Napakunotnoo si Perry nang marinig ang tunog ng cellphone. Sandali siyang nagtakip ng unan sa ulo pero parang walang balak iyong huminto.
Bwisit niyang itinaas ang unan at mukha. Hirap niyang minulat ang mga mata. Sa side table, katabi ng cellphone niya ang kanyang alarm clock kaya doon niya nakita kung anong oras na.
Saktong ala-una ng umaga.
Kinuha niya ang cellphone at tinapat sa teng pagkatapos ay muling sumubsob sa unana.
"Hindi mo na birthday kaya hindi na kita mapagbibigyan," naitaas niya ang mukha at nag-arko ang mga kilay.
"Perry, Perry, Perry," mabilis siyang bumangon nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.
Umupo siya sa kama habang hindi maipaliwanag ang mukha.
"Ikaw na baliw na babae ka."
Narinig niya ang pagtawa ng nasa kabilang linya. "Paano mo nalaman ang contact number ko?"
"Perry, alam ko ang lahat sa iyo. Edad, weight, height, occupation, blood type-"
"Stalker ka-"
"Mali, ang tawag sa akin, asawa mo."
Gigil na gigil niyang hawak ang cellphone. Pakiramdam niya ay umaakyat ang dugo sa ulo niya.
"Alam mo, Miss. Kung nang ti-trip ka, huwag mo akong idamay. Tama na, sinira mo ang birthday ko sa ampunan."
"Wala akong sinisira, Perry. I just wanna be part of your celebration, ganoon ang mag-asawa-"
"Hindi ka pa tumigil sa mga sinasabi mo, idedemanda na kita," pigil ang sigaw niya habang kulang na lang ay madurog sa kamay niua ang cellphone. Habang ang kausap naman ay kaswal, magaan ang boses na tila nang aakit ka pa.
"Tigilan mo na ko-"
"Kuya!" napalinga agad si Perry sa pinto nang marinig ang tawag ng kapatid. Siguradong hindi iyon mula sa kwarto nito na malapit sa silid niya.
Kung 'di sa ibaba ng bahay.
Mabilis siyang lumabas ng kwarto, nagmamadaling bumaba ng hagdan. At nang makarating ng sala ay napakurap siya.
"Anak."
"Kuya."
Naroon sina Rose at Cali sa sofa. Sa paligid nito ay may halos lampas sa limang mga lalake. Kumunotnoo siya at pinagkatitigan ang pamilyar na uniporme ng mga ito.
Nang maalala niya ang babaeng ginulo ang birthday party niya sa ampunan ay doon niya napagtanto kung saan niya nakita ang suot ng mga lalake.
Nanginginig ang laman niya sa galit nang itapat muli ang hawak na cellphone.
"Sino ka ba, ha?!"
"Bakit pati ang bahay ko, pinapasok mo?"
"Relax, hindi mo dapat sinisigawan ang mapapangasawa mo," hinihingal sa galit niyang nilinga ang ina at kapatid na magkahawak ang kamay habang bakas ang takot.
"And don't worry be happy, hindi naman nila sasaktan ang mother-in-law at sister-in-law ko. Nandyan lang sila para sunduin ka."
"Baliw ka-"
"Oo, sa iyo."
Mariin ang naging pikit ni Perry. Anumang oras pakiramdam niya ay taas ang dugo niya sa kausap na babae na hindi niya alam kung saan galing.
"Paalisin mo sila," mahinaho niyang utos.
"Aalis sila kung kasama ka."
"Hoy, baliw!" sikip ang boses niya sa loob ng bahay na ikinaigtad ng ina at kapatid. Tinalikuran niya ang mga ito at nagtungo sa isang sulok kung saan naroon ang binata na tanaw ang labas ng bahay nila.
"Tumigil ka na."
"Perry, hindi ako titigil hangga't hindi kita nakukuha. It's 1:30 am, 30 minutes ka nang paulit-ulit na salitang baliw. Hinihintay kita rito sa bahay ko, umuwi ka at pag-usapan natin ang kasal."
Mas lumalim ang linya ng noo ni Perry nang mawala ang kausap sa kabilang linya. Pinagkadikit niya ang cellphone sa tenga.
"Hello?"
"Hello?!"
Nang ibaba ang cellphone ay kulang na lang ibato niya. Napahawak siya kung sana habang umaahon ang dibdib dahil sa sobra-sobrang galit.
"Anak."
Nilinga ni Perry si Rose, ganoon na rin si Cally. Lumapit siya sa mga ito at sandali pang sinulyapan ang mga lalakeng nasa paligid nito.
"Anak, ano bang nangyayari?"
Umupo siya sa mesa at hinawakan ang kamay ng mga ito pagkatapos ay pinagkatitigan.
"Huwag kayong mag-aalala. Walang mangyayari sa inyo."
"Sino ba sila?"
"Sinong kausap mo sa cellphone, Kuya?" Nilimga niya si Cali.
Umiling-iling lang siya. "Bumalik na kayo sa kwarto niyo," inalalayan niya ang mga ito na tumindig pagkaraan ay hinarap ang mga lalake.
"Lumabas na kayo," aniya at hinatid ang ina at kapatid sa itaas.
Sa kwarto naman niya ay seryoso siyang nagpalit ng damit, hinablot ang susi at lumabas ng kwarto.
Sa labas ng bahay ay bumagal ang lakad niya nang makitang hinihintay siya ng mga lalake. Ganoon na rin ng nakabukas na van.
"Sir, dito po tayo-"
"Hindi ako sasakay riyan. May sasakyan ako," dire-diretso siyang nagtungo sa sariling pick-up truck.
Kasalukuyang siyang nasa kalsada at sinundan ang isang van. Ganoon na rin ang dalawang kotse na dadalhin siya sa pamamahay ng baliw na babaeng kausap niya.
Inapakan niya nang mariin ang silinyador at hinawakan nang mahigpit ang manibela.
Gustong-gusto niya nang paliparin ang sinasakyan para nakaharap ulit ang babaeng iyon at masampal ng katotohahan.
Na hinding-hindi siya magpapakasal dito kahit kailan!
May isang oras din ang layo niyon bago bumagal ang takbo ng sasakyan niya.
Napakurap siya nang makita kung saan sila palapit.
Ang kilalang Sovereign District.
Tirahan ng mga taong nasa rurok ng tagumpay at kapangyarihan sa buong bansa. Kilala ito bilang "Fortress of the Elites" dahil sa higpit ng seguridad at sa bigat ng mga pangalang nakatira sa loob nito.
Tuluyan siyang nakapasok sa tila lugar ng mga makapangyarihang mga tao.
Tumawid si Perry sa Silverstone Bridge, isang suspensyon na tulay na may malalaking kable at puting ilaw.
Pagbaba ng tulay, bubungad ang Emerald Avenue—isang malapad na kalsada na napapaligiran ng mga matatayog na glass skyscrapers na tila mga kristal sa gabi.
Sandali pang sinilip ng binata ang mga dambuhalang tower na tirahan ng mga ito.
Napakatahimik.
Walang katao-tao sa labas.
Malinis.
Parang pina-sosyal na ghost town.
Nilinis ni Perry ang lalamunan ay naayos ang pagkakaupo habang hawak ng isang kamay ang manibela.
Para siyang yagit na naligaw sa marangyang paligid.
Hanggang sa tuluyan nang huminto ang mga sasakyang sinusundan niya. Huminto siya sa di-kalayuan at nang bumababa ay hindi sa daraanan ang tingin niya.
Kung di sa pinakamalaking tower sa lahat ng nakita niya.
Halos hindi niya tanaw ang tuktok niyon. At literal itong kumkikinang dahil sa mga ilaw.
Napatingin siya sa lumapit.
"Hinihintay na po kayo sa loob," aniya ng gwardiya.
Sa pagkatataon na ito ay hindi siya makahakbang, napagtanto niyang hindi ordinaryong babae ang tinatawag niyang baliw.