CHAPTER 19 “What the f**k!” galit na asik ni Zach sa kung sino man ang sumuntok sa kanya. Hindi niya nakita ang pagmumukha sa kung sino man ang sumuntok sa kanya dahil bigla na lamang itong sumulpot kung saan. Pinahid niya gamit ang kanyang braso ang dugo galing sa kanyang pumutok na labi at pagkatapos bumangon mula sa pagkabulagta. "Baby, are you okay?” rinig niyang tanong ng lalaki kay Amara. Hindi pa rin makita ni Zach ang mukha nito dahil nakatalikod na ito sa kanya. Namumula ang kanyang buong mukha pati na ang tainga dahil namumuong galit niya sa lalaki na inaakala niyang asawa ni Amara. Wala siyang pakialam kung sino ang mas may karapatan sa kanila dahil para sa kanya unang naging kanya ang dalaga. “Asshole! How dare you to touch my Amara!” galit niyang saad sabay hila sa suot na

