“Miss, nandito na po tayo.” Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Ngunit kaagad din siyang napaayos ng upo nang nabungaran niyang ang mukha ng kondoktor. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa biyahi. Mabilis niyang ikinabit sa kanyang likuran ang kanyang bag at nagmamadali ng lumabas. Pagkatapos ng mahabang biyahi ng bus kailangan pa niyang sumakay ng bangkang de motor para makarating sa Isla ng Bantayan. Umarkila na siya na maghahatid sa kanya hindi dapat siya matagalan dito dahil baka mamaya nakarating na ang mga tauhan ni Zach. Ilang minuto lang ang itinakbo ng sinasakyan niyang bangka nakarating kaagad siya sa Isla. Balewala kung mabasa man siya ng dagat tinakbo na niya ang kanyang anak na naghihintay na pala sa kanya kasama nito ang kanyang lola Olivia. “Mommy!” ma

