Padabog na binuksan ni Reiner ang pintuan ng kwarto saka nagtuloy tuloy sa paglalakad papunta sakin.
"Hi uncle mabuti at andito kana may ipapakita ako saiyo" wika ko kay Reiner
Hindi ako pinansin ni Reiner, hinawakan nalang nito ang aking pulsuhan saka ako kinaladkad palabas ng kwarto nabitawan ko pa ang cellphone na bigay sa akin ni Ryan. Pagdating namin sa baba nakita kami ng mga katulong na hinihila ako ni Reiner palabas ng bahay.
Nang makarating kami sa pintuan tinulak ako ni Reiner palabas ng bahay.
"Umuwi kana sa inyo at ayoko nang makikita pa ang pagmumukha mo sa pamamahay ko Rumina. Tapos na tayo magpakasaya ka nalang kasama ang stepbrother mo kaya umuwi kana sa inyo" galit at pasigaw na wika ni Reiner sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko at ikinagalit niya ng husto para palayuin din ako, malayung malayo sa kaniya.
Tumayo ako saka ko siya tinitigan ng masama na kahit nangingilid ang mga luha ko buong tapang ko pa din siya tinitigan.
"About sa pirmahan ng divorce papers ako nalang pupunta sa inyo naiintindihan mo? ngayon lumayas ka" sigaw muli nito sa akin.
Nanatili akong nakatingin sa kaniya at ng mga oras na 'yun sumabay pa ang panahon sa sakit na nararamdaman ko dahil umaambon na ng oras na tinulak niya ako palabas. Yumuko nalang ako dahil wala naman ako magagawa dahil sobra sobra ang galit niya sa akin at ramdam ko 'yun. Hindi ko din alam ang dahilan ng pagkagalit niya sabagay matagal nang galit sa akin si uncle mula ng tumira ako sa bahay na ito.
Tumalikod na ako saka ako naglakad palayo ng mansiyon na nakapaa. Panay lang ang iyak ko, kahit anong gawin ko galit pa din si uncle. Siguro nga ayaw na niya talaga ako makasama pa kaya pinapaalis na niya ako.
Bumuhos ang malakas na ulan kaya tumakbo ako papunta sa maliit na waiting shed saka umupo para magpalipas ng ulan.
"Ina, ama kung andito lang po sana kayo magiging madali sana sa akin ang harapin ang modernong panahon na ginagalawan ko ngayon, pero dahil nag-iisa nalang ako nahihirapan po ako, arrrpppp ahhuu kahit si uncle a..yaw na sa ak..akin ama, ina aaaahhh, ahhhhh" tuluyan na akong humagulgol sa gitna ng malakas na ulan grabe ang hirap na nga harapin ng mga bagong tao sa paligid ko at tanging si uncle na nga lang ang pinagkukuwaan ko ng lakas tapos ganito pa siya ang sakit sa pakiramdam na ayaw na ako makasama ni Uncle.
Sa mansiyon ng Cervantes
"Bakit ganun parang pakiramdam ko napagbuhatan ko siya ng malulupit kong kamay, parang pakiramdam ko mali ang nagawa ko" bulong nito sa isip habang nakatitig sa kanyang mga palad.
"Master Reiner kakagaling lang po sa sakit ni lady Rumina tama lang po ba na paalisin niyo siya ngayong masama po ang panahon?" pag-aalalang wika ni Jeremiah.
Tiningnan lang siya ni Reiner saka naglakad at umakyat sa taas para magpahinga.
Nakatingin naman si Jeremiah sa labas ng bahay habang nag-aalala sa dalaga.
Sa kwarto
Nakita ni Reiner ang cellphone na naiwan ni Rumina sa sahig dinampot niya ito saka tiningnan dahil hindi familiar sa kaniya
"Kay Rumina siguro ito? ngunit kanino galing?" naguguluhang wika ni Reiner.
Nang tingnan ang cellphone naka bukas ang online game na nilalaro ko kanina at nakita nito ang convo naming dalawa ni Ryan.
Muling nagalit si Reiner kaya naitapon niya ng malakas ang cellphone.
Samantala nang humupa saglit ang ulan umalis na ako sa waiting shed para humanap nang matutuluyan.
Habang naglalakad ako sa tinatawag nilang kalsada may nakita akong magadang lugar, may iba't ibang ilaw ito tapos may tubig na tumataas, may mga nagsasayawan na magkakaibigan may mga pagkain din sa paligid kahit nagugutom na wala naman ako magagawa kasi wala akong dalang pera.
Maya maya napalingon ako sa pamilya na masayang nag-uusap sa gilid ng park habang kumakain.
Naiyak ako nang makita ko sila masayang masaya para kami lang dati nila ama, ina at uncle habang kumakain.
Kung pinalayas na ako ni Uncle dahil ayaw na ako makasama nito. Ano pa ginagawa ko dito sa mundo. Bakit bumalik pa ako. Panay lang ang punas ko sa aking mga mata dahil sa mga luhang walang tigil sa pagbagsak.
Samantala sa Mansiyon
Tahimik na nag-iisip si Reiner sa opisina habang iniisip ang asawa "Sigurado akong kasama na siya ni Ryan at masaya na sila ngayon bukas na bukas din ipapadala ko ang divorce papers, sobra na Rumina nakuha mo pa akong lokohin" bulong sa isip ni Reiner na napasuntok pa sa pader sa sobrang galit.
Maya maya pa ay tumawag ang Ama ni Rumina kay Reiner.
"Yes Mr. Jake" bati ni Reiner sa kabilang linya
"Pwede ko ba makausap ang anak ko master Reiner?" wika ng ama ni Rumina.
Nagulat si Reiner sa sinabi ng Jake kaya napatingin ito sa kaniyang relo. Halos dalawang oras na ang nakalipas mula nang paalisin ni Reiner si Rumina
sa kaniyang bahay na kung tutuusin ay saglit na byahe lang mula sa mansiyon niya hanggang sa bahay nito.
"Hello master Reiner?"
"Hindi paba siya nakakauwi?"
"Ah uuwi po dito?"
Napakagat labi si Reiner at nag-alala bigla nang malamang hindi pa nakakauwi ang asawa.
"Mr. Jake nawawala po ata si Rumina nagkaroon kasi kami ng problema at sa inyo po sana siya uuwi ngayon. Hindi bali ipapahanap ko". Sabay patay nito sa phone.
"Jeremiah! Gilbert" malakas na tawag ni Reiner sa dalawa.
"Master" sabay na wika ng dalawa habang nakayukong kaharap si Reiner.
"Gilbert mag-assign ka nang tauhang maghahanap kay Rumina huwag titigil hanggat hindi nakikita si Rumina"
"Masusunod po" wika ni Gilbert saka naglakad na palabas ng opisina.
"Jeremiah iupdate mo ko lagi sa sitwasyon nila sa paghahanap"
"Masusunod master Reiner" wika naman ni Jeremiah.
"Haist asan ka ngayon, pinasasakit mo talaga ang ulo ko Rumina."
Maya maya pa ay biglang nagring muli ang phone ni Reiner at si Ryan ang tumatawag. Nang sagutin ito ni Reiner hindi siya umimik pero pinapakinggan niya ang bawat sabihin ni Ryan.
"Hello bayaw, nabalitaan ko na nagkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan ni Rumina at pakiramdam ko nakita mo siguro yung news sa dyaryo na kumakalat ngayon. Gusto ko lang linawin bayaw na accidente lang 'yun yung picture na yun natapilok kasi si Rumina kaya napasandal siya sa akin 'yun ang totoong nangyari kaya kung nag-away man kayo dahil dun sinasabi ko na agad ang buong kwento. Nakikiusap ako alam kong may mga hawak kang tao na pwede makatulong sa atin mahanap si Rumina. Nakikiusap ako bayaw.
"Ako na ang bahala"
"Salamat bali maghahanap din ako sa kaniya"
"Sige" wika ni Reiner sabay baba sa phone.
Napahawak naman si Reiner sa ulo dahil sa konsensya sa sarili. Napaghinalaan niya ang asawa sa mga bagay na wala naman palang katotohanan.
"Jeremiah may balita naba?" inis na tanong ni Reiner kay Jeremiah.
"Wala pa po master Reiner"
"Pambihira ilang tauhan ba ang idineploy ni Gilbert at hanggang ngayon walang balita?"
Nakayuko lang si Jeremiah na nanginginig sa takot dahil sa galit ni Reiner.
Inilabas ni Reiner ang phone saka tumawag sa bawat opisyales ng lungsod para tingnan kung nakuwaan sa CCTV ang kinaroroonan ni Rumina.
Sa park
Nakaupo lang si Rumina sa bangkong bato habang nakatingin sa paligid.
"Siguro dito nalang muna ako magmamadamag isa pa puro gasgas na din ang paa ko kakalakad"
Maya maya pa ay biglang buhos ng malakas na ulan at walang masilungan si Rumina kaya nagsumiksik ito sa ilalim ng slide para kahit papaano hindi siya masyado mabasa.
Nakaupo lang si Rumina habang nakataas ang mga tuhod, nakasubsob ang ulo habang naghihintay huminto ang pagtila ng ulan.
Habang naghihintay si Rumina sa pagtila ng ulan naaalala niya ang masasakit na sinabi ng kaniyang uncle sa kaniya dahilan para muli siyang umiyak. Pakiramdam niya isang pamilya na nga lang ang natirang masasandalan niya tapos ganito pa ang pagtrato sa kan'ya na halos kamuhian siya.
"Uncle" wika ko habang humihikbing nakasubsob ang mukha sa tuhod.
"Tawag mo ba ako?"
Isang tinig ng lalaki ang nagpaangat sa aking ulo at nang makita__si Uncle.
"Uncle" muli kong wika habang nakatingin kay Uncle, tuluyan na ako humagulgol sa pag-iyak kasabay nang malakas na pag-ulan.
Umupo naman si Uncle at niyakap ako.
"Patawad mali ako hindi ko muna inalam lahat bago ako nagalit patawad" bulong nito sa akin.
Matapos ko narinig ang paghingi niya ng tawad ay gumaan na ang loob ko at niyakap na din siya.
Binuhat ako ni Uncle papunta sa kotse para isakay. At pagkatapos ay sumakay na din ito sa drivers seat.
Si Jeremiah naman ay bumalik na sa isang sasakyan matapos kaming payungan.
"Oo nga pala gusto mo nang burger? alam ko gutom kana." wika ni uncle sabay bigay sa akin ng burger.
Inabot ko naman ang burger, nangingilid na naman ang luha ko dahil sa naalala ko si uncle sa panahon namin nagbibigy din ito ng pagkain kapag nakita akong naiyak. Parehas na parehas talaga sila kung itrato ako.
Pinunasan ni uncle ang luha ko pumatak sa pisngi ko gamit ang kaniyang thumb nail.
"Masama pa din ba loob mo sa akin?" tanong ni uncle sa akin.
"Hindi na humingi ka na kasi ng sorry sa akin kaya ok na ako" wika ko
"good" sagot niya sa akin.
Nagulat ako nang ilabas ni Uncle ang diyaryo at pinakita sa akin.
"Teka ako ito at si Ryan, nasa TV na kami?" wika ko.
"Hindi TV 'yan diyaryo 'yan" wika ni Reiner habang nagmamaneho
"Ah diyaryo"
Napakunot ang kilay ni Reiner nang wala man lang akong reakyon sa nakitang dyaryo. Buti nalang at alam na niya ang dahilan kaya inunawa nalang niya ako naisip nalang niya na maaring hindi pa masyado nag fafunction ang aking pag-iisip sa mga bagay na gaya nun.
Nang makauwi kami ng mansiyon agad bumaba si uncle saka ako sinundo sa kabilang side ng kotse. Napatingin pa ako dito dahil sa pagkagulat. Binuhat ako ni uncle papasok ng mansiyon nang may makasalubong na katulong.
"Maligayang pagbabalik master Reiner and lady Rumina" wika ng katulong
"Padala kami sa kwarto ng first aid kit" utos ni Reiner.
"Masusunod po"
"Ah Jeremiah ang kotse ikaw na bahala" utos muli ni Reiner sabay hagis sa susi ng sasakyan kay Jeremiah.
"Masusunod po master" sagot ni Jeremiah
Pumanhik na kami para tumungo sa kwarto nang makarating at pinaupo ako ni Reiner sa kama sabay dating ng katulong na may dalang first aid kit.
Hindi nagsasalita si Reiner at inumpisahan na ang paggamot sa paa ko. Nang dating si Jeremiah at nakatayo lang ito sa gilid at pinapanood kami, maya maya pa ay tumunog ang phone at lumabas saglit para kausapin ang tumawag.
"Uncle, anong nangyari bakit hinanap mo ko?" nangingilid ang mga luha ko habang kausap si uncle nang maalala na ayaw na nito sa akin napayuko ako dahil biglang tumulo ang luha sa aking mga mata "hindi ba halos ipagtabuyan mo ako, hindi ba a..ayaw mo na sa a..kin, hindi ba kina..mumuhian mo a..ko, hindi ba__" hindi ko na naituloy ang sasabihin ng yakapin ako ni Reiner ng mahigpit, walang anumang salita ang lumabas sa kaniyang bibig.
Tuloy lang ang pag-iyak ko nang abutan kami ni Jeremiah. Nang makita kaming magkayapos ni Reiner yumuko lamang ito at nakangiti dahil sa wakas ay magkasundo na kami ni Reiner.
11:00 pm
Galing opis si Reiner nang bumalik sa aming kwarto at naabutan na akong natutulog.
Umupo ito sa gilid ng kama saka hinawakan ang dalawang kamay na kala mo ay tila nagdadasal.
"Anong nangyayari sa akin bakit parang ako ang nasasaktan kapag nakikita ko siyang umiiyak ng dahil sa akin, dati naman wala akong pakealam sa babae ito kahit anong gawin niya pero bakit ganun na lang ang inis ko nang makita ko ang larawan nila ng stepbrother niya, saka bakit lubhang nag-alala ako nang malamang nawawala siya." bulong niya sa isip habang nakapikit. 30 minuto pa ang lumipas ng maisipan na nitong humiga sa tabi ko para matulog.
Kinabukasan
Naalimpungatan ako nang may humawak sa kamay ko. Pagmulat ko ng mata ko bumungad sa akin ang mukha ni Reiner na nakapang office suit.
"Papasok na ako" wika nito sa akin.
"Gagabihin kaba ng uwi?"
"Uuwi ako nang maaga may ipapabili kaba?"
"Wala hihintayin nalang kita pag-uwi"
Pansin ko ang pagngiti ni Reiner sa akin, na kinapula ng pisngi ko at pagbilis ng pagtibok ng puso ko.
"Mag-almusal kana ah, oo nga pala mamaya lalabas tayo kaya hintayin mo ko" wika nito habang nakatalikod sa akin.
"Sige uncle hihintayin kita" nakangiti kong wika.
9:00 am
Nang dumating si Ryan sa mansiyon at naabutan akong kumakain ng almusal
"Hi Rumina salamat naman at okey kang nakauwi sa bahay" sigaw ni Ryan pagkapasok na pagkapasok ng pintuan.
Hindi ko pinansin si Ryan at nagtuloy lang ako sa pagkain ng almusal.
"Samahan mo ko Rumina may bibilhin lang ako"
"Hindi mo ba nakikitang kumakain ako?" wika ni Rumina.
"Dali na may ipapakita ako sayong magandang lugar"
"Hindi ako pwede kasi kailangan andito ako bago umuwi si un.. ang asawa ko"
"Saglit lang tayo tapos iuuwi kita agad"
"Sigurado ka?"
"Oo nga"
"Okey"
Nagpaalam ako kay Jeremiah bago kami umalis ni Ryan. Sa kotse hindi mapakali si Ryan na tila may gusto sabihin sa akin.
"Ano nangyari sayo" tanong ko kay Ryan
"May ano kasi ako bukas may fans day at autograph signing tapos bagong release ng endorse kong product bukas lahat gaganapin baka gusto mo sumama libre na entrance mo sa back stage" pagyayabang ni Ryan.
"Wala akong hilig sa ganyan ang mabuti pa bilisan na natin para makauwi ako ng maaga" pagtataray ko.
"Ayaw mo ba talaga?"
"Ayoko nag-aaksaya lang ako ng oras" wika ko na nagpakunot sa kilay ni Ryan. Hindi nagtagal pinaandar na Ni Ryan ang sasakyan.
Sa kalagitnaan ng aming byahe biglang pinaharurot ni Ryan ang kotse
"Ryan bagalan mo naman ang pagpapatakbo!" sigaw ko sa kanya pero hindi niya ito pinansin, maya maya pa napansin ko nalang na tila idederetso nito ang sasakyan sa dulo ng kalsada na bangin ang kababagsakan namin kung itutuloy ito ni Ryan.
"Ano ba! ihinto mo!" napapikit nalang ako sa takot sabay hinto ng sasakyan at isang halakhak ang narinig ko mula kay Ryan.
Sa sobrang takot ko nangilid ang luha ko habang tinititigan ng masama si Ryan na ngayon ay tawang tawa sa ginawa.
Sa nangyari kanina muli kong naalala ang pagpatay sa akin ng taong malapit sa akin at nakita ko 'yun kay Ryan.
Napahagulgol nalang ako ng pag-iyak dahil feeling ko ng mga oras na 'yun ay mauulit ang gabing trahedya na 'yun at hindi ko na muling makikita si uncle.
"Bakit bigla at naging matatakutin itong si Rumina dati naman nagagalit lang siya sa ganitong trip ko" wika ni Ryan sa isip "Ah teka Rumina joke lang 'yun wag kana umiyak"
Niyakap ako ni Ryan habang hinahaplos ang buhok ko "I'm sorry"
Inangat ako ni Ryan mula sa pagkakayakap tapos hinawakan ang mukha ko habang panay punas sa luha ko gamit ang thumb nail niya. "I'm really sorry".