Chapter 19

1072 Words
Nakarating si Reiner sa hospital na halos nagmamadali pumasok ng hospital. "Miss Rumina Cervantes please" wika ni Reiner sa nurse na nasa information. "Sige sir pa wait lang po" wika ng nurse saka nagsearch sa monitor na nasa harapan nito. "Sir until now po nasa emergency room" wika ng nurse "Sige saan banda?" "Deretso lang po sir tapos kanan po makikita niyo po ang emergency room" Muling naglakad si Reiner para tunguhin ang emergency room. Samantala ang mga nurse sa information desk ay hindi magkanda uga-uga sa kilig nang makita si Reiner. "Hindi ba siya yung sikat na CEO?" tanong ng isang nurse. "Oo siya yun, sa wakas nakita ko din siya sa tv ko lang madalas iyan makita eh kyaaaaaaaa! OMG sabihin mo hindi ako nananaginip!" wika ng nurse na nakausap ni Reiner kanina sa information desk "Kyaaaaaaaa" sabay na sigaw habang kinikilig ang dalawang nurse. Narating ni Reiner ang emergency room at nakita niya si Gray na nakaupo sa upuan at nakayuko habang si Chelsea naman ay nasa kabilang sulok at nagdadasal kaharap ang pader Hinubad ni Reiner ang suot niyang coat saka ipinandong sa ulo ni Gray. Napalingad si Gray nang maramdaman ang pagpatong sa coat at nang makita ang sapatos na huminto sa harap niya. "Master Reiner" tawag ni Chelsea. "Master" tawag ni Gray kay Reiner, muling yumuko si Gray sabay pumikit "patawad po". "Anong mangyari?" tanong ni Reiner kay Gray ngunit hindi ito umimik. "Master Reiner pa..patawad po hindi namin na..naprotektahan si lady Ru..Rumina, isang grupo po ng kababaihan ang humarang sa amin sa hagdan tapos..tapos nagkainitan po ang dalawa pero nauna po yung grupong iyon master, pilit nga po kaming umiwas pero hindi ka..kami pinatawid tapos biglaan po ang mga sumunod na pangyayari master" hikbing wika ni Chelsea. Hinawakan lang ni Reiner si Chelsea sa ulo para patahanin. "Kamusta lagay niya?" tanong muli ni Reiner "Wala pong balita master hindi pa po lumalabas ang doctor" "Ganun ba" Makalipas ang 2 oras Lumabas na ang doctor sa emergency room, sinalubong ito nila Chelsea, Gray, at Reiner. "Doc kamusta po ang asawa ko?" tanong ni Reiner sa doctor. "Ligtas na po siya sa kapahamakan, tinatapos lang ang pagbebenda at makakalabas na siya ng emergency room bago dalhin sa room" "Hai salamat po doc" sabay sabay na wika ng tatlo. "Sige, paano po aalis na po ako" wika ng doctor Pagkaalis ng doctor napayukom ng kamay si Reiner. "Chelsea, Gray samahan niyo si Gilbert sa school niyo gusto ko bukas na bukas din ay wala na sa paaralan na 'yun ang mga nanakit sa asawa ko, isama niyo ang 5 private agent para sigurado ang expelled ng mga gumawa " galit na utos ni Reiner. 9:00 pm Nailipat na sa vip room si Rumina, tahimik ang paligid habang nagchachat si Reiner kay Gilbert kung ano ang balita sa pinagawa niya, gusto man niya makipag videocall pero naisip niya na baka magising si Rumina. Naging matagumpay naman ang naging aksyon ni Gilbert sa paaralan, ipinangako sa guidance na hindi na muling makakapasok ng paaralan ang mga mag-aaral na nanakit sa kanyang asawa. 10:00 pm Napamulat ako ng bahagya ng maramdamang may nakahawak sa kamay ko. Nakita ko si Reiner na seryosong nakatingin sa cellphone na hawak. "Mhine" tawag ko. "Mhine! kamusta ka ah?" tanong ni Reiner sa akin saka siya nagpindot ng botton sa gilid ng mesa. "May masakit ba sayo?" tanong muli ni Reiner sabay halik sa kamay ko at hinahaplos haplos. "Okay lang ako mhine medyo masakit lang ang ulo ko" wika ko. Hinipo hipo ni Reiner ang ulo ko habang hawak ang aking kamay. "Papunta na ang doctor para tingnan ang kondisyon mo" "Ilang oras na ako natutulog?" tanong ko. "Siguro mga 3 oras mula nang nasa loob ka ng emergency room" sagot ni Reiner Maya maya ay dumating ang doctor halos wala ito inaksayang oras agad ako tiningnan sa mga parte ng aking katawan habang mahigpit na hinahawakan ni Reiner ang aking kamay. "Master Reiner ok na po ang kondisyon ng inyong asawa, huwag na po kayo mag-alala after two days pwede niyo na po siya ilabas" wika ng doctor. "Sige doc salamat" pasalamat ni Reiner Lumabas na ang doctor at kami ni Reiner muli ang naiwan. "Mhine kailan daw ako makakalabas?" tanong ko kay Reiner "After two days mhine, sige na matulog kana magbabantay ako sayo" "hmm ok mhine" Tumayo si Reiner sa pagkakaupo upang patayin ang ilaw at nang bumalik sa pwesto; "Usog ka doon" utos ni Reiner "Hala bakit?" gulat na tanong ko "Syempre tatabi ako saan mo ko pahihigain sa sahig?" "Bakit pwede ka naman umupo" "Hindi ako comportable kapag nakaupo gusto ko nakahiga" "Paano ka hihiga dito may nakakabit sa akin konting kilos ko lang masakit na" "Ang dami mo naman sinasabi uuwi nalang ako" "Edi umuwi ka nalang ginusto mo iyon eh" "Uuwi na talaga ako" at naglakad na si Reiner ng dahan dahan patungong pintuan. "Uyyy nababaliw ka ba gabi na oh baka mapahamak ka" "Saan ako hihiga dito ayaw mo naman ako pahigain sa tabi mo" Napahinto ako sandali habang nakatitig kay Reiner. "Dito kana" utos ko sa kaniya "namimiss na kita eh" wika ko sa isip ko habang kinikilig pero hindi ko pinahahalata sa kanya. "Okay" nakangiting wika ni Reiner. Humiga na si Reiner sa tabi ko saka nagkumot, tinitingnan ko lang siya sa mga ginagawa niya, maya maya ay yumakap ito sa akin at inabot ang kaliwa kong kamay para ilagay sa leeg niya saka niya niyapos muli ang kamay niya sa akin, ramdam ko ang pag-iingat ni Reiner na magalaw ang swero dahil sa sinabi ko na masakit ito kapag nagalaw ng bahagya. Nakapikit ito kaya tinititigan ko lang ang gwapo niyang mukha. "Mhine" mahina kong tawag "Hmm?" sagot niya. "Thank you" "I love you so much" Hinalikan niya ako sa noo at pagkatapos natulog na kaming pareho. 2:00 am nang may pumasok sa room namin na nurse para turukan ako ng gamot, nagising si Reiner habang ako ay mahimbing na natutulog hindi naman nagtagal ang patuturok sa akin at ang pag-stay ng nurse sa kwarto kaya agad din itong lumabas na nakangiti. Tumingin sa akin si Reiner na naluluha "Natakot ako nung nakita kita sabi ko sa sarili ko na sana hindi ka bumalik sa dati na sana huwag ka mawala sa akin. I really love you Rumina" wika ni Reiner sa isip sabay halik nito sa lips ng dalaga at muling nang natulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD