“What about this design, hija. I think mas bagay ito sa iyo.” Mabining tinanggap ni Amara ang catalog ng wedding gown design na gawa mismo ng isa sa mga kilalang fashion designer ng bansa. Nais ni Amara na simpleng gown lamang ang kanyang isusuot sa kanilang kasal, but Zach insisted na magpapagawa sila ng sarili niyang traje de boda, he want's their wedding so special. At sinang-ayonan naman din ito ni Donya Felimina. Kaya wala na siyang say sa desisyon nito. Alam din naman niya na nais lang nito na mabigyan ang kanyang apo ng best wedding. Ipinakita niya iyon kay Zach para hingin ang approval nito. Ngunit matamis na ngiti lang ang ibinigay sa kanya sabay hapit sa kanyang baywang. “Kahit ano'ng mapipili mo, Sweety. I'm pretty sure na lahat sila babagay sa'yo. My soon to be Mrs. Monterd

