Nasa labas na ako ng tent ngayon nakaupo sa bato at nakatingin sa malayo. Naisipan ko imessage si Reiner.
"Ano itong picture na sinend mo sa akin? meron ba akong hindi nalalaman?" message ko kay Reiner.
Napabuntong hininga nalang ako at nanalangin na sana ay sumagot si Reiner sa akin.
Lumipas ang 3 oras na paglilibang bago ang event naiilang ako kay Gray dahil sa ginawa nito sa akin kanina, kaya kada lalapit ito sa akin ay lumalayo nalang ako.
"Lady Rumina!" tawag ni Chelsea sa akin.
"Anong nangyari? nag-away ba kayo ni Gray? andun si Gray oh nanunuod mag-isa sa laro ng mga kalalakihan doon" tanong ni Chelsea sa akin.
"Bakit kailangan bang lagi kami magkasama kahit saan?" pagtataray ko.
"Ikaw naman hindi ka na mabiro huwag masyado highblood tatanda ka kaagad niyan" wika ni Chelsea sa akin.
"Tom halika na nga masama ang hangin dito" aya ni Chelsea kay Tom.
Tumungo silang dalawa kay Gray para magpalipas ng oras habang ako ito nasa tent namin at nagngangata ng chichirya.
Nakatingin lang ako sa kanilang tatlo habang nagtatawanan nang may maalala ako na dapat kong tingnan ang mensahe ni Reiner na kanina ko pa inaabangan.
Pagtingin ko ng cellphone wala pa din ito message, "Baka busy pa".
Hindi ko inaasahan yung nangyari aksidente kong na click ang mukha ni Reiner at nakita ko ang larawan sa mga post. Natuwa ako sa mga larawan kung paano siya nakikipag-usap sa mga ibang lahi, mga narereceive niyang award, bigla lang ako napasimangot nang makita ang dalawang larawan, ang isang larawan na sinend sa akin ni Reiner na nakahawak si Bridget sa kanyang braso at ang isa naman ay larawan na magkasama silang kumakain na may magandang beach na background.
Pinikit ko ang aking mga mata saka pinanatili ang pagkakalmado ng sarili. Muli ako nag message kay Reiner
"uuwi kaba ngayon mhine? hindi ba sabi mo 3 days ka lang diyan?" message ko sa kaniya na ikinaiyak ko siguro sa halo halong emosyon na din.
"Sumagot ka naman mhine" muli kong mensahe sa kaniya
Hanggang sa napayuko nalang ako habang iniisip ang mga larawan at pumapasok sa isip ko na iniwan na ba ako ni Reiner.
"Umiiyak ka na naman?" wika ni Gray
"Wala ka na doon" pagtataray kong sagot sa kanya.
"Halika na mag start na ang event kesa ngumuwa ka nang ngumuwa diyan" pang-aasar sa akin ni Gray.
Umalis na si Gray kaya sumunod na ako sa kaniya at tinungo namin ang pwesto kung saan nagkukumpulan ang mga mag-aaral.
Nang marating ang lugar tahimik lang akong nakikinig sa announcement ng aming guro.
"Drinks" wika ni Gray sabay abot sa akin ng mineral water.
Natapos ang meeting at nagsimula ang event. Nakapila kami ngayon malapit sa isang malaking kweba na aming papasukin ayon sa aming adviser. May mga task ito na kailangan namin magawa at kapag natapos na ay maari na kaming makabalik.
Nasa unahan namin sila Chelsea at Tom nang sila na ang tinawag medyo kinabahan na ako. Hindi nagtagal ay tinawag na din ang aming pangalan kaya sabay kaming pumasok ni Gray sa loob ng kweba.
Tahimik lang akong naglalakad kasi wala ako sa mood dahil iba ang nasa isip ko wala iba kundi si Reiner at ang mga larawan saka ang hindi pag-update nito sa akin kung uuwi ba ito ngayong araw gaya ng kanyang ipinangako sa akin bago siya lumuwas ng bansa at ang higit sa lahat bakit kasama niya si Bridget.
Bumalik lang ang diwa ko ng hawakan ako ni Gray sa kamay
"Baka mawala ka, lutang ka pa naman na naglalakad" saad ni Gray.
Binawi ko ang kamay ko mula sa kanyang pagkakahawak
"Kaya ko maglakad ng hindi nangangailangan ng hawak mo" pagtataray kong muli.
"Edi wow" iiling iling na wika ni Gray.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad para hanapin ang unang task, ang mahanap ang statue na may bulaklak ng sampaguitang nakasabit sa leeg.
Tahimik kaming naglalakad ni Gray nang makaramdam ako ng panlalamig hindi ko alam kung saan galing ang hangin pero meron talaga kanina.
Napatingin ako kay Gray pero deretso lang sa daan ang tingin nito. Kahit gusto kong itanong sa kanya kung naramdaman din ba niya ang malamig na hangin kanina ay hindi na ako kumibo.
"Rumina" tawag nito sa akin.
"Bakit?" sagot ko
"Kung may galit ka sa akin pwede mo sabihin para alam ko. Ramdam ko naman sa pag-iwas mo sa akin kanina kaya gusto kong muli humingi nang sorry sa sayo" paliwanag ni Gray sakin.
"Kalimutan mo na" sagot ko
"Yung about kanina na may gusto akong sasabihin sa iyo na hindi ko natuloy"
Hindi na ako umimik hinintay ko nalang siyang magsalita muli.
"Rumina matagal na ako may lihim na pagtingin sa iyo. Alam kong mali kasi may asawa kana pero kung kailangan mo ng masasandalan andito lang ako kung hindi mo na kaya ang ginagawa ni Reiner sa iyo. Alam ko at ramdam ko na may gumugulo sa isip mo ngayon hindi ko na pakekealaman yun kasi ayokong isipin mo na bibigyan kita ng negative na payo para lang maghiwalay kayo at mapunta sa akin ang atensiyon mo. Pero ito lang lady Rumina lahat ng sitwasyon may reason bago bigyan ng masamang kahulugan ang mga nakita mabuting alamin muna at kung kailangan mo ng makakausap andito ako lady Rumina" mahabang paliwanag at payo ni Gray sa akin.
Hindi ako nakaimik nagpunas lang ako ng aking mga luha sa pisngi, hindi na din ako sumagot sa sinabi niya at minabuting baguhin ang pinag-uusapan namin.
"Tara na" aya ko kay Gray
Hindi pa kami nakakalayo nang makarinig ako ng isang boses ng babae na parang namimilipit sa sakit.
"Teka Gray naririnig mo ba 'yun?" bulong ko kay Gray.
"Ang alin?" takang tanong ni Gray.
Hindi na ako umimik at sinundan nalang ang boses kung saan nagmumula.
Narating namin ni Gray ang sulok na halos my maliit na pwesto na pwedeng tambayan nang tatlong tao rinig na rinig ko ang boses ng isang babae na pahina ng pahina na kung ikukumpara kanina ay animoy nasasaktan.
Pagsilip ko sa pwesto nakita ko si Chelsea at Tom, nakaibabaw si Tom kay Chelsea at parehas walang saplot pang ibaba at bumabayo kay Chelsea.
"Rumina andito ka lang pala ano nakita mo na yung sabi mong_____" hindi na natuloy ni Gray ang sasabihin nang takpan ko agad ang bibig nito.
"Halika na delikado dito" mahinang bulong ko kay Gray.
Tumango lang si Gray saka sumunod sa sinabi ko.
Nang makalayo na kami sa lugar ay tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig ni Gray. Naku Chelsea nabihag na nga agad ng lalaki bumigay pa agad agad.
"Ano ba nakita mo?" tanong ni Gray sa akin.
"Perlas ni Eva na sinisisid ni Adan" sagot ko at muli na me naglakad
Napakamot sa ulo si Gray "Perlas ni Eva na sinisisid ni Adan? wala naman ako nakitang sapa doon ah, uyy Rumina sandali"