CHAPTER 26

2101 Words
Makalipas ang isang buwan Paggising ko napabalikwas ako nang bangon nang makita kong umilaw ang phone ko dahil ang ilaw nito na tumama sa mata ko ang nagpagising sa akin "Reiner" bigkas ko sa mahinang boses Pagtingin ko sa phone ay alarm lang pala ito na ngayon ang aming research grouping. "Hays, bakit kaya hindi nagtetext si Reiner? isang buwan na ang nakalipas" tanong ko sa sarili habang nakatingin sa kisame ng aming kwarto. Bumangon na ako para makapaghanda nang maaga at makapasok sa paaralan. Sa mga nagdaang araw na hindi nagtetext si Reiner hindi na din ako masyado nakakakain kakaisip kung ano na ang ginagawa niya. Kahit si Jeremiah ay madalas ko din tanungin pero hindi din ito tumatawag sa kanya. Minsan naisip ko puntahan na sa company pero syempre kailangan magtiwala kay Reiner. "Lady Rumina almusal na po tayo nakahanda na" wika ni Chelsea sa akin "Ikaw nalang kumain hindi kasi ako nagugutom" sagot ko na nagpakunot sa kilay ni Chelsea. "Aba lady Rumina hindi kana ata kumakain ah? buhay ka paba?" pang aasar sa akin ni Chelsea. "Malamang nakakausap mo pa ako hindi ba?" wika ko sabay ngiti sa kaibigan. "May balita ka naba kay master?" "Wala pa din wala din siyang message kahit isa man lang, marami na akong tanong sa kanya pero ni isa wala siyang sinagot" wika ko na may lungkot sa aking mukha. "Huwag ka mag-alala lady Rumina sasagot din po iyon, ang mabuti pa mag focus ka nalang po muna sa pag-aaral" "Mabuti pa nga Chelsea" malungkot kong sagot. Umalis na kami ni Chelsea nang mansyon at gaya ng nakaugalian si Jeremiah ang aming driver. Pagsakay sa kotse. "Jeremiah wala pa din bang message si Reiner sa iyo?" tanong ko kay Jeremiah "Wala pa din lady Rumina, kapag ka nag message naman lady Rumina sasabihan kita agad" pagpapalakas ng loob sa akin ni Jeremiah. Tumango lang ako kay Jeremiah saka muling binaling ang tingin sa bintana ng sasakyan. Nagkatinginan naman ang dalawa si Jeremiah at Chelsea. "Ano na kaya ang ginagawa ni Reiner" wika ko sa isip. Tumunog ang cellphone ko at nagnotification ang post na bago ni Reiner. Agad ko tiningnan ang post ni Reiner sa social media. Ang hindi ko maintindihan bakit updated ito sa social media bakit sa akin hindi. Nang buksan ko ang notification mga larawan ito ng lugar, kumakain nag chicheers sa wine at nagkakasiyahan nagscroll ako nang mga larawang nakapost nakita ko si Bridget na kasama muli si Reiner magkatabi sila na tila nakikibonding din sa mga negosyanteng kasama ni Reiner. May isang bagay lang ang natutukan ng mata ko ang tiyan ni Bridget medyo tumaba ata to kasi nagkakaroon nang bilbil hindi naman kalakihan pero may kuha siya na medyo nagkaroon siya ng tiyan. Hindi na ako nagsalita pa agad kong isinave sa phone ko ang mga larawang inaupload ni Reiner. Habang nagsesave ako medyo kinakabahan din kasi may kutob akong buntis ito pero huwag naman sana. Nakarating kami ni Chelsea nang paaralan. Nadatnan namin si Gray na nakatayo na sa gate kasama si Tom. Nang makarating sa entrance gate bumaba na din kami ni Chelsea. "Salamat Jeremiah sabihan mo ako kapag may mensahe na sayo si Reiner" utos ko kay Jeremiah "Opo lady Rumina masusunod" sagot ni Jeremiah Agad na kaming nagtungo sa loob para makarating ng silid aralan. Samantalaga gumilid saglit si Jeremiah ng sasakyan saka inalabas ang cellphone at may itinipang numero. Nang masagot ng kabilang linya. "Hello master ano na po ba nangyayari bakit hindi pa po kayo nauwi ng Pilipinas?" tanong ni Jeremiah sa kausap. "Pauwi na sana ako Jeremiah matagal na pero ngayon nagdadalawang isip ako humarap kay Rumina" paliwanag ni Reiner. "Bakit naman po master?" "Buntis si Bridget at ako ang tinuturong ama, hindi ko alam paano ipapaliwanag" Nagulat si Jeremiah sa sinabi ni Reiner kaya nainis ito, sa kabilang banda naman ay naaawa para kay Rumina kasi naghihintay ito sa pag-uwi ng asawa, pero dahil sa isa lang siyang namamasukan sa mansiyon kahit gusto niya magalit ay wala siyang magagawa. "Master huwag po kayo panghinaan ng loob maaaring nagsisinungaling na naman po si Bridget, lalabas po ang katotohanan" pagpapalakas ng loob ni Jeremiah "Ikaw muna bahala kay Rumina paki bantayan uuwi ako kapag naayos ko na ang gusot ko dito, paalam na work mode na ako" wika ni Reiner Ramdam ni Jeremiah ang kalungkutan sa amo kaya gusto niya itong tulungan. "Hayaan mo master Reiner tutulungan kita" wika ni Jeremiah sa isip. Saka pinaandar muli ang sasakyan. Sa paaralan Nakasubsob lang ako sa banko ko at maya't mayang tingin sa phone. Nakakarinig ako ng mga bulungan mula sa mga kaklase kong babae at napapalingon nga sila minsan sa side ko. "Nakakaawa may iba atang babae ang asawa" wika ng isang babae "Nakita mo din ang post?" wika ng kausap "Oo girl nakita ko, alam kaya niya?" "I don't know, pero huwag na tayo makialam pa" sabay alis ng dalawa sa silid aralan. Muli akong tumingin sa phone ko at tinitingnan ang mga larawan na kinuha ko sa social account niya. "Kailan ka uuwi?" tanong ko sa isip. "Lady Rumina" tawag sa akin ni Chelsea Napalingon ako kay Chelsea kasama nito si Tom at sa kabilang side ko naman ay si Gray. "Bakit kayo nakatingin sa akin?" pagtataka kong tanong "Eh kasi_" udlot na wika ni Chelsea "Kanina kapa kasi hindi mapakali sa cellphone mo" saad ni Gray. Ngumiti lang ako sa kanila para masabing okay lang ako pero sa loob ko talagang nasasaktan na ako. "Tara labas tayo wala naman tayo prof eh bakit hindi tayo lumabas para magpahangin?" aya ko sa tatlo. "Okay mabuti pa nga" saad ni Gray "Baka pwede kami ni Tom?" wika ni Chelsea "Tara, pwede naman" aya ko. Paglabas naming apat sa silid aralan, pinagtitinginan kaming apat sa hallway. "Bakit kaya nagtitinginan sila sa atin?" pagtatakang wika ni Chelsea. "Rumina may idea kaba? sayo lahat kasi nakatingin" tanong sa akin ni Tom "Ano ba kayo hindi na kayo nasanay si lady Rumina kasi ang asawa ng sikat na CEO kaya hindi nakakapagtaka na pagtitinginan siya." wika ni Gray "Asawa ng sikat na CEO?" pagtatakang wika ni Tom. "Oo baby asawa siya ni master Reiner" paliwanag ni Chelsea. "Oh may asawa na pala siya?" gulat na wika ni Tom. "Ang dami mong tanong" asar na saad ni Chelsea Nagderetso lang kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang park nang paaralan maraming nakatambay dito na mga mag-aaral siguro dahil sa abala ang mga guro kaya may kanya kanyang aktibidad ang mga mag-aaral para makapaglibang. Pagkaupo naming apat sa damuhan "Grabe sarap ng hangin" sigaw ni Tom sabay higa sa damuhan. Napahiga na din si Gray sa damuhan para makapagrelax. Humiga din si Chelsea para irelax din ang sarili habang ako ay nanatiling nakaupo at nakatingin sa malayo. Hinila ni Gray ang blouse ko kaya nakapahiga na din ako saka niya ako niyakap. "Hooyyy Gray umayos ka nga!" sigaw ko habang pilit inaangat ang braso nito. "Hahahaha loko tong si Gray" wika ni Chelsea habang tuwang tuwa sa amin. "Hoy hoy baka may mamuo sa dalawa haha" pang-aasar ni Tom. "Pwede ba umayos ka Gray sabihin cheater ako kapag may makakita sa atin!" galit kong wika habang nakatingin ng deretso sa mga mata ni Gray "Bakit ang asawa mo hindi ba nagchicheat sayo? masyado ka naman atang martir" seryosong wika ni Gray sa akin sa mahinang boses tama lang na ako ang nakakarinig. Natigilan ako sa sinabi ni Gray wala sa isip ko na niloloko ako ni Reiner pero base sa mga larawang nakita ko parang may katotohanan nga, wala din ito message sa akin mula pa nang umalis ito ng bansa. Hindi ko na maintindihan ngayon ang nararamdaman ko naghalo na lahat ng emosyon ko. Bigla ako nanghina matapos ko pagsama samahin ang mga nasa social media ni Reiner at ang mga sinabi ni Gray sa akin. Tinulak ko palayo ang braso ni Gray saka ako umupo bigla sa hindi malamang dahilan. "Uyy galit kana?" pang-aasar ni Gray sa akin. Hindi ko kinibo si Gray nanatili akong galit habang nakayuko. "Ehem Tom lets go mauna na tayo sa silid-aralan mukhang may sasabog sa galit dito." wika ni Chelsea habang unti unting tumatayo mula sa pagkakaupo. "Ahh teka huwag mo ko hilahin" reklamo naman ni Tom. Sumenyas lang si Gray nang kamay na sige mauna na ang dalawa, kaya naiwan kami ni Gray. "Alam mo Rumina hindi kita inaasar oh sinasabi ito para sa akin mapunta ang atensiyon mo, sinasabi ko ito para maging handa ka." wika ni Gray sabay labas sa cellphone at nagbukas nang social media account. "Look, nakikita ko itong post na ito, for sure nakita mo na ito. Iyan din ang dahilan kung bakit ka pinagtitinginan ng mga mag-aaral dito at nakakarinig ka ng mga rumors sa paligid mo. Maganda ang attitude na pinakita mo kasi hindi mo sila kailangang pansinin. Rumina kahit hindi mo sabihin sa akin alam kong nasasaktan ka at ramdam ko iyon kanina pang umaga kaya hindi mo maitatago sa akin." wika ni Gray "Iwan mo muna ako Gray gusto ko mapag-isa" galit kong utos kay Gray. "Rumina" "Iwan mo muna ako sabi!" Malungkot ang mukha ni Gray nang iwan niya ako sa park. Halos buong araw ako sa park kahit may ilang subject kaming dapat pasukan pero ako nanatiling nasa park nakaupo at panay punas sa luhang nangingilid paminsan habang nakatingin sa cellphone ko at nagtitipa ng mensaheng ipapadala ko sana kay Reiner pero maya't mayang pagdedelete naman matapos makapagtipa ng salita. Samantala sa silid-aralan Nakatingin lang si Gray sa akin mula sa bintana nang silid-aralan "Okay lang kaya si lady Rumina?" tanong ni Chelsea kay Gray "Siya lang makakapagsabi kung okay na siya Chelsea" sagot ni Gray. Malungkot ang mukha ng dalawa habang nakatingin sa akin. Dumating ang uwian sabay sabay ang tatlong tumungo ng park para sunduin ako. "Uyyy girl uwian na tama na emote uwi na tayo!" sigaw ni Chelsea habang patakbong nalapit sa aking pwesto. Nang makalapit ay umupo ito sa harapan ko ng bahagyang pwestong upo. "Lady Rumina okay ka lang?" may pag-aalalang pagtatanong ni Chelsea. "Uwian na?" tanong ko. Napahinto si Chelsea nang makita ang aking mukha. "Maghapon ka bang naiyak?" lakas loob niyang tanong sa akin. "Hindi ah" pagsisinungaling ko. "Hindi ka makakapagsinungaling sa akin ang pula ng mata at ilong mo tara usap tayo sa mansiyon" galit na aya sa akin ni Chelsea. Hinila na ako ni Chelsea patungong parking lot kung saan naghihintay si Jeremiah para sunduin kami. Habang si Tom at Gray naman ay napapailing sa amin. Nang makarating sa parking lot. Agad ako pinasakay ni Chelsea sa loob ng kotse saka nagpaalam ito kay Tom at Gray. "Mauna na kami" paalam ni Chelsea "Ingat kayo" wika ng dalawa. Pagkasakay ni Chelsea sa front seat ay nakacross arms ito. Nakatingin lang si Jeremiah kay Chelsea na may pagtataka sa mukha. "Tara na po umuwi na tayo" utos ni Chelsea kay Jeremiah. Tumingin si Jeremiah sa pwesto ko at nang mapansing nakayuko lang ako ay umiling lang ito saka pinatakbo ang sasakyan. Pagdating sa mansiyon. "Lady Rumina nakahanda na po ang meryenda" salubong ng isang katulong sa amin ni Chelsea. "Tara lady Rumina kain tayo" aya ni Chelsea. Hindi ko pinansin si Chelsea dumeretso ako sa hagdan para pumanhik pataas at magtungo sa kwarto. Pagdating sa kwarto agad akong naglinis ng katawan ko, nagbabad ako sa bathtub habang iniisip ang sinabi ni Gray. 7:00 pm Nagkasalubong si Jeremiah at Chelsea sa sala. "Uy uy Chelsea" tawag ni Jeremiah "Yes Jeremiah" sagot ni Chelsea "Abat napakawalang galang mo na ngayon at Jeremiah nalang ang tinatawag mo sa akin!" galit na sermon ni Jeremiah "Ikaw naman hindi ka naman mabiro, sorry na butler Jeremiah" paghingi ng sorry ni Chelsea habang nakadikit pa ang mga palad nito. "Ano ba nangyari kanina?" "Eh kasi hindi siya nakapasok kanina maghapon tumambay lang sa park at nag-iiyak" "Nakakaawa talaga si Rumina kasalanan talaga ito ni master Reiner" "Butler Jeremiah may nalalaman kaba?" "Ano kasi" sumenyas si Jeremiah kay Chelsea na lumapit para mabulungan siya nito. "Ano?!" napasigaw nalang si Chelsea sa pagkagulat na agad naman tinakpan ni Jeremiah ang bibig nito. "Ssshhh! huwag kang sumigaw" "Bakit naman ganun" naiiyak na wika ni Chelsea "Hindi ko alam kahit ako naiinis sa nangyari gusto ko nga gumawa ng aksiyon para makatulong sa mag-asawa" "Gusto ko din tumulong pero ano naman magagawa natin butler Jeremiah?" "Hindi ko din alam" Malungkot na wika ni Jeremiah kaya nalungkot na din si Chelsea dahil kahit gustuhin nito matulungan ang kaibigan ay wala ito magawa kundi maghintay sa mga mangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD