito ng paghikbi mula sa asawa.
"A... uncle huwag" wika ko habang natutulog at nangingilid ang luha
"Huwag uncle huwag mo ko iwan" wika kong muli na nakataas ang isang kamay.
Hinawakan ni Reiner ang kamay ko saka ako napamulat ng bahagya.
"Rumina gising" mahinang wika ni Reiner habang hawak ang aking kamay.
"Uncle" napabangon ako bigla ng makita si Uncle na nasa harap ko kaya agad ko itong niyakap.
"Nanaginip ka na naman" malambing na wika ni Reiner habang hinahaplos ang aking buhok
"Nanaginip ako na iniwan mo ko" wika ko habang yakap si Reiner ng mahigpit at panay ang hikbi dahil sa aking pag-iyak.
Namula bigla ang pisngi ni Reiner ng mapansin ang aking dibdib sa suot kong pantulog.
"Ah isang panaginip lang yun Rumina" wika nito habang nakatingin sa kisame ng bahay.
"Opo uncle" wika ko
Umupo ako ng ayos saka nag-punas ng luha sa aking mata. Napansin ko ang pagtayo ni uncle.
"Saan ka pupunta uncle?" tanong ko
"Sa opis, saglit lang ako" wika ni Reiner habang nakatalikod sa akin.
Nagpalipas ako ng oras sa balcony, lumanghap ng hangin at dinama ang simoy ng hangin habang naghihintay kay uncle. Hindi na kasi ako nakatulog, nang bumalik ako sa loob dahil nauuhaw ako nakita ko ang tasa na nasa mesa kulay itim ang tubig.
"Siguro kay uncle ito" pagkakuha ko sa tasa tinikman ko ito, "Ang pait naman nito, teka baka gamot ito ni uncle, maihatid nga sa kaniya"
Lumabas ako ng kwarto saka pumunta sa opis ni uncle para ihatid ang inaakala kong gamot na hawak ko.
Nang makarating sa pintuan ng opis kumatok muna ako saka dahan dahang binuksan ito. Nakita ko si uncle na abala sa ginagawa.
"Uncle hinatid ko ang gamot mo heto oh" wika ko, hindi ko inaasahan na matitisod ako kaya ang hawak kong kape ay tumilapon sa pajama ni uncle sa bandang p*********i nito.
"Naku uncle sorry teka pupunasan ko"
umupo ako ng bahagyan para punasan ang pants ni uncle ng may matamaan akong matigas na parte.
"Hala uncle bakit ano tong bukol? may sakit kaba uncle?" tanong ko kay uncle nagulat nalang ako ng makita na namumula ang pisngi ni uncle.
"Uncle sabihin mo may masakit ba sayo?"
"Wala wala akong sakit Rumina" sagot sa akin ni uncle habang nakahawak sa mukha nito at nakapikit
"Sige na pumunta ka na sa kwarto susunod nalang ako"
"Pero uncle kailangan nating magamot iyan"
"Rumina!" sigaw ni uncle sa akin
Nagulat ako nang biglang tumayo si uncle at hinawakan ako sa balikat saka itinulak sa pader.
"Uncle" wika ko sa mahinang boses
"Okey lang ako, pumunta kana sa kwarto sige na"
"Sige uncle hihintayin kita"
Naglakad na ako palabas ng opis habang iniisip pa din ang nahawakan ko na parang bukol, nag-aalala ako na baka may sakit si uncle at hindi lang nito sinasabi sa akin kaya naman napagdesisyunan kong hindi pumasok bukas at gamutin nalang si uncle hanggang sa gumaling.
Kinabukasan habang kami ay kumakain pinapakiramdaman ko si uncle.
"Hindi ka papasok?" bungad na tanong nito sa akin.
"Hindi uncle gusto ko sana magpahinga" sagot ko
"Bakit masama pakiramdam mo?"
"Hindi uncle gusto ko lang magpahinga"
"Sige kung may nararamdaman ka huwag ka mahiyang tawagan ako, tama bibili nalang tayo sa mall ng phone mo"
"Talaga uncle?"
"Oo para naman maitext mo ko palagi"
"Sige uncle salamat"
Muling nanahimik sa mesa habang kami ay kumakain hindi ako mapakali gusto kong malaman kung magaling na si uncle kung hindi naba nabukol yung babang parte nito.
Bahagya kong inihulog ang kutsara sa sahig para naman masilip ko ang pants ni uncle mula sa pwesto ko.
Nang makita na walang nakabukol. Agad akong umayos ng upo na may sigla sa mukha
"Uncle!" masayang sigaw ko agad kay uncle na ngayon ay humihigop ng kape habang nagbabasa ng dyaryo
"Bakit Rumina?" tanong ni Reiner sa akin.
"Uncle magaling kana pala, wala na kasi nabukol sa baba mo!" sigaw ko
Naibuga ni uncle ang kape kay Jeremiah kaya si Jeremiah ay todo ang punas sa damit at leeg.
"Masayang masaya ako kasi magaling kana" dagdag ko pa
"Rumina pwede ba bilisan mo na diyan at magbihis kana" utos ni uncle sa akin.
"Opo uncle sige" wika ko
Minadali kong ubusin ang mga pagkain ko para makapagbihis agad gaya ng sinabi ni uncle.
Ang bait talaga ni uncle, ako lagi ang iniisip kaya gagawin ko lahat para lang hindi magkasakit si uncle.
9:00 na nang umaga nang makaalis kami ni uncle sa mansion.
Habang nasa byahe panay lang ang tingin ko sa kalsada at mga gusaling nadadaanan.
"Master Reiner malapit na po tayo" wika ng driver.
"Sige"
Napatingin ako sa baba ni uncle at salamat naman dahil hindi ito nakabukol "Uncle sigurado kang magaling kana ah" tanong kong muli kay uncle.
"Master Reiner nagkasakit po kayo?" tanong ng drive
"Ahh ano kasi" hindi maituloy ni Reiner ang sasabihin kaya ako na ang tumuloy.
"May sakit kasi si uncle yung baba_" hindi ko na natuloy ang sasabihin nang takpan ni uncle ang bibig ko.
"Ituloy mo sa parking lot" utos ni uncle sa driver habang tinatakpan ang bibig ko.
"Opo master"
"Pwede ba Rumina huwag mo na babanggitin yan" bulong ni uncle sa akin.
"Ahh eh sige"
Sa loob ng mall panay ang tingin ko sa paligid ang lawak at ang ganda tapos ang daming tao.
Inakbayan ako ni Reiner saka hinila palapit sa kaniya kaya napasandal ako sa kaniya saka ko siya tiningnan.
"Dito ka lang sa tabi ko" bulong niya sa akin, ang pakiramdam na labis ang kaba at bilis ng t***k ng puso ang tanging nararamdaman ko habang nakatitig sa kanyang mga mata.
Napapatingin sa amin ang mga tao sa gilid namin habang kami ay naglalakad, panay ang kwento sa akin ni uncle ng mga bagay na hindi ko pa nalalaman, hanggang sa narating namin ang hinahanap naming bilihan nang cellphone.
"Pili ka" utos sa akin ni Reiner.
Panay lang ang tingin ko sa phone na kukunin, ang gaganda naman kasi kaya halos parang gusto ko lahat, tinutulungan naman ako ni Reiner sa pagpili.
"Heto maganda" wika ni Reiner sabay abot sa akin ng phone.
Kinuha ko naman ang phone saka tiningnan ito mula likod hanggang harap.
Ang mga cashier sa booth ng cellphone ay halos nakatingin sa amin. Siguro tinitingnan si uncle sa gwapo ba naman ni uncle sino hindi mapapatingin.
"Ito na uncle" wika ko
"Please" wika ni uncle sa sales lady.
"Okey po pa wait nalang po" wika ng sales lady.
Biglang nagring ang phone ni Reiner saka tumalikod sa akin at sinagot ito. Bakit ganun tuwing my tatawag kay uncle tumatalikod ito sa akin saka sasaguting ang phone.
"Uncle?" tawag ko sa mahinang boses.
"Ah Rumina kailangan mo nang umuwi may aasikasuhin lang ako"
Tumango nalang ako, pero parang my sakit sa dibdib ko parang gusto kong tanungin siya kung saan siya pupunta st kung pwede ba ako sumama.
Matapos maibigay ang phone sa akin tinawagan nito si Jeremiah para sunduin ako sa mall.
Nang masundo ako ni Jeremiah sa mall agad akong sumakay ng kotse. Saka binuksan ang paperbag na may lamang phone. Hindi na ako nakaantay pa at agad kong binuksan ang phone. Siguro naman kaya ko to. Mamaya maglalaro nalang ako.