KABANATA 5: PERRY'S GIRLFRIEND

1045 Words
Nahigit ni Perry ang hininga nang palibutan ng mga gwardiya nang maglakad siya. Siya ang nasa gitna na tila ba bihag ng mga ito at dinadala sa lugar kung saan siya pahihirapan. Gayumpaman, pinuno niya ng hangin sa dibdib. Hindi siya dapat panghinaan ng loob. Oo, alikabok lang ang katayuan niya sa buhay kumpara sa lahat ng mga ito. Hindi niya kailangan ipakita iyon. Huminto sila sa isang malaki at dambuhalang pinto. Wala iyong doorknob. Napatingin siya nang ituro ng isang gwardiya ang isang gilid, kulay asul ang ilaw. Siguradong siyang isa iyong biometric eye scanner. Lumapit naman siya at nang mailawan ang mata ay nagbukas awtomatiko ang malaking pinto. Tinuro ng gwardiya ang daan. "Pasok na ho tayo, Sir." Tumikhim siya at humakbang. Bumungad sa kanya ang hindi sala, kung 'di parang isang front desk ng hotel. Naroon ang dalawang tauhan na babae na may suot na uniporme. Nalunok niya ang laway at naglakad. Huminto siya sa tapat ng elevator. Nang magbukas iyon ay doon niya naramdaman ang mabilis na t***k ng puso. Mag-isa na lang siyang pumasok. Hindi niya inaalis ng tingin ang gwardiya hanggang sa magsarado ang pinto. Nang mawala na ito sa paningin niya ay sinapo niya ang dibdib habang hinihingal sa kaba. Hanggang sa mapatingin siya sa paligid. Ang loob ng elevator ay gawa sa matte black steel at may malambot na carpet. Walang ingay habang umaakyat, tanging ang nararamdamang presyon sa tenga ni Perry ang magsasabing nasa napakataas na palapag na siya. May ilang minuto bago nagbukas iyon. Nang ihakbang ni Perry ang paa ay naroon ang babasaging hallway. Tahimik na tahimik. Parang walang nakatira. Mabango, amoy-mayaman, literal. "Nasaan kaya ang dito ang baliw na babaeng 'yon?" Kausap niya sa sarili para pagaanin ang nararamdaman. Sinimulan niyang maglakad. May kusa ang mga paa niya na magtungo kung saan. Dineretso lang niya ang hallway, hanggang sa makarating siya sa tila sala dahil may malaking kulay abong sofa roon. May ilang libro sa isang mesa kaharap ang glasswall kung saan tanaw nito ang buong distrito. May narinig siyang ingay kung saan kayo ang direksyon na iyon ang tinungo niya. Umakyat siya sa elevated walkway. Napahinto siya nang makita ang isang mahabang dining area. May kandila sa gitna. Umakyat ang tingin niya at naroon ang nakaupong babae. Ngumiti at tinaas ang hawak na baso ng wine "You made it, Perry." Pinanood niya kung paano nito tunggain ang alak at lagukin. "Welcome to my humble home. Have a seat." Napangisi siya at napatingin sa paligid. "Humble?" Mahina niyang ulit. Napatingin si Perry nang may lumapit sa silya sa dining table, pinaghila siya ng silya ay nakayukong umatras. Nang makaalis ito ay may isang pang dumating, inilagay ang basong manipis at nagsalin ng alak. "Umupo ka na," utos ng babae sa kanya. Napilitan siyang okupahan ang silya. Sinalubong niya ang tingin ng babaeng hindi naalis ang ngiti sa labi. "Have some wine-" "Wala ako rito para makipag-tagayan sa iyo," seryosong awat ni Perry habang nakikipagtitigan dito. "Tigilan." "Mo." "Na." "Ako," may banta ang bawat bigkas niya habang sigurado ang matang nakatitig sa babae. Pero imbes na matakot ito ay maarte nitong pinatong ang parehong braso sa ibabaw ng babasaging mesa. "A." "Yo." "Ko." Hinampas ni Perry ang mesa na kahit babasagin ay ni hindi gumalaw. Kasabay nang pagkulo ng dugo ay ang pagdidilim ng paningin niya. Ngumiti nang balewala sa kanya ang babae. Kinuha ang baso, agad na may lumapit na kasambahay dito at nagsalin. "Ayokong tigilan kita." "Bakit?" tanging nasabi niya dahil hindi niya alam kung anong rason nito at bakit siya ginugulo. Tumungga ang wine ang babae pagkaraan ay tinuro siya. "Cause I like you." "So much," pahabol nito. "Hindi kita gusto," pailing-iling niya at prangkang tugon. "Walang problema. Magugustuhan mo rin ako-" "May problema, dahil hindi mangyayari 'yon," sigurado niyang tugon. "Huwag kang magsasalita nang tapos, Perry." Tumindig si Perry, tiningala naman siya nang babae na kampanteng-kampante. "Hindi kita kilala, hindi kita magugustuhan-" natigilan siya nang tumayo ang babae. Nakatitig ito sa kanya habang humakbang ang matunog na takong. Hindi niya maalis ang mga mata rito kahit na nabibingi sa t***k ng puso. Nagbaling siya sa ibang dako nang tumama ang dulo ng matulis nitong takong sa suot niyang sapatos. Nang hindi umaalis ang babae ay napilitan niya itong pagtuunan ng atensyon. Nakatitig ito sa ibaba bago marahang nag-angat ang mukha. Nagtama ang mga mata nila. "My bad, Perry John Escalante. Well, let me introduce myself formally... I’m Irene Anne Sterling Villarreal." "Now you know-" Pinagkatitigan niya ang babae. "Hindi pa rin kita magugustuhan kahit na sino ka pa. Kaya pwede ba?" lumapit siya dito habang matalim ang mga mata sa pag-aakalang aatras ito. Pero tiningala lang siya ng babae dahilan para magharap ang mukha nilang dalawa. Sa lapit ay parang magtatama na ang tangos ng kanilang mga ilong. "Tigilan mo na ko." Umirap si Perry at tumalikod. "Hihintayin kita bukas ng umaga." Huminto siya habang nakakunotnoo at nakatalikod sa babae. "Para pag-usapan ang kasal-" mabilis siyang humarap dito at parang toro na sinugod ito. "Bingi ka ba?" Naroon pa rin ang ngiti ng babae. "Hindi kita magugustuhan!" "Hindi kita papakasalan-" Kinabig nito ang ulo niya. Natuod siya ng siilin siya nito ng halik. May ilang segundo siyang natigilan, nagising lang siya nang malasahan ang matamis na wine. Dahil doon ay natataranta niya itong hinawakan sa magkabilang balikat at tinulak. Napalayo lang nang kaunti ang babae na hindi naalis ang ngiti sa labi. Siya naman ay hindi makapaniwalang hawak ang labi at nanlilisik ang mga matang tiningnan ito. "Ano bang problema mo?!" "Ang problema ko ang hindi mo pagpayag sa kasal," kaswal na sagot nito at humalukipkip. "Bakit ko papakasalan ang taong hindi ko kilala at hindi ko gusto?!" tanong niya habang naguguluhan ang mukha. "Bakit hindi?" Nilahad pa nito ang isang palad. Nawawalan ng pasensyang pinilig-pilig ni Perry. "Hindi ko alam kung bakit ba pinagpipilitan mong pakasalan kita?" "Hindi ko alam kung bakit ako ang malas na pinili mo. Pero wala akong magagawa at lalong wala akong maibibigay sa iyo." "Dahil may girlfriend na ako, at siya ang papakasalan ko, hindi ikaw." Doon niya nakita ang pagseryoso ng babae at pagtikwas ng isang kilay nito. At sa pagkakataon na ito ay nakita niya ang galit sa mga mata ng babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD