Maya maya pa nagring ang phone ni Ryan
"Hello?" sagot nito sa tumawag
"Ah okey rush ba?" tanong nito sa kausap
"Okey okey" sabay baba sa kaniyang phone "anyway hatid na kita sa bahay kasi may rush akong gagawin ngayon bali bukas kung pwede ka sa fans day ko sunduin kita ah"
"Huwag ka nang umasa na pupunta ako" pagtataray ko.
Hinatid na ako ni Ryan sa bahay, hindi rin siya nagtagal ay umalis din ito. Saka ako umakyat sa kwarto at nagbihis.
"Ano kaya pwedeng magawa ngayon?"
Inilibot ko ang paningin ko sa magkabilang sulok ng bahay. Tama magtatanim ako ng halaman.
Bumaba na ako para magtungo sa pond na ginawa ko kumuha ako ng mga halamang namumulaklak na ilalagay ko sa taas. Nakita ako ni Jeremiah at napakunot ang ulo nang makitang may dala akong paso ng halaman.
"Lady Rumina ano po ang gagawin niyo?" tanong ni Jeremiah ng makasalubong ako
"Magtatanim ako dun sa taas"
"Ako na po lady Rumina" wika ni Jeremiah saka niya kinuha ang paso na hawak ko.
"Salamat" wika ko
Ngumiti lang si Jeremiah sakin saka kami naglakad paakyat nang hagdan para tumungo ng kwarto.
Sa opisina
Abalang abala si Reiner na nagtitipa sa computer nang pumasok si Nicole.
"Master Reiner dumating po si Bridget"
Napahinto si Reiner sa pagtitipa sa computer na napatingin kay Nicole.
"Bakit daw?"
"May importante daw pong sasabihin"
"Papasukin mo"
Biglang nagpop up ang message sa screen ng computer ni Reiner, message galing sa ama ni Bridget.
"Nakalimutan mo na ba ang obligasyon mo sa anak namin master Reiner, hindi bat nangako ka na aalagaan mo ang anak namin hanggang sa gumaling 2 years ago, tapos ikinasal ka lang nakalimutan mo na ang anak namin"
message ng ama ni Bridget kay Reiner.
"Matagal ko na tinatapos ang pangakong iyon sa anak niyo may asawa na ho ako at obligasyon kong alagaan ang asawa ko hindi ang ibang babae, naiintindihan niyo naman ata yun, huwag niyo po ako itulad sa inyo na tatlong babae ang inaalagaan nang hindi alam ng totoong asawa niyo"
"Sino kausap mo Reiner?" tanong ng babae na ngayon ay nasa harap na ni Reiner.
"Bridget, bakit ka nandito?" tanong ni Reiner
"Of course para madalaw ka hindi kana kasi napunta sa bahay" wika ni Bridget
"May asawa na ako Bridget"
"I know pero diba sabi mo makikipag divorce ka sa kaniya meaning to say single kana ulit"
"Not anymore"
"What?"
"She's my wife Bridget"
"Do you love her?"
"Yes, I do love her"
"Come on Reiner, don't act such a stupid thing, I know na hindi mo siya mahal"
"Umalis kana"
"Paano ako?"
"I don't care"
"Arrr Reiner, nakakainis ka! Alam kong may puwang pa ako sa puso mo, pero tinatago mo lang"
"Look para lang kitang kapatid okey ikaw lang nagbigay nang kahulugan ng pag-aalaga ko sayo"
"Fine magkikita pa tayo" huling wika ni Bridget saka lumabas ng opisina.
Si Reiner naman ay tiningnan ang larawan ng asawa na makikita sa screenlock ng phone.
"Mahal na nga ba kita?" bulong sa isip ni Reiner.
Sa mansiyon ng Cervantes
Abalang abala ako sa pagtatanim, halos 5 oras din ang ginugol ko para matapos lahat ng gagawin.
"Sa wakas tapos na" wika ko
"Wow lady Rumina ang gaganda naman niyan" wika ng katulong na kakapasok lang ng kwarto ko at may dalang tubig. "Lady Rumina heto po uminum muna po kayo".
"Salamat gusto ko pagdating ni Reiner ay makita niya ito para kahit papaano maibsan ang pagod niya"
"Ang bait niyo po lady Rumina malayo talaga ang chismis na nababalita sa inyo kesa ang makita kayo at makasama kayo ngayon". papuri ng katulong sa akin.
"Ganun ba salamat, minsan kasi ang chismis nakakasira talaga iyan ng buhay kaya huwag tayo basta basta maniniwala sa mga kwento kwento"
"Opo lady Rumina, tulungan ko na po kayo"
"Sige"
Gumawa pa kami ng gumawa ng kasama kong mabait na katulong. Sana magustuhan ni Uncle ito.
Sumapit ang hapon, 4:00 pm ng dumating si Reiner sa mansiyon. Tila matamlay ito at nag-iisip ng malalim sa nangyari kanina.
"Paano kung guluhin niya si Rumina at saktan, hindi hindi ko papayagan mangyari 'yun" bulong sa isip ni Reiner pagkababa ng sasakyan.
"Maligayang pagdating master Reiner" salubong na bati ni Jeremiah.
"Si si amm si Rumina?" tanong agad ni Reiner kay Jeremiah.
Kinagulat ni Jeremiah ang pagtatanong na iyon ni Reiner dahil hindi pa hinanap ni Reiner ang asawa buhat ng ikasal sila.
"Ah master ano po, nasa kwarto niyo po si lady Rumina" utak na wika ni Reiner
Tumango lang si Reiner saka umakyat na nang hagdan pataas para puntahan ang asawa.
Nang makarating sa kwarto dahan dahan nito binuksan ang pintuan at bumungad sa kaniya ang asawa na inaayos ang bulaklak sa balcony
Dahan dahan ito lumapit, nang makarating sa likod ko.
"Okey na ito" wika ko, humakbang ako paatras nang bumangga ako sa matigas na katawan.
Yumakap ito sa akin nang mahigpit saka ipinatong ang chin sa balikat ko.
"Ka kanina kapa ba andiyan uncle?" ngatal kong wika dahil sa pagkabigla.
"Kakarating ko lang ano ginagawa mo?"
"Ito naglagay ako nang bulaklak sa kwarto para naman maganda tingnan ang paligid, isa pa para maibsan ang pagod mo pagkauwi galing trabaho"
Gulat ko nang buhatin ako ni Reiner at inihiga sa kama.
"Sino ka bang talaga?" seryosong tanong nito sa akin.
"Hala nahalata ata niya na hindi ako ang totoong asawa niya, sasabihin ko ba?" bulong ko sa isip ko
"A..a ako si Rumina Cervantes"
"Sino pamilya mo?"
"Pamilya ko? edi walang iba kundi ang asawa kong si Reiner Cervantes" pagmamalaki kong wika, naisip ko iyon haha.
"Huwag mong kakalimutan iyan maliwanag?" seryosong wika ni Reiner
Hindi ko inaasahan ang sumunod na pangyayari, laking gulat ko nang halikan niya ako isang mainit at sabik na sabik halik. Hindi ako tumugon sa halik na iyon dahil naalala ko ang sinabi niya.
Biglang huminto si Reiner sa paghalik sa akin saka ako pinakatitigan ng masama, pinunasan ko naman ang labi ko saka ko nakita ang pagsalubong ng kilay niya.
"s**t bakit mo pinupunasan?nandidiri kaba sa akin? asawa mo ko hindi mo ako dapat pangdirihan!" galit na wika ni Reiner sa akin.
"Hindi ba sabi mo sa akin kahit maghubad pa ako sa harap mo, hindi ko na din makukuha ang loob mo" sagot ko kay Reiner na kinatahimik niya.
Nangilid ang luha ko matapos ko sabihin ang salitang iyon. Nagulat si Reiner nang makitang nanunubig ang mga mata ko. Kaya tumayo ito agad at nag-ayos ng damit.
"Magbihis kana aalis tayo" wika ni Reiner saka naglakad palabas ng kwarto.
Nagpunas ako ng luha ko saka bumangon na para magbihis, nang makabihis ay agad na ako lumabas ng kwarto. Habang naglalakad sa pasilyo ng bahay naiisip ko ang sinabi ko.
"Bakit ko nasabi kay uncle 'yun, hindi ko sinasadya ang nasabi ko kusang lumabas 'yun sa mga bibig ko. Tama dapat maging normal lang ako ngayon dapat hindi niya maramdaman na nasaktan ako" wika ko sa isip saka nagpatuloy na sa paglalakad.
Habang nasa byahe kami ni Reiner,
"Pupunta pala tayo ngayon kela mom and dad birthday kasi ni mommy kaya kailangan kasama kita isa pa para makilala mo na din si daddy kasi nung ikinasal tayo halos si mommy lang naka punta sa kasal nagkaroon kasi ng biglaang emergency sa kumpanya sa ibang bansa kaya kinailangan siya doon."
"Ganun ba masungit ba si daddy?"
"Malalaman mo mamaya"
8:00 na nang gabi ng kami ay makarating sa bahay ng mommy at daddy ni Reiner.
Nagkakasiyahan sa loob nangdumating kami, ang daming ilaw sa paligid, ang daming tao, ang lakas din ng tugtog, at ang gaganda ng dekorasyon.
Hinawakan na ako ni Reiner sa kamay saka kami nagsabay naglakad pagpasok sa pintuan.
Nakatingin sa amin lahat ng tao, kaliwat kanan ang bulungan ng mga tao,
"Siya na ba si master Reiner? aba napakagwapo at ang kisig tingnan"
"Iyan ba ang asawa niyang nagpakamatay? kala ko ba ayaw sa kaniya ni master Reiner e bakit ngayon magkasama sila"
Nagtuloy tuloy ang bulungan sa paligid hanggang sa nagsalita si Reiner.
"Magandang gabi sa lahat salamat sa inyong pagdalo gusto kong ipakilala sa inyo ang aking asawa si Rumina Cervantes, sana ay magsaya po kayo ngayong gabi, tuloy ang pagdiriwang."
"Cheers master Reiner and lady Rumina!" sigaw ng mga tao saka nagtaas ng mga basong may lamang alak.
Nagulat ako sa ginawa ni Reiner kasi pinakilala niya ako sa mga bisita.
"Hello master Reiner" wika ng babae na nanggaling sa likod namin.
"Oh nandito ka din pala nicole?" gulat na wika ni Reiner
"Yes at invited ako ng inyong ina master, nagpunta po kasi siya sa office kanina bago ako nakauwi" paliwanag ni Nicole.
"Ok sige, ah Rumina iwan muna kita dito babalik din ako agad." paalam ni Reiner sa akin.
"Sige" tugon ko.
Iniwan na ako ni Reiner at ng babae na si Nicole. Hindi ko maintindihan kung bakit parang iba ang awra ng babae habang nakatitig sa akin. May galit ba siya sa dating Rumina?
Para hindi maboring naglakad lakad muna ako sa sala at tinitingnan ang mga picture, larawan at iba pang dekorasyon na makikita sa paligid.
"Ito siguro si Reiner nung maliit pa siya? gwapo kana mula pa ng maliit kapa pero ang sama nang ugali bleeeh" ngumiti lang ako sa larawang nakita.
Hanggang sa isang sigaw at pagbasag ng kagamitan ang umalingawngaw sa paligid. Napalingon naman ako sa gilid ko. Isang mamahaling florera ang naging pira piraso dahil sa pagkabagsak at isang babae ang nasa gilid nito na nakatakip ang mga palad sa tainga. Nag-alala ako bigla sa babae kaya pinuntahan ko agad.
"Okey ka lang ba?" tanong ko sa babae
"Oo ok lang ako" sagot nito sa akin.
"Anong nangyayari dito?" isang boses ng ginang ang biglang nagsalita mula sa harapan namin.
"Ah ano po kasi yung____" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang nagsalita ang babae na tinulungan ko.
"Nabasag po niya ang florera madam" sumbong ng babaeng katabi ko.
Nagulat ako sa sinabi niya at hindi nakapagsalita.
"Te... teka nagkakamali kayo hindi ko nabasag yan" pagtatanggol ko sa sarili habang nakaharap sa ginang na nasa harapan.
"Rumina totoo pala ang sinasabi ng iba na isang trouble maker na babae. Wala kang ingat sa paggalaw mo, hindi mo ba alam na mamahalin ang florerang iyan galing pa nang Italy iyan, jusko" galit na sermon sa akin ng ginang.
"Pe.. pero hindi po talaga ako ang may kasalanan" pagtatanggol kong muli sa aking sarili. Nagtaka naman ako dahil nabanggit niya ang pangalan ko ibig sabihin siya ang mommy ni Reiner kung hindi ako nagkakamali.
Todo ang sermon sa akin ng ginang na nasa harapan ko, halos masasakit ang ibinabatong salita nito sa akin. Nakayuko lang ako sa harap niya at hindi nagsasalita ayokong sagutin ang mommy ni Reiner.
Maya maya pa isang pag-akbay at biglang yakap ng isang lalaki ang ginawa sa akin walang iba kundi si Reiner.
"Anong nang yayari dito mommy?" seryosong tanong ni Reiner
"Tama ako ang babaing nanenermon sa akin ay walang iba kundi ang mommy niya" bulong ko sa isip habang nakasubsob ako sa dibdib ni Reiner.
"Yang bbaeng yan binasag ba naman ang mamahalin kong florera na galing Italy dahil sa kagaslawan ng kaniyang pagkilos" galit na wika ng ginang
"Mom nakita niyo po ba ang nangyari?" wika ni Reiner
"No but the girl beside you, siya ang nagsabi sa akin na ang nakabasag ay walang iba kundi si Rumina"
Napatingin naman si Reiner sa babaeng nasa likod ko.
"Nakita mo?" seryosong tanong niya sa babae
"Opo master Reiner nakita ko pong nabasag niya" sumbong nito kay Reiner.
Hinawakan ni Reiner ang ulo ko saka bahagyang pinaharap sa kaniya.
"Are you the one who caused the florera to break?" mahinahong tanong nito sa akin.
Umiling lang ako bilang sagot, tumango naman si Reiner bilang tugon sa akin at muli akong niyakap.
"Ayokong pinagbibintangan ang asawa ko sa isang bagay na hindi niya ginawa. Kung sino man ang may kagagawan ng pagkabasag ng florera umamin nalang habang maaga"
"Reiner naniniwala ka sa asawa mo? kahit my nakakita na na siya ang may kasalanan?" pagtatakang wika ng ginang kay Reiner.
"Why not? I do believe in her, she's my wife mom and Rumina never lied to me at once mula ng magising siya dahil sa pagkacomatose at patutunayan ko sa inyo 'yun" madiing wika ni Reiner sa kaniyang ina.
Hindi na nakapagsalita ang kaniyang ina at nanatiling nakatitig kay Reiner.
"Gilbert" tawag ni Reiner kay Gilbert
"Master?"
"CCTV" hiling na wika ni Reiner kay Gilbert saka tumakbo papalayo si Gilbert para puntahan at kunin ang video.
Hindi mapakali ang babae sa likod ko natataranta ito dahil ilang saglit pa ay mabubuking na siya ang may kasalanan.
Ilang minuto lang ay dumating si Gilbert at iniabot kay Reiner ang tablet na naglalaman ng video mula pa kanina.
Iniabot ni Renier ang table sa ina matapos iset sa pangyayari kanina. Nangulot naman ang noo nito nang makita kung sino ang may sala sa pagkabasag.
"Ikaw?" tanong nang ginang sa babaeng nasa likod ko.
"Ah madam ano po kasi hindi ko po sinasadya patawad po" nakayukong nagsasalita ang babae sa harap ng ginang na napapailing nalang sa nangyari.
Lumapit si Nicole sa babae at nag-aalala sa nangyari sa kaibigan.
"Ano pong nangyari tita?" tanong ni Nicole sa ginang.
Ngunit hindi siya sinagot ng ina ni Reiner nakapamaywang lang ito at kinakalma ang sarili.
"Kaibigan mo?" tanong ni Reiner kay Nicole
"Yes master kaibigan ko po" sagot ni Nicole
"Paalisin mo na ngayon din ayoko nang makita pa siya dito."
"Pero bakit po master"
"Siya kausapin mo"
"Sige po master, tara na sis" aya ni Nicole sa kaibigan.
Napatingin ako kela Nicole habang naglalakad palayo.
"Amm Rumina pasensya na sa mga nasabi ko sa iyo hindi ko muna kasi inalam ang nangyari bago ako nakapagbitaw ng salita, I'm so sorry" mahinang wika ng ginang sa akin.
Ngumiti nalang ako sa mommy ni Reiner "Nauunawaan ko po, huwag po kayo mag-alala"
"Salamat" wika ng ginang sakin.
Samantala sa labas nag-uusap ang dalawang magkaibigan sa labas ng bahay.
"Ano ba kasi ang ginawa mo sis?" tanong ni Nicole sa kaibigan
"Hindi ko kasi nakita sis 'yung vase kaya natabig ko nagulat kasi ako kay Rumina nasa gilid ko na siya" paliwanag ng kaibigan
"Ang laki mong t@nga hays pinauwi ka tuloy yaan mo ipapahatid nalang kita maiiwan ako dito babantayan ko yung kilos nang babaeng iyon, diyan ka lang" inis na wika ni Nicole sa kaibigan.
Umalis saglit si Nicole para maghanap ng maghahatid sa kaibigan.
"Kuya PeeJay pwede po ba favor?" wika ni Nicole
"Sure ma'am Nicole ano po 'yun" wika ng nag-iikot na driver ng company nila Reiner
"Pahatid sa kaniya" saad ni Nicole habang tinuturo ang kaibigan.
"Sige po ma'am"
"Salamat"
Agad sumakay ng sasakyan ang kaibigan ni Nicole. Nang makaalis ito,
"Humanda ka Rumina makikita mo mapapahiya ka" galit na wika ni Nicole sa mahinang boses bago ito pumasok muli sa loob ng bahay.
Dumeretso ito sa opis ng daddy ni Reiner at nakita ang Don na naglalaro ng chess.
Sa party sa baba.
"Master Reiner gusto po makita ni Don Cervantes si lady Rumina" pahayag ni Gilbert
"Okey, tara Rumina" aya ni Reiner sa akin
"Sige" sagot ko
Naglakad na kami ni Reiner papunta sa opisina ng daddy ni Reiner. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Reiner dahil sa kaba.
"Huwag ka kabahan mabait si Daddy" wika ni Reiner habang mahigpit ang hawak sa aking kamay.
"Sige" sagot ko
Pagdating sa pintuan ng kwarto ng daddy ni Reiner bumungad sa amin ang naglalarong ama ni Reiner at katabi si Nicole na tila may ibinulong.
Nakangisi lang si Nicole sa akin habang naglalakad papalapit sa amin.
"Master lalabas na po ako" paalam ni Nicole kay Reiner.
"Oh iho andiyan ka na pala halikayo dito tapusin ko lang ito saglit ah matatapos na ito." wika ng daddy ni Reiner.
Lumapit naman ako para manood mukhang alam ko ang laro hindi nga lang siya gaya nang itsura ng nilalaro namin ni Ama noon dahil bato lang ang gamit namin.
Nagmove si daddy ng kaniyang tira at sabi ko "Tito mali po ang move niyo talo kayo kapag iyan ang ginalaw niyo"
"Oh talaga iha?"
"Opo maniwala po kayo sa akin"
"Mukhang may nalalaman ka sa larong ito iha"
"Opo pero hindi naman po ako magaling na kasing galing niyo"
"Hahaha sige susubukan natin ang galing mo iha"
Natapos ang laro nila ng kaibigan saka ako inaya ng daddy ni Reiner na maglaro. Nagpaalam muna sa akin si Reiner na baba muna ito para makapagfocus kami ni daddy sa laro.
Hindi nagtagal lumabas na si Reiner kasama ang kaibigan nang kaniyang daddy naiwan kaming dalawa para maglaro.
30 minuto na ang nakalipas, walang gusto magpatalo sa amin. "Rumina" tawag sa akin ng daddy ni Reiner.
"Po tito"
"No no daddy itawag mo sa akin"
Tumango naman ako bilang sagot "Ano po 'yun daddy?"
"Kamusta kayo nang anak ko?"
"Okey naman po noong una nahirapan po ako kasi napakasungit niya pero alam ko naman dahilan kung bakit siya nagsusungit sa akin alam kong para sa akin naman 'yun dad kaya inuunawa ko nalang siya" kwento ko habang nakangiti
"Pagpasensyahan mo na siya ganiyan na talaga 'yan kahit noong bata pa, pero alam mo natuwa ako ng malamang ikakasal na siya kasi alam mo ba walang ibang pinakilala sa amin 'yan na babae kundi ikaw palang iha"
Napangiti naman ako pero alam kong ang tinutukoy niya ay hindi ako mismo kundi ang totoong Rumina.
"Oo nga pala balita ko ang daming may galit sa iyo? ano ba ginagawa mo?" tanong muli sa akin ni daddy.
"Hindi ko din alam daddy wala naman ako ginagawa, siguro kapag napagsasabihan ko sila ng mali ang ginawa nila. Meron naman wala naman ako ginagawa pero kung makatitig sa akin mula ulo hanggang paa. "
"Hahaha ano ginagawa mo?"
"Wala po hinahayaan ko nalang siya siguro pagod siya sa trabaho kaya ako ang nababalingan. Meron nga po pinalayas niya ako sa bahay"
"Oh pinalayas ka ni Reiner sa bahay?"
"Opo pero nung gabi nung araw ding iyon hindi ko akalain na hinanap niya ako, natuwa po ako nang hanapin niya ako. Saka siya may pinakitang diyaryo na may larawan namin ng stepbrother ko"
"Stepbrother?"
"Opo si Ryan ang stepbrother ko kasama ko siya sa larawan na nasa diyaryo niyaya po kasi niya ako pumunta sa kaarawan ng mama namin kaya po sumama ako sa kaniya"
"Ah" biglang nagkaroon ng idea ang Don sa kwento ko "kakaawang dalaga inaapi ng ibang tao kahit wala siya ginagawa mukhang hinahanapan siya ng butas para siraan siya ng siraan sa aking anak, ang mga kwento na masama about sa kaniya ay kailangan nang wakasan isang maling info ang kumakalat about sa kaniya na hindi ko pahihintulutan pang kumalat" wika ng Don sa isip niya.
"Napansin ko lang base sa kwento mo mukahang inggit lang ang mga iyon iha huwag mo nalang sila pagpapansinin haha maganda ka kasi iha, i like you para sa aking anak"
"Salamat po daddy" wika ko
Muli namin pinagpatuloy ang laro namin.
10:00 na nang gabi
Nag-aya nang kumain ang Don at Donya at para masimulan na din ang paghati sa cake.
"Gusto kong maupo katabi ang Don tapos kasunod ko naman si Reiner at sa huli hahaha ipapakilala ako ng Don sa lahat na ako na ang bagong asawa ng kaniyang anak haha" tuwa at excited na wika ni Nicole sa isip niya kaya nag-ayos ito ng pananamit.
Dahan dahan lumapit si Nicole sa upuan ng daddy ni Reiner maya maya tumayo ito at tumingin sa amin.
"Reiner iho and Rumina dito kayo sa tabi ko" sigaw ng daddy ni Reiner
Nagulat si Nicole sa nangyari.
Saka sinamaan muli niya ng tingin si Rumina.
"Bwiset ka talaga Rumina anong ginawa mo at naging ganito si tito sa iyo tandaan mo may araw ka din sa akin" wila ni Nicole sa mahinang boses.
Umupo na si Reiner at Rumina katabi ang Don
"Makinig ang lahat, mula ngayon ayoko nang makakarinig ng mga masasamang kwento tungkol kay Rumina. Ang magtangkang mambully, sabihan siya ng masasakit na salita, gagawan ng kwento o kahit ano pang sisira sa katauhan at reputasyon ni Rumina, asahan niyo ang Cervantes Family ang makakaharap niyo. Ngayon dumako tayo sa selebrasyon, binabati kong muli ang aking asawa nang maligayang kaarawan" nagpalakpakan ang buong bisita habang sabay sabay itinaas ang baso para makipag cheers.
Si Reiner naman ay nakatingin sakin at tila may gusto sabihin "Sino pala nanalo sa inyo ni daddy?" tanong nito sa akin.
"Syempre ako" pagmamalaki ko.
"Magaling ang asawa mo Reiner, wala pa ako nakakaharap na kalaban na kasing galing niya" pagmamalaki ni daddy sa akin.
"Talaga dad natalo ka ng asawa ko?"
"Hahaha nakakahiya man aminin oo anak"
"Hindi hamak na mas magaling ang daddy, syempre nagkataon lang po iyon baka nga next game talo niyo na ako daddy"
"Oo next na laban natin tatalunin na kita haha"
Nagtatawanan kaming tatlo nang makita kami ni mommy, at dahil masaya kami napangiti nalang ito.
"Paano dad uuwi na kami"
"Ganun ba iho bakit hindi pa kayo bukas umuwi at gabi na din"
"No dad may pasok kami tomorrow siguro dadalaw nalang kami kapag may free time"
"Sige aasahan ko iyan anak"
"Opo dad,"
"Rumina 'yung pangako mo sa akin ah"
"Opo daddy"
Hindi nagtagal lumabas ng kami ng bahay saka tumungo sa parking lot.
Pagkasakay namin agad din pinaandar ni Reiner ang kotse saka kami umalis.
"Mommy kung makikilala mo si Rumina, malayong malayo sa nasasagap mo na balita na masama siya. Ang totoo niyan pranka siyang tao mommy at masisiguro kong magugustuhan mo siya kapag nagkausap na kayo ng matagal" proud na wika ng ama ni Reiner.
Habang nasa biyahe kami
"Bukas umpisa na pala ang klase mo at ako ang maghahatid sa iyo" wika ni Reiner habang nagmamaneho.
"Sige uncle" wika ko sabay hikab dahil sa antok na nararamdaman, hindi ko na napigilan pa ang antok kaya natulog nalang ako sa byahe.
Napalingon pa sa akin si Reiner dahil napansin niyang natahimik ako. Napangiti nalang ito nang makitang tulog na ako.
Nang makarating kami sa mansiyon binuhat na ako ni Reiner papasok ng bahay saka dumeretso sa aming kwarto.
Dahan dahan naman ako inilapag ni Reiner sa kama "Goodnight Rumina" wika ni Reiner sabay halik sa aking noo.
Naglinis muna nang katawan si Reiner bago tumabi sa akin. Naisipan niyang icheck ang cellphone niya para tingnan kung my importanteng message na dumating.
Nagulat siya nang may 5 misscall si Bridget. Hindi na niya tinangka pang magmessage kay Bridget kaya isinangtabi na niya ang phone saka umayos na sa pagkakahiga.
"Balang araw ako naman ang aamin sa iyo about kay Bridget, Rumina hiling ko lang na sana hindi mo masamain at huwag akong pag-isipan ng masama kapag sinabi ko na sayo. " bulong nito sa akin habang natutulog ako.
Kinabukasan maaga kaming umalis ni Reiner dahil unang araw ng aking pagpasok sa paaralan.
"Hahaha nakakakaba uncle" excited kong wika kay Reiner
"Bakit naman?"
"Wala naman na eexcite lang siguro ako"
"Basta Rumina ayaw ko nang mapapatawag ako sa guidance dahil lang sa may nagawa kang pagkakamali" paalala ni Reiner sa akin
"Oo naman uncle, saka isa pa pagbubutihan ko ang pag-aaral ko"
"Good mabuti na iyong nagkakalinawan tayo, and please umiwas ka sa mga lalaking magtatangkang kumausap sa iyo, maliwanag?"
"Pwede ko naman ata sila kausapin kung importante uncle? "
"Oo pupwede naman basta importante lang ah."
7:30 nang umaga nang makaratinf kami sa paaralan
Ang laki ng paaralan, madaming mag-aaral na kagaya ko ang abalang nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan nila.
"Paano iiwan na kita deretso na ako sa company" wika ni Reiner
"Sige uncle mag-iingat ka"
Sumakay na muli si uncle sa kotse at maya maya ay pinaandar na ito.
Naiwan ako mag-isa habang nakatingin sa paligid. Ngayon papasukin ko na ang bagong bahagi ng aking buhay, ang paaralan. Magiging madali kaya ang unang araw ko sa paaralan? Sana mababait sila dito at hindi nambubully sa gaya kong baguhan.