CHAPTER 21

1124 Words
Tahimik na nag-iisip si Reiner kung ano gagawin niya ngayong nawawala ang asawa niya. Hindi nagtagal nakarinig si Reiner nang isang familiar na boses galing sa labas ng pintuan napatakbo siya bigla palabas para makita ito, nakita niya si Rumina na naglalakad na may hawak na dextrose at inaalalayan ng doctor. Galing akong CT scan laboratory para macheck kung may damage pa sa ibang parts ng aking katawan. Habang naglalakad kami ni doc. nakita ko si Reiner malapit sa pintuan ng room at parang pawis na pawis ito at gulat nang makita ako. Tumakbo ito papalapit sa amin. "Doc salamat po" Pagpapaalam ko sa doctor. "dadalhin ko ang result ng test mamaya, dito na po ako master,lady Rumina" yumuko ang doctor sa amin bilang paggalang bago umalis. Napalingon ako kay Reiner na may pagtataka sa aking mukha kasi naman parang lantang gulay ito kung titingnan. "Mhine?" tawag ko Pagkatawag ko agad ako nitong niyakap nang sobrang higpit saka ako nakarinig ng paghikbi, bakit kaya umiiyak ito?. "Kanina pa kita hinahanap akala ko kung napaano kana" bulong nito sa akin. "Ah mhine sched kasi ng CT Scan ko ngayon kaya sinundo ako ng doctor kanina" paliwanag ko. "Tara pasok na tayo sa kwarto, masakit paba ang ulo mo?" "Medyo nalang mhine" Pagkapasok sa loob ay unti unti na ako pinahiga ni Reiner sa kama, "Mhine pagkauwi natin bukas, luluwas ako pangibang bansa para sa isang meeting na lalahukan, mga 3 days lang siguro ako dun tapos uuwi na muli" paliwanag ni Reiner sa akin. Nalungkot ako sa sinabi ni Reiner pero kailangang supportahan ko siya bilang asawa niya isa pa trabaho iyon. "Sige basta mag-iingat ka doon" wika ko. Tumango lang si Reiner sa akin saka ngumiti sabay pasok ng doctor para sa pagbibigay sa aking gamot. "Doc mga anong oras po siya makakalabas bukas?" tanong ni Reiner sa doctor. "Umaga master" sagot ng doctor "Sige salamat doc." "Doc pwede na din po ba ako pumasok bukas?" tanong ko ng bigla ko maalala na may pasok pala ako bukas. "Since hindi naman malala ang injury mo and wala ako nakitang damage sa parts mo, yes pwede ka na pumasok" sagot ng doctor "Bakit naman nagmamadali kang pumasok?" tanong ni Reiner sa akin. "Kasi mhine nagtext si Chelsea may activity daw kami sa paaralan" "Ahhh kung meron edi huwag kana sumali" "Hindi pwede mhine ako lang hindi makakasali?kaya ako naasabihang astang prinsesa kasi may sarili akong disisyon" "Okay sige pero mag-iingat ka" "Yes mhine" "Aalis na po ako master Reiner, lady Rumina" paalam ng doctor sa amin sabay yuko bilang paggalang. "Sabay na ako doc." muling ibinaling ni Reiner ang tingin sa akin. "Magbabayad lang ako ng bills" Tumango lang ako kay Reiner bilang sagot. Lumabas na si Reiner at ang doctor habang naiwan ako sa kwarto naisipan kong itext si Chelsea. "Chelsea balita sa paaralan madami na ata ako naliban na exam?" message ko kay Chelsea "Opo mag-special exam ka nalang daw po lady Rumina" reply ni Chelsea sa akin. Napabuntong hininga nalang ako dahil sa sinabi ni Chelsea Lumipas ang dalawang araw Nakauwi na ako nang mansion, gaya ng sabi ni Reiner luluwas ito pangibang bansa para sa trabaho kaya pagkauwing pagkauwi namin ay lumuwas din ito kinagabihan. Ako naman ay nagtake ng exam kinabukasan buti nalang pinahiram sa akin ni Chelsea ang mga notes niya kaya nakasagot ako sa exam. "Hays sa wakas natapos din" bulong ko sa sarili. "Mukhang napagod tayo lady Rumina" wika ni Chelsea "Nasagutan mo ba lahat lady Rumina?" wika ni Gray. "Oo grabe buti nalang talaga napahiram ako ng notes ni Chelsea" sagot ko "Sabi naman ng guro natin ano man maging result ng exam mo ipapasa ka pa din daw kasi excuses ka naman dahil sa accidente" saad ni Gray. "Oo nga pala habang nasa library ka nag-eexam nag announce ang adviser natin na magkakaroon daw tayo ng camping activity" wika ni Chelsea "Talaga? saan daw gaganapin?" tanong ko na kinailing ng dalawa "kung ganun wala pang idea sa lugar?" "Parang ganun na nga" saad ni Gray "Ang mahalaga magkakasama tayo" wika ni Chelsea. Sumapit ang uwian sabay sabay kaming tatlo na naglalakad habang iniisip ang babaunin para bukas. "Dala nalang tayo ng tent saka snacks" suhuwestiyon ni Gray "Pwede sige ikaw na bumili ah hahaha" Pang-aasar ko kay Gray "Sige sige oh andito na pala sundo niyo" wika ni Gray matapos makita si Jeremiah na nakatayo sa kotse. "Magandang hapon Jeremiah" bati ni Gray "Magandang hapon din, magandang hapon po lady Rumina" bati din ni Jeremiah. "Magandang hapon, oh paano Gray bukas ah saka mamili ka ng babaunin" wika ko "Oo na po señiorita" "Hahahah ge ge see you tomorrow" paalam ko kay Gray "Bye pogi" paalam naman ni Chelsea. Nagbyahe na kami pauwi ng mansion nangay mapansin akong magkasama na lalaki at babae, bigla ko na alala si Reiner isang araw palang kaming hindi magkasama namimiss ko na siya kaya ginawa ko tinext ko nalang siya para kamustahin. "Mhine kamusta ka na diyan?" message ko kay Reiner Sana mamaya makasagot siya. Nakarating kami ng mansion, nakakain na din ako ng hapunan panay sulyap ko naman sa cellphone nagbabakasakaling sumagot siya sa message ko. Naligo na din ako at nakapagbihis na din pantulog pero wala pa din message si Reiner. 11:00 pm naghintay pa din ako ng message pero walang nadating kahit isa. Pumunta muna ako sa balcony baka kasi makatulog ako kung mananatili akong nakahiga. Nang makarating ng balcony lumanghap ako ng napakasariwa at malamig na hangin na nagpakalma sa akin nang biglang tumunog ang phone ko. Tumakbo ako pabalik sa loob at sakto dahil sa suot kong medyas napadulas pa nga ako. "Awts kaasar gumapang nalang ako papuntang kama para abutin ang phone, nang maabot at masulyapan ang nagmessage laking pagkadismaya ko nang makita kung sino ang nagtext, walang iba kundi si Gray. "Lady Rumina nakabili na ako ng babaunin kita kits bukas sa inyo ni Chelsea goodnight" laman ng message ni Gray. "Pahamak ka Gray sakit nang tagiliran ko" sa nangyari kaninang pagkadulas halos nawala ang antok ko sa sakit na nararamdaman. Muling tumunog ang phone at ang pangalan ay Asawa ko, kaya laking tuwa ko nang buksan ko ang mensahe ni Reiner. Bigla ako napasimangot sa message nito. "Mhine masakit ulo ko tapos nagmessage kapa saka diba dapat tulog kana bakit gising kapa? Yari ka talaga sa akin kapag nakauwi ako" mensahe ni Reiner. Sa inis ko nagreply nalang ako ng "Ewan ko sayo bangungutin ka sana!" sabay tapon ko ng cellphone sa kama at ako naman ay umayos na ang higa habang hinihilot ang aking tagiliran. Panay ang ring ng phone ko pero hindi ko sinasagot dahil sa pagkainis ewan parang hindi siya asawa kung magmessage bahala siya sa buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD