Kinaumagahan paggising ko nakayakap lang sa akin si Reiner, sa tuwa ko pinakatitigan ko ang asawa ko habang natutulog, hindi ko inakala na may ganitong kagwapong nilalang na nabubuhay sa mundo, medyo hawig talaga niya si uncle sa mundo ko.
"Hays" napabuntong hininga nalang ako nang maalala ko na naman si uncle.
"Pst" sisit ni Reiner ng magising ito
"Ano problema ng prinsesa ko? mukhang malalim ah kasi napabuntong hininga kapa."
"Uncle" tawag ko
"Uncle again?"
"Ibig ko sabihin mhine"
"Good, ano ba iyon?"
"Ihahatid mo ko?" wika ko sa mahinang salita
Napatitig ako sa mata niya sabay lingon sa kaniyang dibdib, s**t namula ako bigla.
"Yes mhine ihahatid kita" sagot ni Reiner
Nang marinig ko ang sagot niya na ihahatid nya ako grabe ang kilig ko, oo nga lagi naman niya ako hinahatid sa school pero ito kasi ay kakaiba, ihahatid niya ako after namin mag-love making.
"Kyaaaaaa!" sigaw ko sa sobrang kilig at naitulak ko nga si Reiner kaya nahulog ito sa kama.
"Ano ba ginagawa mo?" wika ni Reiner saka tumayo ng dahan dahan.
"Nagulat ako kasi 'yung katawan mo nakakasilaw!" wika ko na nakatakip ang aking mga mata.
"Ah ganun ah maumay ka sa silaw ng katawan ko haha" wika ni Reiner sabay talon sa akin.
Iniroll ni Reiner ang kumot sa akin saka kami nagpaikot-ikot sa kama habang nagtatawanan at panay ang tili ko.
Napahinto lang kami nang mapansin ko si Jeremiah na nakatayo na sa pintuan.
"ah hi Jeremiah" wika ko.
"Ahh ehmmm ano 'yun?" naubo pang wika ni Reiner.
"Kayong dalawa sa susunod maglock kayo ng pintuan" wika ni Jeremiah at naglakad na ito palabas ng kwarto.
Nagtawanan nalang kaming dalawa sa sinabi ni Jeremiah.
"Sige na maligo kana mhine at magtatime na" utos ni Reiner sa akin.
Tumango lang ako bilang sagot saka niya ako hinalikan sa noo.
Nag asikaso na kaming dalawa dahil magseseven na din ng umaga.
Matapos kaming mag-asikaso tumungo na kami parehas sa kotse.
Sa loob ng kotse;
"Ang hirap naman ng project" wika ko habang nagbabasa sa aking social media
"Ano ba project niyo?" tanong ni Reiner sa akin.
"Ito oh nakalagay dito overpass" wika ko saka ko pinakita ang nasa screen. "Habang pinapanood ko kasi 'yung video tapos nagsasalita na ang prof namin na "okay class ito ang inyong project" 'yan yung lumabas mhine, oh diba ang hirap kaya niyan" malungkot kong wika.
Biglang natawa si Reiner halos humalakhak ito ng humalakhak, napalingon ako sa kaniya bigla.
"Bakit ka natawa diyan?" tanong ko
"E kasi naman mhine ads ito oh pwede mo i-skip iyan" wika ni Reiner sabay may pinindot ito sa phone at nawala ang overpass bumalik muli sa video ng aming prof.
"Eh? oo nga pala nakalimutan ko kasi parang nawala sa isip ko na may ganun pala hehe" pagsisinungaling ko, ang totoo talaga hindi ko ito alam, kaya kesa magmukhang ignorante ako sa harap niya nagpanggap nalang ako na nakalimutan ko. Napapikit nalang ako saka nagbugtong hininga parang pakiramdam ko nairaos ko yung katangahan ko na iyon.
Isang halik sa pisngi ang ibinigay ni Reiner sa akin. Sa pagtataka ko nilingon ko ito na parang may tanong sa aking isipan.
"I love you" wika ni Reiner habang nakangiti sa akin.
"I love you too" sagot ko.
Umalis na kami ni Reiner para ihatid na ako sa paaralan.
Pagdating sa paaralan nagkiss ako kay Reiner sa lips bilang goodbye kiss na ikinangiti naman ni Reiner.
"See you later" wika ni Reiner.
"See you ingat ka" sagot ko
Lumabas na ako ng kotse dahil nakita ko na din si Chelsea at Gray na naghihintay sa akin sa entrance gate. Pagkababa ay umalis na din si Reiner para tumungo sa company.
Habang naglalakad kaming tatlo paakyat ng second floor. Hindi ko namalayan ang papalapit na grupo sa amin dahil naaliw ako sa kwentuhan.
"Well well, guess who ang nasa harapan natin" wika ng babae na matured na ang itsura.
"Rumina lagpasan na natin" wika ni Gray sa akin.
Tumango kaming dalawa ni Chelsea saka kami gumawi sa kabilang side pero hinarangan kami ng tatlo pa nitong kasama.
"Okay girls ano kailangan niyo sa kaibigan ko?" pagtatanggol ni Gray sa amin.
"Wala naman gusto ko lang makita ang astang prinsesa dito sa paaralan" wika ng babae.
"Sino?" wika ni Chelsea.
"Ano? bobo lang? sino ba nasa harapan namin ngayon? diba si Rumina?" wika ng babae.
"Ang yabang mo naman huwag mo matawag tawag na bobo ang mga kaibigan ko, hindi mo sila pinalalamon para masabihan ng mga ganyang salita"
pagmamataas ko dahil sa inis.
"Ah ganun?" sabay tulak sa akin ng babae
Sa bilis ng pangyayari at hindi inaasahan na pagtulak sa akin, nagpagulong gulong ako sa hagdan hanggang marating ang ground.
Dali dali naman ang pagbaba ni Chelsea at Gray ng hagdan.
"Uyyy beshy bakit mo tinulak?" tanong ng kasama ng matured na babae.
"Deserve niya yan" sagot ng babae.
"Yari tayo, asawa ng isang sikat na CEO yan." wika naman ng isang babaeng kasama niya.
"Oh really naniniwala kayo sa chismis? hahaha halina nga kayo" wika ng matured na lalaki.
Naglakad ang grupo paakyat ng second floor. Nagkumpulan ang mga tao sa pwesto namin para maki-usisa.
"Lady Rumina gising" wika ni Gray
"Lady Rumina!" wika naman ni Chelsea
Pag-angat ni Gray ng kaniyang palad na ginamit sa pag-angat sa aking ulo napansin niyang madami itong dugo na lubha niyang kinabahala.
"Che..Chelsea dalhin mo ang gamit niya itakbo natin si lady Rumina sa hospital" utos ni Gray kay Chelsea.
"Ah oo...oo Gray" sagot ni Chelsea.
Tinakbo ako ni Gray papuntang parking lot para maisakay sa kotse.
Inihiga ako nito sa likurang upuan pagkaupo ni Chelsea. Ang hita kasi ni Chelsea ang ginawang unan.
Habang nasa byahe naipit pa kami sa trapik kaya napamura si Gray.
"Bullshit, trapik pa" inis na wika ni Gray habang panay ang busina sa sasakyan.
"Lady Rumina gising po" umiiyak na wika ni Chelsea."Gray ano na gagawin natin? ayaw magising ni lady Rumina kahit anong pagtapik ko sa mukha niya tapos natulo ang dugo"
Iginilid ni Gray ang kotse nang bahagyang nag-abante ang mga sasakyan sa harapan nito.
Pagkagilid sa kotse bumaba si Gray para maghanap ng tulong. Nang may papalapit na motor mula sa likuran namin, agad itong pinara ni Gray at kinausap ang driver.
Hindi nagdalawang isip ang driver ng motor ng malamang emergency ang pakay ni Gray.
"Chelsea tawagan kita mamaya kung saang hospital kami, papuntahin mo agad si master, ikaw muna sa kotse marunong ka naman ata magdrive" payo ni Gray kay Chelsea habang tinatali ang kanilang baywang ni Rumina na ngayon ay nakaupo sa motor at inaalalayan ni Chelsea si Rumina para hindi mahulog habang inaayos.
"Oo ako na bahala Gray, balitaan mo ako ah" hikbing wika ni Chelsea.
Tumango lang si Gray bilang sagot
"Boss tayo na" utos ni Gray.
"Sige kapit boss" wika ng driver
Puro dugo na ang uniform ni Gray dahil sa patuloy na pagdugo ng ulo ni Rumina.
Habang nasa kalagitnaan ng daan naisip ni Gray na hubarin nalang ang suot na uniform para matali sa ulo ni Rumina.
"Boss wait lang itabi mo muna" utos ni Gray.
Itinabi naman ng driver ang motor "Bakit boss?" tanong ng driver
"Talian ko lang para huminto ang pagdudugo kahit papaano" wika ni Gray.
"Sige" tugon ng driver
"Ok na boss"
Muli sila nagpatuloy sa pag-andar, binaybay ang matrapik na kalsada. Nagkanda lusot lusot sila sa maliliit na daan habang panay busina ng driver habang si Gray naman ay panay sigaw, "emergency! emergency! tabi!"
Makalipas ang 30 minutes na byahe narating namin ang public hospital may mga nurses sa labas na nag-aassist kaya pagdating namin ay agad kaming inasikaso.
Nang makapasok ng hospital si Rumina, nagpasalamat muna si Gray sa driver na naghatid sa kanila.
"Boss maraming salamat po heto po bilang pasasalamat" inabutan ito ni Gray ng pera para kahit panggasulina lang niya.
"Naku iho huwag na pambaon mo nalang yan" wika ng driver
"Kung ganun kahit number niyo nalang po"
Hindi naman nagdalawang isip ang driver na ibigay ang number niya kaya nang maibigay ito ay agad ding umalis.
Pumasok na si Gray sa loob ng hospital para puntahan si Rumina, dumeretso ito sa information sa gitna para malaman kung saan banda ang emergency room.
Nang maituro ang emergency room, halos titigan siya ng mga nurse na nasa information dahil wala itong suot na pang ibabaw, at halos nakikita ang katipuhan ng katawan na medyo duguan dahil sa pag-alalay kay Rumina sabayan pa ng gwapo nitong mukha.
Tumakbo na si Gray papuntang emergency room habang hawak ang phone para tawagan si Chelsea.
"Hello" sagot ni Chelsea sa kabilang linya.
"Chel andito kami sa emergency room ng public hospital malapit sa crossing ng cocovalley" wika ni Gray.
"Sige sige on my way" wika ni Chel
Napaupo nalang si Gray sa bangko na nasa gilid ng pintuan habang naghihintay sa paglabas ng doktor mula sa emergency room.
Sa Dewtech habang abala sa pag-attend sa meeting si Reiner.
"Master Reiner paumanhin po sa abala" wika ni Gilbert
"Why? kung ano man yan sabihin mo busy ako" kunot noong wika ni Reiner.
"Tumawag po kasi si Chelsea master" wika ni Gilbert
"Oh bakit daw? may nagawa na naman daw ba si lady Rumina niya?" mahinahong wika ni Reiner habang nakatingin sa taong nasa harapan at nagpapaliwanag ng bagong project na ilalabas ng company.
"Masamang balita po, nasa hospital daw po si lady Rumina sa public hospital malapit sa crossing ng cocovalley" bulong ni Gilbert
Hindi nakapagsalita si Reiner tumayo nalang ito bigla saka naglakad palabas ng meeting room. Nang may maalala itong sabihin bago umalis sa meeting.
"Ahhm Mr. Win will temporarily hold the meeting, whatever questions or suggestions you have just tell to Mr. Win, Gilbert lets go" wika ni Reiner na hindi na hinintay pa ang sasabihin ng mga opisyal
Pagkalabas ng meeting room takbo at lakad ang ginawa nila para makarating agad sa baba ng building habang pinapaliwanag naman ni Gilbert kay Reiner ang dahilan kung bakit nasa hospital ako.
Pagdating sa baba nakaabang na ang kotse na sasakyan ni Reiner.
"Malapit sa crossing ng cocovalley sa public hospital paki bilis" wika ni Reiner sa kanyang driver.
Habang nasa byahe hindi mawala sa isip ni Reiner ang aking kalagayan, kinakabahan ito na baka pagkakita sa akin ay limot ko na kung sino siya sa buhay ko.