CHAPTER 25

1041 Words
REINER'S POV Mula nang lumuwas ako pangibang bansa naging abala ako sa lahat nang bagay. Hindi ko namamalayan na hindi na pala ako nakakapag message kay Rumina pero dahil alam ko din na abala ito kaya hindi ko na din masyado iniisip ang magpadala ng mensahe. Makalipas ang dalawang araw na pananatili dito sa ibang bansa ay hindi ko inaasahan na makikita ko si Bridget na may kalakihan na ang tiyan at mas lalong hindi ko inaasahan nang sabihin ni Bridget na nagdadalang tao siya at ako ang ama. Malaking tanong sakin kung paano nangyari na ako ang ama ng pinagbubuntis niya. Hanggang sa naalala ko na isang araw noong nasa hospital pa si Rumina at comatose pa nagising nalang ako na katabi ko si Bridget sa aking kwarto at parehas kaming walang saplot, pero wala ako matandaan na ginalaw ko siya at sabi nalang nito ay lasing ko at hindi ko daw talaga maaalala ang mga nangyari. Kaya ngayon na dapat ay pabalik na ako nang pinas ay naudlot dahil kasama ko ngayon si Bridget at inaalagaan kahit mabigat sa loob ko. Wala akong pagmamahal kay Bridget ang tanging inaalala ko lang ay ang bata. Madalas din ako nakakatanggap nang mensahe mula kay Rumina pero dahil ayoko pagmulan nang hindi namin pagkakaunawaan ni Bridget ay binabalewala ko nalang ito kahit masakit pero kailangan tanggapin. Gusto ko makausap si Rumina pero hindi ko alam kung paano sisimulan. At dahil ayoko mawala sa akin si Rumina mas pinili ko nalang na manirahan ito sa aking pamamahay at ipaliwanag sa kanya lahat pagkauwi ko ng pinas. "Reiner asaan ka!" sigaw ni Bridget Andito kami ngayon sa pamamahay ko sa USA at kasama ko sa pamamahay ko si Bridget. Gusto ko mapatunayan kung talaga bang anak ko ang batang dinadala nito sa kanyang sinapupunan at kapag napatunayan ko na niloloko ako ng babaeng ito hindi ako magdadalawang isip na ipakulong ito bahala na ang batas sa kanya. "Ano na naman ba problema mo?" inis kong tanong kay Bridget. "Andiyan ka lang pala, gusto ko sana nang gatas ipagtimpla mo ko nahilab kasi ang tiyan ko" reklamo ni Bridget. "Magtimpla ka mag-isa" utos ko kay Bridget "Sige paghindi mo ko pinagtimpla mamatay ang bata" pananakot ni Bridget "Ipagtitimpla mo na ba ako?" "Maghintay ka diyan" sagot ko Isa pa sa kinaiinis ko ay ang pananakot nito sa anak ko na papatayin niya kapag nahuli niyang kausap ko si Rumina kaya wala ako magawa. Isang linggo na ang nakalipas at hindi pa din ako nakakauwi nang Pilipinas. Hindi ko pa din napapadalhan ng mensahe si Rumina siguro sa mga oras na ito ay nag-aalala siya o kaya naman ay galit na galit na ito. Nahihiya ako sa sitwasyon ko ngayon feeling ko isang pagtataksil ang nagawa ko kay Rumina kaya hindi ko ito magawang kausapin. Isang pagtataksil na hindi ko alam na nagawa ko pala. Isa lang ang tumutulak sa akin ngayon, iyon ay ang ipa DNA test ang bata pagkalabas nito. Buo ang aking loob sa desisyon ngunit ang kinakatakot ko baka kung maghihintay pa ako sa paglabas ng bata ay wala na din ako uuwian dahil baka iniwan na ako ni Rumina. Hindi malabo mangyari kasi hindi ako nagpaparamdam sa kanya, hindi din ako tumupad sa pangakong uuwi ako pagkatapos ng tatlong araw. Ano ang gagawin ko? ihahanda ko nalang ang sarili sa mga pwedeng mangyari. Kumuha ako nang secret agent na mag-iimbistiga kay Bridget dahil hindi talaga ako kontento sa sinabi nito. Kilala ko si Bridget na isang sinungaling na babae, pero parang seryoso kasi ito sa sinabi kaya nagpatawag ako ng isang secret agent para matyagan ang bawat kilos niya. Matapos akong magtimpla ng gatas. "Bridget ito na ang gatas mo iwan ko na sa sala aalis na ako!" sigaw ko mula sa baba dahil hindi na ako nag abala pang ihatid ang gatas sa kanya. Ipinangako ko din sa sarili ko na hiwalay kami ng kwarto kung matutulog dahil ayoko pagdating ng araw may ma ireason sya na magkatabi kaming natutulog kaya nabuntis ko siya. Kung tuso siya mas tuso ako sa kanya. "Hey Reiner ganito mo ba tratuhin ang asawa mo!" sigaw ni Bridget mula sa pinto ng bahay. Hindi ko na nilingon si Bridget pumasok na ako agad sa kotse saka agad pinaandar ito. Kung maka asawa siya akala mo talaga asawa ko. Nakakasama agad ng araw hanggang kailan kaya magiging masama ang araw ko sa piling ng babaeng ito. Habang nasa byahe naisipan kong tawagan si Rumina para kamustahin. Pero makita ko lamang ang pangalan nito pinanghihinaan na ako ng loob. Tatawag nalang siguro ako kapag magkaroon na ako ng lakas ng loob at sabihin ang mga nangyari dito sa USA. Pagdating sa company dali dali akong umakyat sakay ng elevator papuntang opisina dahil mayroon akong importanteng tawag na naghihintay sa akin. Nang makarating sinalubong ako agad ng aking secretary si Nicole. "Coffee please" wika ko pagdaan ko sa table niya. "Masusunod po master" sagot ni Nicole. "Gilbert pakitawagan ang aking ama sabihin mo may business meeting ako ngayon kaya baka mayang hapon na ako makatawag sa kanya." utos ko kay Gilbert "Masusunod po master" nakayukong wika ni Gilbert. Dali dali akong naupo sa aking table at agad binuksan ang aking social media account para makausap ang importanteng tao ang pinakamalaking may-ari ng suplayan ng alak sa bansa. "Hello sir Chou sorry I'm late, so what's for today?" bungad kong bati. "Master ito na po ang inyong coffee" wika ni Nicole sa mahinang boses. Tumango lang ako kay Nicole sabay baling muli ng tingin sa kausap. Nagtuloy tuloy ang aming pag-uusap habang tuloy tuloy din ang pagring ng phone ko dahil natawag si Rumina sa social account ko. Hindi ko ito naririnig dahil naka silent mode ang phone at naka mute ang chat box. Ganito ginagawa ko dahil marami akong kausap na mga investors at malalaking business man. Tumagal ang aming pag-uusap ni Mr. Chou na nagkaroon nang magandang resulta. Nang mapasilip ako sa phone ko binaliwala ko muna ang mensahe at tawag ni Rumina. Kahit masakit kailangan ko muna iiwas ang sarili ko at kumalma sa mga nangyayari. Darating ang araw na magtatapat ako sayo Rumina at sana matanggap mo ang paliwanang ko. End of Reiner's Pov
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD