Kinabukasan araw nang aming camping maaga din kami umalis ng mansiyon ni Chelsea, hindi na ako nagmessage pa kay Reiner dahil sa pagkayamot ko kagabi, matagal mo hinintay message niya tapos nung sumagot pagagalitan kapa parang hindi niya naramdaman ang effort mo.
Kaya ngayon andito kami ni Chelsea sa paaralan kung saan naghahanda kami para sa pagsakay at pag-alis sakay ang mga bus.
"Lady Rumina ito po ang ating pagkain" wika ni Gray sabay abot sa akin ng plastik bag
Tiningnan ko ang laman ng plastik bag at nakita ko ang maraming crackers at iba pang kutkutin. Napakunot ako ng kilay sa nakita.
"Bakit puro chichirya? ano uulamin natin?" tanong ko kay Gray
"Oo nga ano?" napakamot nalang ng ulo si Gray nang malamang may mali sa binili.
"Yaan mo na itong fish crackers pwede naman ulamin ito" suhuwestyon ko, may nakita kasi akong kumakain ng fish crackers na may kanin sa social media tapos bata pa siya so ibig sabihin pwede itong gawing ulam.
Napangiti naman sa akin sa Gray, maya maya pa umalis na ito para hanapin ang aming bus dahil pinahahanap na ng aming adviser ang sasakyan naming bus.
Nang makita ni Gray ang bus tinawag niya kami ni Chelssa.
"Lady Rumina dito po" alok sa akin ni Gray
Agad naman akong umupo kasi pagod na din ako kakatayo si Chelsea naman ay umupo sa likuran namin katabi ang isang lalaki, kumuway pa ito sa akin na parang nahihiya nang makita ko ang lalaking katabi nito si Tom.
"Gray bakit nasa dulong likuran naman si Chelsea? wala naman nakaupo sa tapat natin" pagtatakang tanong ko kay Gray
"Hayaan niyo na lady Rumina kasama naman niya boyfriend niya" sagot sa akin ni Gray.
"Anooooo?!" napasigaw ako sa pagkabigla.
"Uyyy lady Rumina huminahon ka" pagpigil sa akin ni Gray
Napalingon ako kay Chelsea nang makita ako nag peace sign pa ito sa akin, napansin ko din ang paglingon ng iba naming kaklase sa pwesto namin ni Gray siguro sa biglaang pagsigaw ko.
Pinanlakihan ko lang ng mata si Chelsea bago umupo, napacross arms pa ako dahil hindi man lang ito nagkwento sa akin, ako na friend niya.
"Lady Rumina minsan kasi may mga private matter tayo na hindi natin kayang ilabas agad agad lalo pa at may something pagdating sa istado ng buhay, gaya namin na namamasukan sa inyo ni master Reiner kaya may araw na kapag ganito kasensitibo ang sitwasyon mas gugustuhin nalang namin na ilihim sa inyo" paliwanag ni Gray sa akin.
"Ikaw ba Gray may hindi kaba sinasabi sa akin baka mabigla din ako. Nakakainis lang hindi naman kasi ako ibang tao sa inyo mga kaibigan ko na kayo eh tapos maglilihim kayo sa akin" inis ko sermon kay Gray
"Okay lady Rumina magpapakatotoo ako sayo, may gusto akong sabihin" seryosong wika ni Gray
"Ano?" mabilis kong sagot
Hindi na naituloy ni Gray ang sasabihin ng biglang nagsalita ang aming guro para bigyan kami ng instruction sa lugar na pupuntahan. Bigla ako natakot ng sabihin ng aming guro na kami ay papasok sa isang kweba para sa isang task ito daw ay lalahukan nang magkapareha para gawin ang isang task kaya ngayon palang na nandito kami sa bus ay humanap na kami ng makakapareha.
Nagulat ako nang hawakan ni Gray ang aking kamay, nang tingnan ko ito nakangiti siya sa akin kaya ngumiti din ako sa kanya, mas okay nga siguro kung si Gray magiging kapareha ko kasi matapang kasama.
Lumipas ang tatlong oras na byahe narating namin ang field na paggaganapan ng event, punong puno ito ng mga pwede naming gamitin sa event.
"Ang ganda dito" manghang wika ko matapos makita ang paligid mula sa bintana ng bus.
"Oo lady Rumina at sa itsura palang napaka exciting at super challenge sa atin ito" masyang wika ni Gray
Tumango lang ako sa sinabi ni Gray nang biglang tumunog ang phone ko.
Pagbukas ko, message ni Reiner ang nagpop up binuksan ko ang message at isang larawan ang nakita ko, larawan na kuha sa company na nakakapit sa 7u ni Reiner si Bridget. Nagsalubong ang kilay ko sa nakita, isa pa trabaho ang pinunta niya dun pero bakit ngayon nag-iikot silang dalawa ni Bridget sa company na magkasama at masaklap parang lumalabas na mag-asawa ang dating nilang dalawa. Biglang nalang tumulo ang luha ko sa nakita.
Nangmakapark ang bus namin nagsibabaan na din ang mga kaklase namin si Gray naman ay bumaba na din, hindi nga lang ako nakasunod agad dahil inayos ko pa ang sarili ko.
"Lady Rumina" sigaw ni Chelsea mula sa gilid ko napalingon ako kay Chelsea kasama nito si Tom
"Mauna na kayo susunod ako" wika ko.
Tumango lang si Chelsea sa akin bago tumuloy palabas nang bus.
Ako naman ay nabablanko ang isip sa nakita kong larawan, kaya ba ganun nalang siya mag message sa akin kagabi? kaya ba hindi ito nakasagot agad sa akin dahil kasama pala niya si Bridget? Napayukom ako ng kamao ko sa galit habang panay tulo nang luha ko, sumabay pa ang maya't mayang pagsitsit sa akin ng taong hindi ko nililingon na kanina pa nakatayo sa gilid ko.6777
"Pst" isang sitsit muli mula sa gilid ko ang narinig ko.
"Ano bang problema mo kanina kapa sitsit ng sitsit!" sigaw ko, akmang susuntukin ko na sana ang taong iyon sa inis nang mahawakan niya ang kamao kong tatama sana sa kanya.
Hindi ko siya maaninag nung una dahil sa panunubig ng mata ko pero ng matitigan ko ito saka ko naaninag ang mukha ni Gray.
"Gray?" pagkabigla ko.
"Lady Rumina ano pong problema bakit po kayo naiyak?" wika nito sa akin.
"Ge.. Gray" utal kong tawag. Hanggang sa hindi ko na napigilan tuluyan na akong humagulgol sa pag-iyak, dati naman kapag nagtatalo kami ni Reiner okay lang sa akin hindi ganun kasakit pero bakit ganun ang sakit sakit.
Niyakap ako ni Gray nang mahigpit hindi ito nagsalita hinayaan niya akong humagulgol ng humagulgol sa pag-iyak.
Napansin ni Gray ang phone ko na nasa upuan, dahan dahan niyang kinuha ang phone saka binuksan, nakita nito ang larawan na sa tingin niya ay naging dahilan nang aking pag-iyak.
Matapos makita ay nilagay nito sa kanyang bulsa.
"Lady Rumina kailan po uuwi si master Reiner?" biglaang tanong ni Gray sa akin.
"Bu..bukas sabi niya ka..kasi sa pangalawang araw ito babalik"
Iniangat ako ni Gray mula sa pagkakayakap niya.
"Hayaan mo lady Rumina kakausapin ko siya" wika ni Gray
Nagulat ako sa suhuwestyon ni Gray parang alam kasi nito ang problema ko.
"Paanong__" hindi na natapos pa ang sasabihin ko ng bigla muling nagsalita si Gray.
"Nakita ko sa phone mo ang larawan pasensya na kung binuksan ko. Lady Rumina hindi kasi katulad ni master Reiner ang ibang lalaki maaring may iba itong rason kung bakit niya nagawa yung nasa larawan. Isa pa lady Rumina walang asawa ang magsesend ng ganyng klaseng larawan sa asawa para ano pagselosin? may ibang point diyan maaring dahil sa honest na asawa si master kaya niya nasend yan kasi ayaw niyang maglihim sa iyo pwedeng ganun"
paliwanag ni Gray sa akin.
"Paano kung mag-asawa na sila ni Bridget huh Gray ng..ng hindi ko alam?" tanong kong muli kay Gray
Hinawakan ni Gray ang kamay ko "Andito ako lady Rumina handa akong mahalin ka, hindi nga lang ako kasing yaman ni master Reiner pero pupunuin naman kita ng pagmamahal" wika ni Gray
Muli akong niyakap ni Gray sa pangalawang pagkakataon at sa pagkakataong ito gumaan gaan ang pakiramdam ko.
Lumabas na kami ni Gray ng bus saka tinungo ang pwesto nang pagtatayuan ng tent.
Hindi naman magkalayo ang lupang napili namin nina Chelsea na pagtatayuan ng tent. Tumulong ako kay Gray para makapagtayo ng tent kaso habang nagawa ako ay larawan pa din ang naiisip ko.
Kapag napapatulala ako tinatapik nalang ako ni Gray sa balikat.
Natapos namin ang tent, humiga nalang muna ako para makapagpahinga tinakpan ko ng braso ko ang mga mata ko dahil nasisilaw ako.
"Rumina umiiyak ka na naman?" wika ni Gray sa akin.
"Hindi ako naiyak inaantok lang ako Gray" sagot ko.
"Huwag mo muna siya isipin nasa event tayo kailangan nating magpakasaya" diterminadong wika ni Gray.
Bumangon ako mula sa aking pagkakahiga saka hinarap si Gray
"Oo Gray magpapakasaya ako" wika ko. Nabigla ako sa ginawa ni Gray hinalikan ako nito sa labi sabay pilit akong inihihiga kaya napahiga ako. Isang malambing na halik ang ibinibigay ni Gray kaya panandalian akong nawala sa ulirat at nakalimot na may asawa akong tao.
Tinulak ko ng malakas si Gray na kinabigla niya.
"Ah lady Rumina patawad po" biglang lumuhod si Gray sa harapan ko habang ako naman ay panay punas ng aking labi.
"Kalimutan mo na" wika ko habang nakasalubong ang aking dakwang kilay.
"Hindi ko po talaga sinasadya Lady Rumina na..nabigla lang po ako” muling paliwanag ni Gray.
Tumango lang ako bilang sagot, "Aalis muna ako" sagot ko pero bigla niya ako hinawakan sa aking pulsuhan.
"Patawad huwag mo sana akong lalayuan" wika ni Gray.
Muli akong tumango bilang sagot at sa pagkakataong ito tuluyan na akong nakalabas ng tent.