CHAPTER 20

1512 Words
Kinabukasan nagpaalam sa akin si Reiner na papasok na sa trabaho at dahil hindi pa ako pwede makalabas ng hospital nanatili ako dito na nag-iisa. Oo boring kung ikaw lang talaga ang nandito kaya para malibang ay tinext ko ng tinext si Reiner. "Mhine boring na ako sa hospital" message ko. "Matulog ka nalang para mabilis ka makarecover" reply niya sa akin. "Sige matutulog na" "Good, paggising mo nasa tabi mo na ako" "Sige" reply ko Nag-ayos na ako ng higa para matulog nalang. Samantala sa DewTech company Papuntang opis si Reiner nang makasalubong si Bridget "Sino nagpapasok sayo dito?" galit na tanong ni Reiner "Hindi na iyon importante Reiner ang mahalaga nakita na ulit kita" wika ni Bridget "Ilang beses ko ba kailangan sabihin sayo? na tigilan mo na ako!" wika ni Reiner habang hawak sa braso si Bridget. "Pwede ba bitawan mo ko!" sigaw ni Bridget "Guard! guard!" sigaw ni Reiner na umalingaw ngaw sa lobby. "Master Reiner" sagot ng tatlong guard "Sino nagbigay nang pahintulot na papasukin ang babaeng ito sa company." "Ako po master Reiner bago lang po ako master kaya hindi ko po alam na pinagbabawal po siyang papasukin." paliwanag ng isang guard Hindi na nagsalita pa si Reiner itinulak niya si Bridget sa isang guard. "Ilabas mo na siya ngayon din" utos ni Reiner. "Masusunod po master Reiner" wika ng guard "Kayo tulungan niyo siya, at ikaw babae isa pang suway mo sa akin masasaktan kana" wika ni Reiner na nanginginig ang mga kamao sa inis. "Bakit ba ano ba nagawa kong mali sayo bakit galit na galit ka" wika naman ni Bridget na ngayon ay nangingilid na ang mga luha. "Bridget gaya ng sabi ko, may asawa na ako, ayoko lang na may nagdididikit sa akin na ibang babae dahil ayoko pagmulan nang away naming mag-asawa" "Bakit dati naman lagi mo ko kasama ah tapos ngayon nagbago ka ng pakikitungo sa akin" "Iba ang noon at iba din ang ngayon kaya huwag ka magpaawa sa akin dahil kilala na kita, gusto ko nang tapusin ang lahat kaya layuan mo na ako Bridget. Kung may need ang family mo sa akin open sila magsabi pero hindi ang ipakasal ka sakin naiintindihan mo?" Binitawan na ni Reiner si Bridget saka tumalikod para tumungo sa opisina. "Sige Reiner kung hindi ka din naman magiging akin magpapakamatay nalang ako!" sigaw ni Bridget na umalingawngaw sa lobby, halos lahat na mga empleyado na nakaikot sa lobby ay napalingon kay Bridget. Nilingon din ito ni Reiner pero tanging pag-iling lang ang ginawa ni Reiner, nadismaya si Bridget sa inasal ni Reiner kaya padabog itong naglakad palabas ng company. Sinundan ito ng mga guard ng company para masigurado ang paglabas nito. Ang pangyayaring iyon ay umalingawngaw sa buong company. Ang iba ay nagulat sa inasal ng kanilang boss dahil sa ipinakitang pagmamahal nito sa asawa na dati naman ay hindi niya ito ginagawa. Sumapit ang lunch break pero dahil sa tambak na trabaho ni Reiner minabuti niyang maglunch break sa opisina niya. Habang kumakain kumatok si Nicole ng pinto para ibigay ang phone kay Reiner. "Master Reiner phone call po, si sir Washly" wika ni Nicole, ibinigay ni Nicole ang phone kay Reiner. Sabay yuko bilang paggalang bago umalis. "Hello sir Washly this is Reiner, ano po ang kailangan nila?" tanong ni Reiner sa kausap na nasa kabilang linya. "Sir Reiner we have something important to talk about, and you need to come here to America as soon as posible." wika ng kausap sa kabilang linya. Hindi nakasagot si Reiner dahil inisip nito si Rumina na nasa hospital pa. "Is it okay if on the other day nalang po ako luluwas ng bansa.?" "Why Reiner?" "Nasa hospital pa po ang aking asawa and she needs me, hindi pa kasi siya nakakarecover sa sugat na natamo niya, i'll promise paggumaling na siya luluwas agad ako" "Ok Sir Reiner i'll wait for you" wika ng kausap sa kabilang linya. Ibinaba na ni Reiner ang phone saka muling pinagpatuloy ang pagkain!! Sumapit ang hapon oras ng uwian hindi na nagdalawang isip si Reiner na tumungo pa kahit saan, agad itong tumungo pa hospital para puntahan ang asawa na kanina pa naghihintay sa kaniyang pag-uwi. Habang nasa byahe napadaan si Reiner sa mall para bilhan nang makakain si Rumina. "Ano kaya ang pagkain na gusto ni Rumina?" napahinto ito sa isang bakeshop sa mall nang mapansin ang banner na buy 1 get 1 na nasa sliding door, pumasok ito sa loob saka inisa isa ang mga tinapay na nakita sa loob. Ang mga tao sa gilid at mga cashier sa bakeshop ay napatingin kay Reiner habang tumitingin ng mga tinapay at cakes. "Sis ang gwapo niya" wika ng isang babae "Oo nga parang siyang artista sis" wika naman ng isang babae. "Kyaaaaaaaaa" hiyaw ng cashier sa mahinang boses habang panay hampas sa kasama. Matapos makapili ng cake ay tumungo na ito agad sa cashier. "Miss may promo cake ba kayo dito may nabasa kasi akong free 1 kapag iyan yung binili tama ba?" tanong ni Reiner sa cashier Ngunit tulala lang ang cashier kay Reiner na parang na starstruck sa kagwapuhan ni Reiner. "Miss?" muling tawag ni Reiner "Hoy sis" sigaw ng babae na katabi ng nasa cashier "Ay yes sir ano po iyon?" wika ng cashier matapos matauhan sa hampas ng kasama. Napangiwi si Reiner sa inasal at ikinilos ng cashier "Available paba ang promo niyo na buy 1 take 1 kapag kumuha ng cake na gaya ng nakapaskil sa labas?" pag-uulit ni Reiner. "Ah yes sir available pa po" wika ng cashier sabay lingon sa kasama "Tin kuha ka isa pa" utos ng cashier sa kasama, agad umalis ang kasama para kumuha ng isa pang cake sa loob. "Ah sir may iba pa po ba kayong bibilhin?" tanong ng babae kay Reiner. "Wala na" tipid na sagot ni Reiner. "Sir kung hindi niyo po mamasamain pwede po ba malaman ang pangalan niyo?" nahihiyang wika ng babae. "Ah okay, I'm Reiner, Reiner Cervantes" "Kung ganoon ikaw po iyong sikat na CEO na may-ari ng Dewtech company?" "Yes po" "Kyaaaaaaaaaaa naku sir napapanood ko po kayo sa TV at hiling ko na sana soon mameet ko kayo at ito na nga kyaaaaaaaaa" kilig na kilig na wika ng babae, hanggang sa dumating ang kasama nito bitbit ang cake na pinapakuha. "Ito na po sir Reiner" sabay abot sa cake. "Okay thank you" Agad lumabas ng booth si Reiner para maagang makapunta sa hospital ngunit napadaan ito sa bilihan ng pizza kaya napabili ito. Hindi nagtagal ay umalis din ito kaagad. Nakarating ng parking lot si Reiner agad naman itong sumakay para makaalis agad. Habang nasa biyahe tumunog ang phone nito, "Hello?" bungad na wika ni Reiner. "Master Reiner ang anak ko naglaslas po ng kaniyang pulso nasa hospital po kami ngayon at gustong gusto po niya kayong makita" wika ng lalaki na nasa kabilang linya. "Saang hospital kayo?" tanong ni Reiner "Dito po sa private hospital malapit sa highway ng sta. barbara dito po kami sa room 13 VIP room, master paki usap kayo po ang hanap ng anak ko" "Sir wala na po ako pake sa anak niyo since may asawa na po ako, kung may problema po siya labas na ako dun, kung problem niyo po ang payment sa hospital hayaan niyo bukas na bukas din papapuntahin ko si Gilbert para sa needs niyo" "Walang hiya ka Reiner baka nakakalimutan mo isa ako sa mga malalaking ka business share ng company ng daddy mo at ikaw ang tanging tulay para lumakas pa lalo ang company niyo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng anak ko sayo tapos gaganituhin mo lang ang anak ko?" "Inuulit ko may asawa na ako at ang anak niyo ang gumawa niyan hindi ko iniutos o pinagawa sa kanya ang bagay na ikakasakit niya kaya hintayin niyo nalang po bukas ang tulong ko salamat. bye" ibababa na sana ni Reiner ang phone ng may panghuli pang mensahe ang tatay ni Bridget. "Humanda ka gagantihan ko ang asawa mo!" wika ng ama ni Bridget sabay patay ni Reiner sa tawag. Hindi na nito inintindi pa ang sinabi ng lalaki kaya pinaharurot na ni Reiner ang kotse para makarating na ng hospital. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating din ng hospital si Reiner agad itong tumungo sa room kung saan naroon ang asawa. Dahan dahan nito binuksan ang pintuan para sorpresahin ang asawa ngunit nabigo ito dahil wala ang asawa sa kwarto nito. Kinabahan bigla si Reiner nang maalala ang sinabi ng kausap na may gagawing masama sa kanyang asawa. Sa taranta hinanap nito ang asawa sa buong hospital, pinagtanong tanong niya din ang mga nurse at doctor na nakakasalubong sa hallway ngunit walang nakakita ni isa sa kanila kaya lalong kinabahan si Reiner pero hindi ito tumigil sa paghahanap. Muli siyang nag-ikot sa paligid ng hospital tinungo ang bawat room nagbabakasakaling makita ang asawa ngunit bigo pa din siyang makita ito. Muli siyang bumalik sa kwarto at pinakalma ang sarili dahil kapag nagpanic siya ay mas lalong hindi niya makikita si Rumina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD