Kanina pa naghihintay si Zach sa venue ng kanilang pren-up photo shot. Nauna na siyang dumating dito dahil may kailangan pa siyang ayusin. Hindi naman siya nangangamba tungkol sa sinasabi sa kanya ni Japeth dahil may driver at body guard siyang magcharge kay Amara. Galing ito sa security agency ng kanyang pinsan kaya nakakasigurado siyabg well trained ang nakuha niyang body guard para protektahan ang kanyang mag-ina. “Sir, hindi pa ba dumating si Ma’am?” tila nawalan na ng pasensiyang tanong ulit ng kanilang photographer. Kapansin-pansin ang pagkainisp nito dahil sa pabalik-balik itong sumilip sa relong pambisig na suot. Mga ilang oras na rin kasi itong naghihintay, kita na rin ang inis sa mukha nito. Alas diyes ng umaga mag-uumpisa ang kanilang pren up pero mag-aalas dose na hindi pa rin

