"May problema ba?" tanong ni Reiner sa akin.
"Wala may naalala lang ako, pero okey lang ako" ngumiti nalang ako para ipamukha na ayos lang ako.
Minsan napapaisip din ako sa lalaking ito, hindi ba gusto na niya ako hiwalayan? bakit kung makapag-alala ito sa akin ngayon__ hindi ko siya maintindihan.
Nang matapos kumain ay pinainum na din ako ng gamot ni Reiner.
"Magpahinga kana ah nasa office lang ako tapusin ko lang trabaho ko"
Tumango lang ako bilang sagot dito.
Kinagabihan 11:00 pm
Sa office habang kakatapos lang ni Reiner sa gawain tumayo na ito para pumunta ng kwarto. Nang makarating sa pintuan ng kwarto dahan dahan niya ito binuksan dahil alam niyang tulog na ang asawa.
Naglinis muna ito ng katawan at nang matapos.
Flash back
"Ayos dahil nainum niya ang alak na may pampatulog siguro naman hindi kana aayaw sa gagawin ko" wika ni Rumina
Pumaibabaw si Rumina sa kaniya ngunit dahil sa gising ang binata agad niyang naitulak si Rumina palayo sa kan'ya.
"Huwag kang mangarap na mamahalin kita Rumina, hanggat hindi ka nagbabago mananatiling malamig ang pagsasama natin" wika ni Reiner habang dinuduro si Rumina.
End of flash back
"Gagawin kaya niya ulit? hindi na siguro dahil ibang Rumina na ang kaharap ko" wika ni Reiner.
Humiga na ito saka nagkumot. Makalipas ang 15 minuto nagulat nalang si Reiner nang biglang tandayan siya ni Rumina, bigla siyang napasulyap sa dalaga kung gising ba ito, huminahon lang siya nang mapansing tulog ito.
Dahan dahan niya tinanggal ang kamay ng dalaga sa kaniyang dibdib saka inilagay sa baywang, nahawi naman ng bahagya ang kumot na nakapulupot sa akin at sa hindi inaasahan nakita ni Reiner ang bahagyang paglitaw ng dibdib ko na lubha niyang kinamula.
Napatayo agad si Reiner para pakalmahin ang sarili at pagkatapos nagmadaling naglakad para lumabas sana ng kwarto.
"Hmmm uncle bakit?" wika ko nang maalimpungatan ako.
Hindi na nagsalita pa si Reiner at tuluyan nang lumabas ng kwarto.
"Ano problem ni uncle nakakapagtaka naman" nanatili akong nakaupo sa kama habang hinihintay si uncle pumasok.
Maya maya bumukas ang pintuan at si uncle ay nakatayo lang sa pinto at nakatitig sa akin.
"Uncle anong nangyari sayo?" tanong ko agad pagkabukas ng pinto.
Nang makita ni Reiner ang damit ko na bumaba ng kaunti at napalitaw muli ng bahagya ang aking dibdib. Isang malakas na lagabog ng pinto ang umalingawngaw sa pasilyo dahil sa pagkakasara ni Renier dahil muli itong lumabas ng kwarto.
"Bahala ka nga uncle tutulog na ako" wika ko sa mahinang boses. Muli ako nahiga para ipagpatuloy ang pagtulog ko dahil talagang antok pa ako.
Kinabukasan
Maaga umalis si Reiner para pumasok sa trabaho hindi na ako ginising para makapagpahinga pa.
Bago kumain ng agahan naligo muna ako tutal makakapaghintay naman ang agahan. Nag-iwan pa ng note si uncle na huwag ko kalimutan inumin ang gamot ko. Ang sweet, natuwa naman ako dun.
Agad ako nag-asikaso para marami ako magawa ngayong araw. Nang matapos agad ako nagbihis. Ilang sandali pa may kumatok sa pintuan.
"Lady Rumina andito po si Ryan" nakayukong wika ni Jeremiah.
"Ryan? siya 'yung binanggit sa akin ni uncle na stepbrother ko" bulong ko sa isip ko. "Sige po baba na ako" sagot kay Jeremiah.
Lumabas na ako ng kwarto saka naglakad patungong sala, pababa palang ako ng hagdan nang makita ko ang stepbrother ng may-ari ng katawan na to. Napagawi naman siya ng tingin sa akin.
"Hi Rumina kamusta tagal natin hindi nagkita balita ko na hospital ka, buti magaling kana at may hahabol na naman sa akin na babae" wika nito habang naglalakad patungo sa akin.
"Ano pinagsasabi nito? oo nga pala sabi ni uncle may gusto daw ang dating Rumina sa stepbrother niya" wika ko sa isip ko.
"Ano pinunta mo dito?" mataray kong wika kay Ryan
"Oo nga pala birthday kasi ngayon ni mommy at gusto niya andun ka" sagot ni Ryan sa akin.
"Sigurado bang ako ang gusto niya makita?" tanong kong wika kay Ryan ang alam ko kasi hindi gusto ng pamilya ni Rumina sa kan'ya.
"Yes hanap ka ni mommy"
"Sige magbihis muna aq"
"Okey hintayin kita dito."
Makalipas ang 30 minuto, pababa palang ako ng hagdan.
"Wow ang ganda natin ah nagpapaganda kaba sa akin?" wika ni Ryan
"Tara na" aya ko kay Ryan
"Lady Rumina kailangan niyo po umuwi ng maaga mamaya bago dumating si master Reiner" wika ni Jeremiah habang nakayuko sa harap ko
"Uuwi ako agad Jeremiah" sagot ko kay
Jeremiah
Lumabas na kami ng bahay saka nagtungo sa kaniyang sasakyan. Hindi nagtagal ay umalis na din kami para makauwi pa ako nang maaga.
"Hindi nga pala ako magtatagal ah uuwi din ako"
"Okey hindi mo naman kailangang magmadali umuwi kasama mo ko buong araw may araw ka para pagnasahan ako"
"Buti kung pagnasahan kita, mas mabuti pang magfocus ka nalang sa pagdadrive mo"
Napansin ko ang pagkunot ng kilay ni Ryan mas mabuti na yung binabara siya kesa habang buhay siyang mangarap na pinagnanasahan ko siya, isa pa kapatid ko siya napakawalang galang na kasi para sa akin ang pinagsasasabi niya.
"Nakakainis tong Rumina na ito ah, nawala naba ang nararamdaman nito sa akin? dati patay na patay ito sa akin tapos ngayon what the f**k" wika sa isip ni Ryan, sa inis pinaharurot nito ang sasakyan na agad kinatakot ni Rumina.
"Ho...hoyyyyy dahan dahan lang waaaaaaaa" sigaw ko kay Ryan.
Pagdating namin sa bahay, agad ako bumaba ng sasakyan si Ryan naman ay nag shades at nag sumbrero bago lumabas ng kotse
"Bakit ganiyan itsura mo?" tanong ko kay Ryan.
"Syempre artista ako eh natural na ito sa akin"
"Ang yabang talaga"
"Ano sabi mo?"
"Wala"
Bigla ako natisod sa suot na heels na sandals kaya napatumba ako kay Ryan, inalalayan naman ako ni Ryan sa pagtayo.
"Anong nangyari saiyo" tanong ni Ryan sa akin
"Wala na tapilok kasi ako sa sandals" sagot ko
Hinila na ako ni Ryan papasok ng bahay. Pagpasok namin ang daming tao mga kaibigan panigurado ito ng pamilya nila. Nakatingin sila lahat sa amin ni Ryan.
"Si Rumina ang nababalitang nagpakamatay at black sheep ng pamilya" bulong ng grupo sa may gilid.
"Siya yung walang galang na anak ni Mr. Jake at asawa ni master Reiner" bulungan naman sa kabilang grupo.
"Mukhang ang sama nang imahe ng may-ari ng katawan na ito sa paningin ng mga kaibigan nang pamilya nila." wika ko sa isip.
Nakita ko sa harapan si Daddy nakatayo at masama ang tingin sa akin lumapit ito sa amin ni Ryan.
"Ano ginagawa mo dito" bulong na wika ni Daddy
"Birthday ni mommy kaya inaya ko siya para kumpleto tayong sasalubong sa kaarawan ni mom and syempre inutos sa akin ni mommy na ipasundo siya." wika ni Ryan na nasa gilid ko.
"Anong kaguluhan ito?" wika ng babaeng nasa likod ni daddy.
Napatitig ako sa babae hawig ito ni ina, kilos, ngiti at awra parang si mama talaga, naluha ako bigla nang makita ko ang babae parang kasama kong muli si Ina. Hindi ko mapigilang hindi mayakap si Ina kaya napatakbo ako sa babae at niyakap ito.
Nagulat naman si Ryan at ang babae sa ginawa ko. Maya maya pa ay iniangat ako ni mama at hinaplos ang mukha ko.
"Kamusta kana?" tanong ni mama sa akin
"Okey lang po ako"
"Tara kumain na tayo mukhang gutom na ang mga bisita" aya ni Ryan sa amin.
"Rumina nga pala about sa inyo ni Reiner kamusta naman pagsasama niyo? " tanong ni daddy sa akin nang mapatapat ako sa kaniya.
"Ayos naman kami dad"
"Good may project kasi akong binabalak gawin at need ng pondo dun kaya dapat magpakabait ka para mabigyan ka ng pera para sa new project na plano ko"
"Kung gusto mo dad ikaw gumawa ng paraan huwag ka umasa sa pera ng iba, ano pa naging silbi ng pwesto mo kung sa maliit na problema hindi mo kayang lutasin"
"Aba talagang napakabastos na batang to hindi kapa din nagnatututo rumina isa ka pa ding suwail na bata hindi mo sinusunod ang mga gusto ko! ano gusto mo tumira sa bundok?!"
"So nag-ingay naman ang matandang ito at ano? ako na naman lalabas na masama" bulong ko sa isip ko.
Lumuhod ako sa harap ni daddy habang umiiyak "Ayoko dad tumira sa bundok, mahirap naging buhay ko sa bundok huwag mo na po iparanas muli sa akin. Ang pagtulong ko po sa mga tao sa pamamagitan ng aking kakayahan ay hindi pa po ba sapat para ipagmalaki niyo ko dad?" at muli ako umiyak.
"Ano ba ang sinasabi mo?" wika ni Dad sa mahinang boses.
"Tama siya iyong babaeng na balita sa TV na may tinulungang tao at hindi lang 'yun yung nahuli isang wanted killer na matagal nang pinaghahanap ng kapulisan" wika ng lalaking bisita
"Ah oo nabalitaan ko din 'yun" wika ng isang ginang sa kabilang mesa.
"Kung ganun hindi talaga masama si Rumina maaring may naiinggit sa kaniya at sinisiraan siya"
"Oo nga kaya huwag niyo na pagalitan Don Jake napakabuti ng anak niyo dapat proud kayo sa kaniya" sigaw ng lalaki sa kabilang linya at nagpalakpakan ang mga bisita.
"Proud of you lady Rumina" sigaw ng mga tao na nasa piging.
Mukang epektibo naman ang pagdadrama ko.
Nagpalakpakan din sina Ryan at mommy. Maya maya lumapit si Ryan sa akin.
"Hindi ko alam 'yun ah madami ka palang pinagdaanan at mabait ka din pala" malungkot na wika ni Ryan at inakbayan pa ako.
"Tara na kumain na tayo" aya ni mommy sa amin.
Kumain na kami habang nakikipagkwentuhan si daddy sa mga bisita nagkakwentuhan din kami Ryan at nakuha pa nga ako asarin. Nakatingin sa amin si mama na tila tuwang tuwa na makita kaming magkasundo ng anak niya.
Ilang sandali pa nakita ko si Ryan naglalaro sa cellphone.
"Ano iyan?"
"Ito ang iniendorse kong game gusto mo subukan?"
"Sige gusto ko subukan"
Ibinigay ni Ryan ang cellphone niya sa akin saka ako tinuruan kung paano laruin ang games niya. Natuwa naman ako sa laro kaya sinubukan ko siya ng sinibukan.
"Pwede tayo maglaro makikita natin ang isa't isa diyan"
"Dito sa mismong game?"
"Oo akina ang cellphone mo"
"Ah ano eh wala akong cellphone"
"Wow bakit parang ang ganda ganda ni Rumina ngayon, mula pa kanina parang ang pure ng kilos niya at babaeng babae ibang iba kung ikukumpara sa dati, mula pananamit at pakikipagbati nito sa mga bisita. Ang laki ng pinagbago niya" wika si Ryan sa isip niya.
"Pero gusto mo ng cellphone hindi ba?" tanong ni Ryan sa akin habang napapakamot sa ulo at namumula ang pisngi. Tumango lang ako bilang sagot kay Ryan.
Nagtuloy tuloy ang kasiyahan sa kaarawan ni mama, naging mabait din ang mga bisita sa akin at puro papuri ang natatanggap ko mula pa kanina. Naalala ko bigla na kailangan kong umuwi ng maaga gaya ng ipinangako ko kay butler Jeremiah.
"Ryan kailangan ko nang umuwi" aya ko kay Ryan.
"Oh sige hahatid na kita"
"Ma uuwi na po ako baka kasi dumating si Reiner"
"Ganoon ba sige iha anytime pwede ka pumunta dito dalawin mo kami ah" tugon ni mama
"Opo ma" wika ko saka humalik sa pisngi ni mama.
Sumakay na ako sa kotse ni Ryan at ganun din si Ryan sa drivers seat. Habang nasa byahe panay na naman ang pagyayabang ni Ryan sa akin.
"Rumina kung sakaling ligawan mo ko ok lang naman sa akin kasi tanggap din kita isa pa gustung gusto ka ni mama"
"Hindi paba titigil ang lalaking ito, sabihin ko kaya sa kaniya yung sinasabi sa akin ni uncle" bulong ko sa isip ko.
"Alam mo Ryan mas mabuting manahimik kanalang kasi kahit anong sabihin mo hindi kita magugustuhan saka isa pa kahit ilantad mo ang hubad mong katawan walang epekto sa akin."
"Grabe ka magsalita arrrr" galit na wika ni Ryan saka pinaharurot ang kotse.
"Ano ba bagalan mo lang gusto mo naba mamatay?" sigaw ko kay Ryan ang bilis kasi niya magpatakbo ng kotse.
Huminto ang sasakyan sa isang mall.
Nagsuot naman ng sunbrero at shades si Ryan.
"Ano gunagawa natin dito kala ko iuuwi mo na ako?" tanong ko kay Ryan
"Diba sabi mo gusto mo maglaro ng game at dahil wala kang phone hindi ka din makakapaglaro ibibili kita tara" paliwanag ni Ryan sa akin.
Natuwa naman ako sa sinabi ni Ryan kaya sumunod na ako sa kaniya para pumasok sa mall. Habang naglalakad kami hinila ako ni Ryan sa isang boot, nakita kasi niya 'yung phone na hinahanap niya.
"Ito Rumina magandang cellphone to halika turuan kita" wika ni Ryan saka niya itinuro sa akin ang mga dapat pindutin. Nang ako na ang nagpipindot sa cellphone nakatingin lang si Rryan sa akin at nakangiti.
"Ang ganda niya" bulong ni Ryan sa isip niya.
"Halika na uwi na tayo" aya ko kay Ryan.
"Okey" pagsang-ayon sakin ni Ryan.
6:00 pm
Sa DewTech company abalang nagtatrabaho si Reiner konti nalang ay matatapos na ito sa ginagawa at balak na umuwi agad dahil namimiss na ang asawa. Sa labas nang opisina abala naman si Nicole na siraan si Rumina.
Nakakita kasi ito ng headline sa dyaryo tungkol kay Rumina na may kasama itong lalaki.
"Uyy ikaw pabigay nga ito kay master Reiner kasi magtitimpla ako ng kape niya huh iabot mo lang alam na ni master iyan" utos ni Nicole sa manggagawang kadadaan lang sa office ni Reiner.
Pagpasok ng babae sa opis ni Reiner.
"Master Reiner pinabibigay po ni Nicole documents daw po."
"Sige akina i checheck ko" utos ni Reiner.
Pagkabigay ng babae agad binuksan ni Reiner ang folder, bumungad sa kaniya ang dyaryong my picture ni Rumina na nakasandal sa isang lalaki nakamask at nakacap na black. Namukhaan agad ni Reiner ang lalaki, stepbrother ni Rumina na crush na crush ni Rumina.
Sa galit ni Reiner nasipa niya ang bangko at napahampas ng malakas sa table.
Bigla naman pumasok si Nicole ng pintuan "Naku master mali po ang naibigay ko heto po 'yung folder master" paliwanang ni Nicole.
"Lumabas kayo" wila ni Reiner sa mababang boses.
"Ano po master?" tanong ni Nicole
"Labas!" sigaw ni Reiner na umalingawngaw sa buong office.
Tumakbo palabas ng opis sina Nicole at ang isang empleyado
Paglabas ng opis tuwang tuwa si Nicole sa nangyayari galit ni Reiner.
"Humanda ka Rumina maghihiwalay din kayo ni Reiner" mahinang bulong ni Nicole.
Sinipa ni Reiner ang table na nasa harapan niya. "Pinagloloko mo ba ako Rumina nangpapanggap kaba na hindi mo kilala ang mahal mong stepbrother. Kapag kaharap mo ko kunwari hindi mo siya kilala pero kapag siya ang kaharap mo ganyan ka makipaglandian" galit na wika ni Reiner habang nakatingin sa dyaryong nahulog sa sahig.
Sa mansiyon ng Cervantes.
Abalang abala si Rumina na naglalaro ng games kasama si Ryan, excited pa itong ipaalam kay Reiner para balang araw sila naman ng asawa niya ang maglalaro.
Isang malakas na pagbukas ng pinto ang umalingawngaw sa sala na ikinagulat ni butler Jeremiah.
"Master maligayang pagbabalik" salubong na bati ni butler Jeremiah
"Asaan si Rumina?" tanong ni Reiner.
"Nasa kwarto po master"
Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Reiner at agad umakyat ng hagdan para tunguhin ang kwarto. Na may galit sa loob.