CHAPTER 24

1303 Words
Narating namin ni Gray ang lugar na ubod ng dilim, tanging ang hawak naming flashlight ang nagsisilbing liwanag namin sa daan. Panay ang libot ng aking paningin nang maramdaman kong muli ang malamig na hangin. Hindi na ako nagdalawang isip pang itanong kay Gray kung naramdaman din ba niya ang naramdaman ko. "Gray naramdaman mo ba ang malamig na hangin?" tanong ko "Hindi, wala ako nararamdaman" sagot ni Gray. Isang puting imahe ang nakita ko sa unahan namin ni Gray. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ko pero sinundan ko ang puting imahe na nakita ko, pakiramdam ko kasi nakita ko na ang imahe na iyon hanggang sa napalayo na nga ako kay Gray nang hindi ko namamalayan. Masaklap pa doon wala akong flashlight kaya ang flashlight nang dala kong cellphone ang nagsilbing ilaw ko. "Gray!" sigaw ko habang naglalakad nagbabakasakaling sumagot si Gray. Hindi nagtagal nakarating ako sa lugar na wala nang iba pang madadaanan. Sa mga oras na ito medyo kinakabahan na ako kasi napalayo na nga ako kay Gray tapos ngayon ay tila naliligaw na ako. "Asaan naba ako?" napalingon ako sa paligid nagbabakasakaling may makitang daan. Napakunot ang kilay ko nang may makita akong istatwa na kulay puti pero halatang luma na at may nakasabit na sampaguita sa leeg nito. Napangiti ako sa saya at tila nawala ang takot dahil sa nakita, nilapitan ko ang istatwa at tiningnan saka ako umupo ng bahagya. Lakas loob kong kinausap ang istatwa. "Sa wakas nakita na kita, sana matulungan mo ko makalabas ng kweba kasi kung nakikita mo ngayon ang sitwasyon ko tila nawawala ako" wika ko sa istatwa. Kinuha ko ang phone para kuwaan ng larawan ang istatwa, matapos makuwaan, inilagay ko ito sa bag ko kasama ang isang sampaguita na kinuha ko sa istatwa. Napatigil ako nang maramdaman na naman ang malamig na hangin iniikot ko ang paningin ko sa aking harapan pero wala naman kakaiba. Dahan dahan akong tumayo saka lumingon sa aking likod, hindi ko alam ang mararamdaman ko nang makita ko ang isang pamilyar na imahe. Kahit naka side ito ng tayo kilalang kilala ko pa din, kasi ang imahe na nakita ko ay walang iba kundi ang aking ina na matagal nang namayapa dahil sa panloloob sa amin. Tumulo nalang bigla ang aking mga luha sa nakita kaya imbis na matakot ay kinausap ko pa ito. "Kaya ba ina nagaparamdam ka sa akin para ituro sa amin ni Gray ang tamang daan para makita ang istatwa na task sa amin?" tanong ko sa imahe habang nakangiti ako. "Ina salamat po, miss na miss ko na po kayo ni Ama mag-isa nalang po akong humaharap sa hamon ng buhay gamit ang katawan na ito, bali ina huwag na po kayo mag-alala sa akin ni Ama at nasa mabuti po akong kalagayan, medyo may problema lang po ako pero nakakaya ko naman po gabayan niyo po ako araw araw Ina" wika ko habang nagpupunas ng aking mga luhang dumadaloy sa aking pisngi. Tuluyan nang naglaho ang imahe nang matutukan ito ng liwanag nang flashlight ni Gray na ngayon ay patungo sa aking pwesto dahil hinahanap ako. Napayuko ako para maibiuhos ang lungkot na nararamdaman matapos kong makita ang aking ina. Gustong gusto ko ipaghiganti ang pagkawala nila ngunit anong henerasyon na? hindi ko nga din alam kung buhay pa ba ang taong pumatay sa magulang ko. "Rumina! asaan kana?" sigaw ni Gray habang maglalakad. Napahinto lang ito nang maaninag akong nakaupo bahagya at nakasubsob ang mukha sa mga tuhod. "Rumina?" takang wika ni Gray dahil hindi niya ako maaninag, "Rumina!" sigaw ni Gray nang masiguradong ako ang kanyang nakita. Tumakbo si Gray papunta sa akin. "Rumina salamat at okay ka, teka napaano ka? huwag kana umiyak safe kana, andito na ako" pagtatahan ni Gray sa akin. "Gray na__" napatigil ako sa pagsasalita nang maalala ko na hindi nga pala ako ang tunay na Rumina. "natakot kasi ako kanina salamat at nakita mo ko" pag-iiba ko. "Well andito na ako lets go?" aya ni Gray sa akin. "Oo nga pala Gray ito oh nakita ko na unang task" pagmamalaki ko. "Wow you did it!" sigaw ni Gray Sa sobrang tuwa nito napayakap pa nang mahigpit sa akin. Hindi naman nagtagal at bumitaw din ito nang pagkakayakap nang maalala ang dahilan nang away namin kanina. "Sorry again" wika ni Gray sa mahinang boses. "It's okay huwag ka mag-alala" sagot ko. "Ang tapang mo ah kahit wala kang kasama kanina nagawa mo pa ding mahanap ang istatwa" nakangiting wika ni Gray. "Ang totoo may nakita ako" wika ko sa mahinang boses. "Ano?" tanong bigla ni Gray "Kaluluwa nang isa sa malapit sa puso ko" wika ko nang hindi ko na napigilan ang muling pagtulo ng aking luha. Sobrang bigat, sobrang miss ko kasi si Ina at Ama at pagnanais mabigyan ang hustisya ang pagkamatay nila ngayon ko nabubuhos lahat isama pa ang problema ko ngayon kay Reiner. Hindi ito sumasagot man lang. Niyakap lang ako ni Gray at tinapik tapik ang aking likod, tahimik lang itong nakikiramdam tila dinadamayan ako sa pagdadalamhati. Matapos makuha ang task ay lumabas na kami ng kweba ni Gray. Napalingon pa ako sa paligid mukhang walang tao. "Gray tapos naba ang event? wala nang tao dito" tanong ko kay Gray. "Oo nga eh wala nang tao baka umuwi na sa meeting place, tara" aya ni Gray sa akin. Naglakad na kami ni Gray papuntang event hall. Nang makarating, may tila pagtitipong nagaganap. Agad ko narinig ang sinasabi ng lalaki na nasa malayo at nakatayo sa intablado. "Nakakalungkot isipin na walang nakakuha ng unang task kung kaya dadako na tayo sa ikalawang task" wika ng lalaki "Sandali po!" sigaw ko mula sa likod Naglingunan ang mga bisita sa pwesto namin ni Gray. "Nakuha po namin!" sigaw naman ni Gray. Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid namin at puro pagbati ang sinalubong nila sa amin. "Isang pagkakamali pala ang sinabi ko kanina dahil ngayon ay may bukod tanging mag-aaral ang nakakuha ng ating task, inaanyayahan ko kayong dalawa na umakyat sa ating intablado" wika ng lalaki. Umakyat kaming dalawa ni Gray. Biglang isang sigaw mula sa babae na nasa baba ang tumawag sa pangalan ko. "Lady Rumina ko yan!" wika ni Chelsea Napalingon ako sa katabi ni Chelsea at nakita ko si Tom na pumapalakpak. "Hoy Tom ikaw ah dapat soon pakasalanan mo ang kaibigan ko! yari ka sakin huwag na huwag mo yan iiwan masusuntok talaga kita!" sigaw ko mula sa taas. Napangiwi nalang ang labi ni Tom matapos marinig ang mga sinabi ko. "Lady Rumina naman!" sigaw ni Chelsea "Ikaw umayos ka ah!" wika ko habang dinuduro si Chelsea. "Tama na yan Rumina lakad na" wika ni Gray habang tinutulak ako ing dahan dahan. Tinanggap namin ni Gray ang award na napanalunan namin, ang pakiramdam ko ay masaya na nalulungkot. Masaya dahil sa award na napanalunan at malungkot dahil pahanggang ngayon ay walang sagot si Reiner. Nag-announce ang aming mga guro na oras na nang uwian kaya lahat ng mag-aaral ay magtungo sa kani kanilang bus. Habang nasa byahe napalingon ako sa taong humihilik ng mahina, nakatulog na pala si Gray, ako naman iniisip si Ina. Muling nanubig ang aking mata. "Ina kung makikita mo si Reiner sa mga susunod na araw sabihin mo naman po sa akin kung ano ang ginagawa niya kahit sa panaginip lang Ina" wika ko sa isip habang nakatingin sa aking cellphone.. Hanggang sa nakarating ako nang mansion pero wala pa din mensahe si Reiner at hindi pa ito umuuwi, gaya nang ipinangako niya na uuwi siya pero wala, hindi na din ako naghapunan dahil sa pagod sa byahe, naglinis lang ako nang katawan saka naghintay saglit ng oras kung magpapadala nang message si Reiner. 11:00 pm pero wala pa din message si Reiner hanggang sa nakatulog nalang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD