"Lady Rumina" sigaw ng isang babae mula sa entrance gate ng paaralan.
Napalingon ako sa kinaroroonan ng boses at nakita ko ang katulong na kasama ko sa pag-aayos ng bulaklak nung isang araw.
"Ikaw yung katulong ko sa pag-aayos ng bulaklak sa silid noon tapos ikaw din 'yung tinawag ni Reiner ng ulikba, bakit ka nandito ulikba?" tanong ko sa katulong
"Grabe naman po sa ulikba lady Rumina, may pangalan naman po ako" wika niya habang nagpupunas ng pawis sa mukha.
"Ayy akala ko kasi pangalan mo ulikba, ano nga pala pangalan mo?"
"Chelsea lady Rumina"
"E bakit ka nandito?"
"Inutusan po ako ni master Reiner na bantayan kayo kapalit ang pagpapa-aral sa akin tapos lady Rumina alam mo po bang magkacourse pa tayo oh diba haha tulungan tayo lady Rumina kapag may exam ah tapos sabay tayo kakain tapos sabay tayong magpapalit ng mga damit pang PE haysss, nakukutuwa diba po lady Rumina?"
"Ah hehe o siya tara na baka malate tayo"
"Sige po lady Rumina, huwag po kayo mag-alala lady Rumins ipagtatanggol ko po kayo kapag may nambully sa inyo."
"Salamat halika, dito tayo ikaw na maghanap ah kasi hindi ko alam gagawin" pakiusap ko kay Chelsea kasi ito ang unang pagkakataon na papasok ako ng tinatawag nilang paaralan sa mundo ko kasi dati sa baryo lang namin kami at sama-sama.
Sabay naming hinanap ni Chelsea ang room namin baka kasi mamaya late na pala kami.
Ilang minuto lang ay nakita na namin ang room at agad kaming pumasok. Napatingin sa amin ang mga istudyante na nagkukwentuhan mapalalaki man o mapababae.
"Ohhh may klasmate tayong maganda Gray" wika nang lalaki sa sulok,
nakatingin lang ang lalaki sa amin na tila nang-uusisa.
"Lady Rumina dito tayo" wika ni Chelsea saka ako hinila sa bakanteng upuan. Naupo kami ni Chelsea at nagkakakwentuhan hanggang sa dumating ang teacher namin.
Nakinig lang ako nang nakinig sa lalaking panay salita sa harapan. Unti-unti ko natututunan ang mga bagay na importante, mga dapat at hindi dapat gawin mga bagay na kailangan pahalagahan at marami pa.
Dumating ang oras ng breaktime hinila akong muli ni Chelsea para kumain sa canteen.
Nang makarating kami sa canteen.
"Lady Rumina dito muna po kayo bibili lang po ako ng makakain." paalam ni Chelsea sakin
Tumango na lamang ako bilang sagot. Nang maiwan ako sa mesa inilibot ko nalang ang paningin sa paligid, nakakapagtaka lang kasi mga nakatingin sa akin ang ilang kalalakihan dito sa canteen, hindi ko nalang pinansin at nanatili akong kalmado.
Hindi nagtagal may lumapit na lalaki sa mesa ko at umupo pa sa harapan ko.
"Hi" bati nito sa akin.
"Hmmm hi din" bati ko na medyo nagtataka kung bakit siya nasa mesa ko, ano kaya kailangan nito.
"Pwede ko bang malaman ang name mo? ayy anyway I'm Gray and magkaklase tayo"
"hmm Rumina" sagot ko
"Lady Rumina heto na po ang float, ay may gwapo, hi pogi" bati ni Chelsea sa lalaki.
"Chel si Gray classmate natin" pagpapakilala ko.
"Hi pogi" bati ni Chelsea
"By the way balik na ako sa barkada ko enjoy eating Rumina"
"Si Rumina lang?"
"Of course, of course you too Chelsea" wika ni Gray
Tumango lang ako kay Gray bilang sagot.
"Lady Rumina mukhang may something siya" muling wika ni Chelsea
"Mukhang may something na?" pagtataka kong sagot kay Chelsea
"Mukhang may gusto siya sa akin nararamdaman ko 'yun lady Rumina alam mo kasi lady Rumina mga mahiyain ang boys pagkaharap na ang mga babae lalo na kapag maganda ang babae naku natatameme nalang mga iyan" kwento ni Chelsea
Panay lang ang kwento ni Chelsea habang ako ay panay ang sipsip sa coke float na binili niya. Kahit ano pa sabihin nito wala naman ako pake dahil may asawa na ako isa pa mas gwapo si uncle kesa sa kaniya.
Dumating ang uwian at nag-aayos na ako ng gamit.
"Lady Rumina hindi ka naman ba mapagod sa unang araw ng pasok?"
"Hindi naman"
"Nag-aalala po kasi ako sa inyo pero sabi nyo nga po ok kayo kaya ok na din ako lady Rumina"
"Tara na po lady Rumina" aya ni Chelsea sa akin
Naglakad na kami ni Chelsea hanggang makarating ng groundfloor.
Sa baba nakita ko si Gray nakatayo sa poste.
"Uyyy si pogi" ngiting wika ni Chelsea
"Hi pogi" nagulat ako nang biglang sumigaw ito kaya naman napalingon ako sa pwesto ni Gray at ito na nga nakita na nga kami.
Lumapit si Gray sa amin habang itong si Chelsea ay kilig na kilig.
"Chelsea punta na ako sa parking lot ah para pagdating ni Reiner andun na ako sunod ka nalang."
"Opo lady Rumina"
Lumayo na ako para hindi ko sila maistorbo sana lang hindi niya saktan si Chelsea kung maging sila. Habang nasa parking lot umupo muna ako sa upuang bato na nasa gilid ng puno habang hinihintay si Reiner.
"Ahh Chelsea saan pumunta si Rumina?" tanong ni Gray kay Chelsea
"Doon sa parking lot hinihintay kasi niya si master Reiner."
"Sino si master Reiner" tanong ni Gray kay Chelsea
"Ah asawa siya ni lady Rumina"
"So may asawa na pala siya"
"Yes pogi"
"Kaya pala feel ko parang naiwas siya, nice ah loyal pala siya sa asawa" bulong sa isip ni Gray.
Hindi nagtagal dumating si Reiner sa paaralan para sunduin ako. Nang makita ko ang sasakyan ni Reiner at lumabas ito sa kotse, para akong bata na tumakbo kay Reiner
"Kamusta ang pag-aaral?" tanong agad ni Reiner sa akin.
"Okey naman marami akong natutunan"
"Good so let's go?"
"Teka si Chelsea may kausap pa hintayin na natin"
"Well okey, ano gusto mo kain tayo mamaya sa restaurant"
"Sige uncle gusto ko 'yun"
"And may gusto ako sanang sabihin sayo"
Napahinto ako sa huling sinabi ni Reiner, tiningnan ko siya sa kanyang mga mata at mukang seryoso siya sa gusto niya sabihin, pero ano kaya 'yun? parang kinakabahan ako sa sasabihin niya.
Tumango nalang ako bilang tugon sa sinabi niya.
Ilang minuto ang lumipas dumating si Chelsea na kilig na kilig.
"Lady Rumina sensya na po ah kasi si Gray eh dami tinatanong sa akin eh syempre interesado ako ayeei, ayyy hello po pala master Reiner" kinikilig na wika ni Chelsea.
"Sino si Gray?" seryosong wika ni Reiner
"Si Gray sir klasmeyt namin ni lady Rumina na may gusto sa akin" pagyayabang ni Chelsea.
"Ah okey eh ano mga tinatanong sayo?" tanong muli ni Reiner.
"Aba master kailan pa kayo naging maritess?"
Hindi umimik si Reiner pinanliitan lang niya ng mata si Chelsea
"Kayo naman master hindi mabiro haha, tinatanong kung ano pangalan niyo, kung kaanu ano niyo si lady Rumina, tapos kung saan daw ba kami nakatira, ilan taon na daw ba si lady Rumina at ilang taon na daw ba kayo mga ganun master Reiner, o diba interesado siya sa akin, haha kinikilig ako"
"Ahh sa madaling salita may gusto sayo 'yung_" biglang baling ng tingin sa akin si Reiner "Gray?" napatitig lang ako sa mga mata niya na may pagtataka kung bakit sa akin napatingin ito, samantalang nakatingin siya kay Chelsea dahil kausap niya.
"Ay opo master kaya kinikilig ako ngayon kasi halatang crush ako ni Gray" wika ni Chelsea
"Get in" utos bigla sa akin ni Reiner.
Sumunod nalang ako kay Reiner na may pagtataka sa isip. Ano kaya nangyari sa taong to.
"Ayy master sige po" wika ni Chelsea habang nakahawak sa pintuan ng kotse.
"Oops hindi ko sinabing sumakay ka" wika ni Reiner.
"Pero master"
"Magcommute ka"
"Pero wala ako pamasahe"
"Edi huwag ka mag-alala may maghahatid sa'yo"
"Sino po master? okey lang kung kayo po"
"Hindi ako kundi si Gray"
"Eeeehhhh master"
"Hintayin mo si Jeremiah" wika ni Reiner sabay pasok sa kotse at agad pinaandar. Naiwan naman si Chelsea sa parking lot para hintayin si Jeremiah.
Habang nasa byahe kami tahimik lang si Reiner habang nagdadrive, ako naman ay hindi naimik dahil sa pakiramdam na konting salita mo nalang ay magagalit na ito. Kaya tahimik nalang ako sa byahe at nakikiramdam.
Ilang oras ang naibyahe namin saka huminto sa isang mamahaling restaurant
"Ah uncle" tawag ko kay Reiner
"Kakain tayo nagugutom na kasi ako" wika niya habang hila niya ako sa aking pulsuhan.
Pagkapasok sa restaurant nagtinginan ang mga tao sa amin. Samot saring bulungan na naman ang narinig ko halos iisa lang ang kanilang sinasabi.
"Wow ang gandang couple naman nito."
Napalingon ako kay Reiner habang nakatayo kami sa gitna dahil sa naghahanap pa ang waiter ng uupuan namin. Nang makahanap ay agad din kaming umupo saka umorder agad si Reiner ng aming makakain at talagang gutom na siya ah. Napangiti nalang ako sa kaniya dahil hindi ito mapakali sa kinauupuan.
15 minutes kami naghintay bago dumating ang order naming steak.
So this is it, buti nalang marunong na ako gumamit ng kutsara at tinidor pero para saan kaya ang kutsilyo?
"Rumina may problem ba?" biglang tanong ni Reiner sa akin ng mapansing panay ang tingin ko sa kutsara at tinidor pati kutsilyo.
"Ahh ano kasi uncle" utal kong wika
"Okey i'll teach you how" determinadong wika ni Reiner
Tumayo ito mula sa kaniyang upuan saka tumungo sa likod ko bago hinawakan niya ang dalawa kong kamay at tinuturo ang tamang gamit nito.
Grabe ang bilis ng t***k ng puso ko hindi ko maiwasan ang mamula ang pisngi ko. Maging ang ibang nakakakita sa amin ay tila mga kinikilig sa amin.
"Mali pala ang chismis no" wika ng babae
"Oo nga eh kita naman natin ng dalawang mata natin"
"Siya si Reiner at si Rumina ang asawa tama?"
"Oo ang cute nila no?"
"Oo ang cute teka picturan natin" wika ng isang babae
"Uncle ok na po ako kaya ko na" wika ko.
"Sure ka? sagot ni Reiner sa akin.
"Opo" wika ko.
Umupo na si Reiner matapos akong maturuan. Kumain kami ng kumain ni Reiner dahil talagang masarap ang pagkain. Nang matapos ay hindi din kami nagtagal ni Reiner sa loob ng restaurant tumambay muna kami sa parking lot kahit saglit bago umuwi. Habang naghihintay may bigla akong naalala kaya lakas loob akong nagtanong kay Reiner.
"Uncle" tawag ko
"Bakit?" wika ni Reiner sa mahinang boses.
"Hindi po ba may itatanong kayo sa akin?" seryoso kong wika kay Reiner
Lumapit naman si Reiner sa akin saka ako hinawakan sa balikat
"Gusto ko sabihin na_na_" hindi na naituloy ni Reiner ang sasabihin ng biglang tumunog ang phone nito at nang tingnan ay agad din niya itong sinagot pero nakatalikod sa akin. Napansin ko lang pagkainis ni Reiner sa bawat sagot nito sa kausap.
"Sino kaya 'yung kausap niya?" wika ko nalang sa isip ko.
"Fine!" huling sagot na narinig ko kay Reiner, napabuntong hininga pa ito bago humarap sa akin. "Lets go umuwi na tayo" aya ni Reiner sa akin. Hindi na ako umimik pa, sumunod nalang ako kay Uncle.
Makalipas ang 2 oras na byahe at saktong 12:30 na nang madaling araw nang makarating kami nang mansiyon.
Gaya nang dati sa sobrang pagod at oras na din ay nakatulog nalang ako sa byahe kaya pagkadating ay binuhat nalang ako ni uncle papuntang kwarto.
Pagkalapag sa akin ni uncle hindi ko na natanong pa si uncle kung saan ang tungo nito dahil pagkalapag sa akin sa kama ay agad ding umalis.
"Uncle" wika ko sa mahinang boses
Kinabukasan 4:30 nang umaga nang maalimpungatan ako, napansin ko wala sa tabi ko si uncle. Napaupo ako para ilibot ang paningin ko sa paligid pero wala si uncle, sumilip din ako sa CR pero wala din doon si uncle bumalik ako sa kama saka napaisip kung nasaan si uncle. Hindi pala siya umuwi matapos niya ako ihatid dito sa bahay at hindi din niya sinabi sa akin kung sino ang kausap niya bago kami umuwi.
Nanatili akong nakapamaluktot nang upo sa kama at nakasubsob ang ulo sa tuhod sa loob ng 2 oras.
Maya maya pa may naramdaman nalang akong pagpasok sa kwarto, at nang silipin ko, walang iba kundi si uncle.
"Ibig sabihin ngayon lang siya nakauwi saan kaya siya nakitulog?" wika ko sa isip.
"Amm aga mo nagising ah, mas okey kasi makakasabay kitang magbreakfast" malambing na wika ni uncle.
"Saan ka natulog?" tanong ko sa kaniya habang nakasubsob pa din ako sa mga tuhod ko.
"Ako? edi dito, umalis lang ako saglit kasi may kinuha lang ako sa opis"
"Anong oras ka umalis?" muli kong tanong
"Ito lang alas 6 ng umaga"
Hindi na ako umimik, doon palang nagsinungaling na siya sa akin at ramdam kong my tinatago ito sa akin. Tinitigan ko lang siya ng masama sa inis ko na hindi ko mailabas. Sabagy sino ba ako? isa lang akong kaluluwang sumanib sa katawan ng babaeng asawa nito at ang babaeng hindi naman niya minahal ano pa aasahan ko, pero hindi ko hahayaan na ang katawan na ito ay masasaktan muli kaya pinakamabisang paraan ay maging manhid.
Naglakad na ako papuntang kusina kasi sabi niya sabay kaming magbebreakfast kaya tahimik lang ako hanggang makarating sa kusina.
Habang nakain panay lang ang tingin sa akin ni Reiner, ako naman ni minsan hindi siya magawang lingunin dahil focus lang ako sa pagkain ko.
Konti lang nakain ko tila wala akong gana at lutang ang pag-iisip ko parang 'yung pagsisinungaling ni uncle sa akin hindi ko matanggap.
"Tapos na ako mag-aasikaso na ako sa pagpasok" paalam ko kay Reiner saka ako tumayo at naglakad na palabas ng kusina. Walang imik si Reiner hanggang sa makalabas ako ng kusina. Napahinto ako saglit sa aking kinatatayuan at lumingon sa kusina nagbabakasakaling tawagin ako o may sabihin man lang si Reiner pero bigo ako.
Tumungo na ako papuntang kwarto para mag-asikaso dahil baka malate pa ako.
"Rumina" wika ng isang lalaking galing labas ng kwarto. Nang makarating "Tapos kana mag-asikaso?"
Tumango lang ako bilang sagot.
"Good, si Jeremiah muna maghahatid sayo ah si Chelsea ba ayos na?" tanong ni Reiner sa akin.
"Hindi mo ko maihahatid?" tanong ko
"Hindi eh kasi may lakad ako"
"Sige" at naglakad na ako palabas ng kwarto na nangingilid ang luha.
Napahinto ako saglit nang marinig kong nagring ang phone ni Reiner at may kausap at tila kagaya ng naging reaksiyon nya nung una kung paano niya ito kausapin.
"Oo pupunta ako diyan ngayon na hintayin mo ko" wika niya sa kausap.
Nalungkot ako bigla parang iba talaga pakiramdam ko sa kausap niyang iyon.
Tuluyan na akong lumabas ng bahay para pumasok sa paaralan.
Nahalata ni Jeremiah at Chelsea ang pagiging tahimik ko sa sasakyan. Hindi na sila nag-usisa pa sa akin dahil nanatili silang tahimik habang nasa byahe feel ko parang dinadamayan nila ako. Sana mamayang gabi ay okey na ang lahat.
Sa Paaralan
Nang makarating sa paaralan agad ipinark ni butler Jeremiah ang kotse sa parking lot saka kami bumaba ni Chelsea.
"Sige na magsecure kayo sa paligid" utos ni Chelsea sa mga bodyguard na inatasan ni Reiner para bantayan kami palagi.
Pagkababa ko hindi ko na nilingon ang dalawa at ang iba pa, nagderetso ako sa paglalakad matapos makuha ang gamit ko sa kotse.
"Hi ganda" wika nang lalaking lumitaw bigla sa harapan ko.
"Ikaw pala" wika ko saka nagtuloy muli ako sa paglalakad.
Hinabol ako ni Gray saka sumabay sa akin sa paglalakad.
"Bakit ang sungit mo? nakikipagkaibigan lang naman ako" wika ni Grays sa mahinang boses.
"Okey sige, saka hindi ako masungit may problema lang ako" wika ko na nabaling ang atensiyon sa iba.
"Okey sorry, ganyan pala mga babae ano? kapag may problema damay kaming mga walang alam" wika ni Gray na nakangiti habang nakacross arms ito.
"Alam mo Gray kung may gusto kang asarin hintayin mo nalang si Chelsea nandyan na 'yan maya maya kasi ako wala ako sa mood eh" pagsusungit ko kay Gray saka nagpatuloy na sa paglalakad.
Hinabol ako muli ni Gray at nang maabutan ako dumeretso ito sa harapan ko at nakataas ang mga palad.
"Okey suko na ako wala na ako sasabihin isang smile naman diyan oh please"
Para tumigil na si Gray sa pangungulit ngumiti nalang ako gaya nang hiling niya.
"Ano masaya kana at ngumiti na ako?" inis kong wika sa kaniya
"Ang ganda mo talaga"
Umiling nalang ako saka naglakad nang muli patungong silid-aralan.
Nag-umpisa ang oras ng klase napansin kong si Gray ay panay sulyap sa pwesto namin ni Chelsea kaya itong si Chelsea ay panay ang pacute sa lalaki.
Hindi ko na inintindi ang ginagawa ng dalawa nag-focus ako sa lecture at pagsusulat hanggang sa sumapit ang breaktime.
"Lady Rumina kakain ka po?" tanong ni Chelsea sa akin.
"Hindi Chel sige na pumunta ka nalang ng canteen hintayin nalang kita dito"
"Sige lady Rumina saglit lang ako kakain nagugutom na kasi ako"
"Sige Chel"
Lumabas na nang room si Chelsea at naiwan akong mag-isa sa silid-aralan.
Habang nagsusulat ako ng mga araling hindi ko nagawa kanina isang lalaki ang umupo sa harapan ko.
Pinagtaasan ko ito ng isang kilay dahil siguro mangungulit na naman ito. "Kung si Chelsea ang hanap mo nasa canteen siya pwede mo puntahan"
"No hindi ko naman siya hinahanap, ang totoo gusto ko lang maging magkaibigan tayo yung magaan ang loob mo sa akin as your friend kaya huwag mo sana ako pagsungitan." mahinahong wika ni Gray.
Samantala si Chelsea ay patuloy sa paghahanap kay Gray sa canteen.
"Asaan na kaya si boyfie charr hayss" napakamot nalang sa ulo si Chelsea habang naghahanap sa binata.
Sa silid-aralan nagkakatuwaan na sina Rumina at Gray.
"See, I told you mas maganda ka kapag naka smile" wika ni Gray.
"Thanks"
"Ano ba kasi nangyari?"
"Amm personal matter"
"Okey sige"
Nagsimula ang klase sa hapon at si Gray ay umuupo na sa tabi namin ni Chelsea. Hinahayaan ko nalang ang dalawa kapag nagkukulitan basta focus lang ako sa aralin. Natutuwa ako sa mga aralin sa mundong ito, dahil bukod sa ang gaganda ng mga sumunod na era pagkatapos nang panahon ko makikita mo talaga ang unti unting pagbabago ng mga tao, nagiging maayos sila manamit, yung mga bahay nagbago din naging mas matibay at hindi basta basta masisira ng masamang panahon, yung mga dating sinasakyan namin pantawid bayan ngayon ang gaganda nang tingnan gusto ko pa aralin ang iba pang nangyayari sa mundong ginagalawan ko ngayon.
Gusto ko ding maging abala sa mga gagawin ko mamaya para malimutan ang pagsisinungaling sa akin ni Reiner.
Dumating ang oras ng uwian ang lahat nagsisitakbuhang makalabas ng bahay at ang iba naman ay nagkukumpulan pa dahil may hinihintay pang kasama.
May isang grupo ang lumapit sa amin ni Chelsea,
"Hi Rumina, Chelsea and Hi Gray" wika ng apat na babae
"Yes girls" tanong ni Gray
"I'm Rose and this is Faye, Sheerah, and Anne"
"Kinagagalak kong makilala kayo." wika ko sa apat
"Tara birthday kasi ni Sheera at gusto naming i celebrate sa labas mas masaya kung mas madami tayong magkakaklase at ito na din ang way namin para makilala ang mga klameyt namin. Sana sumama kayo para masaya" wika ni Rose
"Wala ako nakikitang dahilan para hindi paburan ang gusto mo mangyari ako ok lang ako, wala naman ako gagawin hindi ko lang alam sa dalawang magagandang kasama ko" wika ni Gray.
"Ano Chelsea at Rumina sama ba kayo" tanong muli ni Rose.
Mukhang okey naman ang gusto mangyari nila Rose at para makilala din ang isa't isa. Wala naman masama kung sasama kami ni Chelsea.
"Sige sama kami" wika ko
"Wow pumayag si lady Rumina hahaha tara lets, Gray halika dito" wika ni Chelsea habang nakayakap sa braso ni Gray.
Nasa unahan ang apat na girl at kaming tatlo ay nasa likod. Sinabihan ko na din ang mga bodyguard na inutusan ni Reiner na may lakad kami kung gusto nila sumama pwede kung ayaw naman nila pwede na sila bumalik sa mansiyon at magpahinga.
Nang marating ang restaurant namili kami ng mahabang mesa para sama sama kaming nakain.
"CR muna ako" wika ko sa mga kasama.
Nagtungo na ako ng CR dahil kanina pa talaga akong ihing ihi. Nang makarating ng CR at nasa cubicle na ako. Isang grupo ng magkakaibigan ang pumasok at nag-uusap usap.
"Guys nabalitaan niyo na ba ang bagong news?" wika ni isang babae
"Yung new student si Chelsea ba 'yun at si Rumina grabe hindi ko matake yung Chelsea grabe makadikit kay Gray andito sila ngayon nakita niyo? kasama nila sina Rose yung mga dukhang transfer." wika ng isang babae
"Yung mga feeling rich?" wika ulit ng isang babae "tapos lagi pa nila kasama si Gray diba mapang-agaw lang talaga sila"
"Kung hindi ako nagkakamali tatlo sila" wika ko sa isip, habang nasa cubicle at nanatiling nakikinig.
Nagtawanan lang ng nagtawanan ang tatlong babae saka ako lumabas.
"Ang pagiging mapanira sa kapwa ay sadyang may inggit sa katawan bakit hindi mo subukang tanungin ang lalaking kasama namin kung kanino niya gusto sumama, una sa lahat hindi namin pinilit ang tao isa pa paano kung si Chelsea ang nagustuhan ng lalaki? iiyak ka nalang siguro no, nakakaawa." pagtataray ko.
"Aba talagang, sino kaba huh hinahamon mo ba ako?" wika ng isang babaeng nakapulang jacket
"Hinahamon ba? parang wala akong matandaan na nanghamon ako unless nasaktan ka sa sinabi ko. Isa pa mas masarap kasama ang mga gaya naming feeling rich kumpara sa mga tupperware na pakalat kalat sa paligid inshort basura" wika ko habang nananalamin sa malaking salamin ng CR.
Sa inis ng isang babae sa mga sinabi ko hinila niya ang buhok ko, nagmatigas ako para hindi niya ako mahila sa halip inabot ko ang kamay niya na nasa buhok ko, saka ko pinisil ang pulsuhan niya.
Napahiyaw ang babae sa ginawa ko.
"Subukan mo hawakan muli ang ano man sa parte ng katawan ko makikita mo ang hinahanap mo!" madiin kong wika sa babae na ngayon ay nagmamakaawang bitiwan ko siya.
Sinipa ako ng babaeng kaibigan niya kaya napaupo ako sa sahig. Agad ako tumayo para makaganti, abala ito sa pagtulong sa kaibigan kaya parehas ko silang hinawakan sa braso at inikot ang mga ito patalikod.
Parehas silang naghihiyaw sa sakit,
"Walang hiya ka Rumina sino kaba para saktan kami isa ka lang namang hamak na dukha, malalagot ka sa akin ipapatawag ko ang abogado ko!"
"Edi ipatawag mo tingnan natin kung sino mapapahiya" sagot ko.
"Ang yabang sino kaba?"
"Ako si Rumina asawa ni Reiner Cervantes" pagmamalaki ko
"Hahahaha asawa?"
"Asawa daw bhest"
"Nangarap, hindi ka magiging asawa ng isang sikat at tanyag na CEO nang Dewtech!"
"Nababaliw na 'yan tara na girls, ang name mo ay Rumina? tama ba? hindi pa tayo tapos!"
Tiningnan ko lang sila habang naglalakad palabas ng CR.
Nang mawala na sila lumabas na din ako ng CR saka dumeretso sa mesa namin.
Nakita ko ang cokefloat na nasa mesa
"Akin ito?" tanong ko kay Chelsea.
"Opo lady Rumina saka bakit po ang tagal niyo?" tanong sa akin ni Chelsea
"Ah may mga babae kasi sa CR na halos pagchismisan tayo kaya tinuruan ko lang ng leksiyon" sagot ko
"Hindi mo na dapat pinatulan" wika ni Gray.
"Paano hindi papatulan grabe na pinagsasabi sa atin"
"Sino ba 'yun Rumina?" tanong ni Rose sa akin.
"Hindi ko kilala pero sure akong classmate natin kasi nakita ko na siya kaninang umaga sa silid-aralan, yung nakajacket na pula na nakaupo sa unahan" paliwanag ko
"Ah si Jihan 'yun general ang ama nun, naku yari bigatin nakaaway mo." wika ni Rose
"Oo nga Rumina nakakatakot pa naman ang ama nun" wika ni Sheera
"Bahala sila" wika ko habang nasipsip sa straw.
Ilang minuto pa ay may dumating na tatlong kalalakihan, agad akong tinuro ng Jihan na sinabi ni Rose.
Nanatili akong kalmado sa pwesto ko habang sumisipsip ng cokefloat.
Lumapit ang tatlong laki sa pwesto ko at pinakatitigan ako ng masama mula ulo hanggang paa.
"Anong problema niyo" tanong ni Gray mula sa kinauupuan nito
"Ito kasing babaeng ito sinaktan ang kaibigan ko, may ipagmamalaki ba ito?"
sagot ng lalaking my hikaw sa labi.
"Pre babae 'yan papatulan mo?" tanong muli ni Gray
"Bakit gusto mo ikaw sumalo ng galit ng kamao ko? kanina pa naman ito nagagalit at gustong dumampi sa pisngi ng babaeng ito" wika ng lalaki sabay himas sa pisngi ko na agad na kinalayo ko.
Tiningnan ko lang ito ng masama dahil sa ginawa niyang paghimas sa pisngi ko, sa totoo lang ayoko ng gulo dahil may mga kasama ako na pwede nila ikadamay at ikapahamak.
"Walang hiya ka bastos ka pre ah" hinawi ni Gray ang kamay ng lalaki saka humarang sa harap ko.
"Gray" tawag ko sa mahinang boses
"I'm okey hindi ko lang hahayaang bastusin ka ulit nito" sagot ni Gray sa akin.
"Teka tawagan ko mga bodyguard" wika naman ni Chelsea.
Panay lang ang ring ng phone ng mga bodyguards na inatasan ni Reiner na magbantay sa asawa at sa personal maid ito. Nakailang tawag na si Chelsea pero wala pa din sumasagot.
"Natawag si Chelsea brad" wika ng isang bodyguard
"Yaan mo yan makikipag asaran lang yan isa pa sabi ni lady Rumina kanina pahinga na natin kaya hayaan mo na 'yan tuloy ang laro istorbo lang 'yan si Chelsea" wika naman ng isang bodyguard.
"Oh taya na umpisa na ulit ng laro" wika naman ng isang bodyguard
Nagsugal nang nagsugal ang apat na bodyguard at hinayaan ang kanina pang tumatawag nasi Chelsea.
Sa restaurant dahil nagkainitan na ang lalaki at si Gray, nangunang manggulo ang lalaki na agad sinuntok si Gray.
Nagulat ang mga kasama namin sa restaurant kaya gumilid sila ako naman ay umaawat sa dalawa dahil mahirap na mamaya may dalang kutsilyo ang lalaki.
Hindi inintindi ng lalaki ang pag-awat ko kaya muli niyang sinuntok si Gray na ikinatumba ng lalaki sa sahig at duguan ang bibig.
"Gray!" sigaw ko
Akmang pupuntahan ko na sana si Gray nang hawakan ako sa braso ng lalaki.
"Porse ingat marunong yan ng self defense" sigaw ng Jihan na nakatayo sa gilid ng pintuan "Ken bantayan mo diyan sa pinto huwag ka magpapapasok"
Tumango lang ang lalaking si Ken na kasama nila.
"Ikaw saan ka nakatingin andito ako" wika ng lalaki sabay hawak sa buhok ko mula sa likod
"Bakit sino kaba para titigan!" pang-aasar ko
"Aba talagang ginagalit mo ko ah alam mo miss ang ganda mo kaso sinaktan mo kasi ang kaibigan ko eh kaya dapat kang maparusahan or pwede din maglaro tayo kung gusto mo"
Buong pwersa kong tinapakan ang paa ng lalaki, dahilan para mapasigaw ito. Nang mabitawan niya ang buhok ko buong pwersa ko siyang sinampal sabay suntok kaya napatumba ito.
Tumakbo ako kay Gray, para tingnan ang kondisyon nito duguan na ang nguso ni Gray at namamaga na din ang braso.
"Lady Rumina!" sigaw ni Chelsea mula sa malayo
Umiling lang ako dahil ayaw kong madamay sila. Naunawaan naman ako ni Chelsea kaya hindi na nagtakang lumapit pa.
"Ano gagawin natin Chelsea?" wika ni Rose
"Tatawagan ko si master Reiner" sagot ni Chelsea
"Si master Reiner 'yung sikat na CEO at kinatatakutan ng lahat?" muling tanong ni Rose.
"Oo doon kasi ako nagtatrabaho" wika ni Chelsea nagdial na si Chelsea para ibalita kay Reiner ang nangyayari.
"Walang hiya ka talagang babae ka!" wika ng lalaki saka muling akong sinabunutan.
Tinadyakan ko ang lalaki sa bayag at namilipit ito sa sakit.
"Owww sakit nun" wika ng Ken
"Hala basag na 'yan Porse hahahaha" wika ni Jihan.
"Pinapahiya mo talaga ako ah" galit na wika ng lalaki habang hawak ako sa buhok.
Buong pwersa akong pinagsasampal ng lalaki ng ilang beses dahilan para mamaga ang pisngi ko at pumutok ang labi ko. Hindi pa ito nakuntento at kumuha ng kutsilyo sa sahig saka sinira ang uniporme ko. Kaya lumaylay ang tela ng suot ko, dahilan para makita ang bra kong suot.
Agad ko tinakpan ng mga braso ko ang dibdib ko. Napayuko ako sa hiya.
"Wow ang ganda naman ng view nag-iinit ako sa maganda mong katawan hahaha" wika ng lalaki.
Nagulat ako ng bumagsak ang lalaki sa harapan ko, iyon pala ay sinuntok ni Gray mula sa likod agad bumangon ang lalaki saka ako tinutukan ng tinidor sa leeg.
"Huwag kang gagalaw konting galaw mo guguhit itong tinidor sa leeg mo" bulong sa akin ng lalaki
"Porse kailangan mo naba ng tulong?"
wika ni Jihan
"Kaya ko pa tol! oh ano pre susugod kapa? oh baka gusto mong matuluyan ang babaeng ito?" wika ng lalaki sabay diin sa tinidor na hawak kaya bumaon sa leeg ko
"Itigil mo na ito kundi malalagot ka kay Reiner" pagbabanta ko.
"Alam mo miss wala akong kinatatakutan isa pa sinong Reiner? maraming Reiner sa mundo"
"Walang iba kundi ang asawa ko si Reiner Cervantes" wika ko
"Nangangarap kaba miss wala nang pakealam si boss Reiner sa asawa niya iyon ang bali balita, isa pa ang katulad mo? hahahaa sino ka para pansinin ng isang sikat at kinatatakutan na CEO?ahahahaha" wika ng lalaki
Hindi ko na inintindi ang sinabi ng lalaki dahil ang antensiyon ko ay nasa katawan ko na ngayon ay nakikita na ng mga tao, hiyang hiya na ako sa sarili ko wala na ako mukhang mapapakita kay uncle dahil ang dumi ko na, nakita na ito ng maraming tao. Panay ang tulo ng luha ko kapag naiisip ko si Uncle lalo pa hindi ko alam kung ano na ang ginagawa nito siguro nakipagkita na naman sa iba at ako ito hinayaan nalang na pwede kong ikamatay ano mang oras.
"Oh tol pagkakataon mo na hindi na gagalaw ang babaeng ito" sigaw ng lalaki, lumapit ang Jihan at ang dalawang babae papunta sa akin.
"Itigil niyo yan!" wika ni Gray.
"Oopss huwag kang lalapit makikita mo mangyayari kapag nagtangka ka" pagpigil ng lalaki
"Tama na yan! Jusko ko po tulungan niyo si Lady Rumina!" sigaw ni Chelsea sa sulok.
"Wala na ako mukhang maihaharap kay uncle" bulong ko sa isip, wala na ako iniisip pang iba dahil sa totoo lang gusto ko na din mawala sa mundo matapos mapahiya ang sarili ko mamaya sa mata ng uncle ko.