KABANATA 6: TEACHER ISABELLE CERVANTES ESCALANTE

1327 Words
Napaigtad ang bagong dalagitang kasambahay na katabi ni Mildred na si Kakay nang ibato ni Irene ang baso ng alak sa madulas na sahig matapos umalis ni Perry. Hingal na hingal si Irene habang nanlilisik ang mga matang nakatitig sa basag na baso. Matigas niyang nilunok ang nanunuyong lalamunan. Nang sundan ng tingin ang direksyon kung saan lumabas ang lalakeng gusto niyang pakasalan. Hanggang sa aksidenteng natuon ang atensyon niya sa mga kasambahay na pinagmamasdan siya. Marahan niyang tinuwid ang likod. "Anong tinitingin-tingin niyo?" "Gusto niyo, dukutin ko ang mga mata nito?" kahit umaahon ang dibdib sa galit ay nanatiling kalmado pero mapanganib ang tono niya. Awtomatikong tumungo ang kanyang mga kasambahay. Kinalma niya ang kalooban. "Get rid of this mess. Ready my bath," alertong kumilos ang mga kasambahay. Siya ay naglakad nang makarating sa sala ay napahinto siya. Naalala ang iniwan nitong mga salita. Dahil may girlfriend na ako, at siya ang papakasalan ko, hindi ikaw! Ngiting mapanuya ang nagawa ni Irene. "Do you really think I'd let that happen? Do you think I would ever let you marry another damn woman?" "You should know me better, Perry." Ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Nakarating siya sa pinakasulok ng kanyang penthouse. Salubong na salubong ang mga kilay niya nang buksan ang malaki niyang pinto. Mula sa malawak na espasyo ay humakbang siya hanggang sa makarating sa kanyang malaking bathtub. Hinila niya ang tali ng suot na agad na nahubad pagkatapos ay lumubog na siya sa tubig. Napapikit siya sa lamig niyon pero kahit pa. Hindi pa rin nabawasan ang init ng ulo niya matapos marinig na ang babaeng gusto niyang pakasalan ay may nobya na. Gigil niyang hinampas ang tubig na malayo ang tinalsik ng tubig. "Damn it! I will ruin that b***h. I swear, if I burn her, even Hell won't have her." Samantala, mabilis ang pagmamaneho ni Perry hanggang sa mapapreno siya. Nagagalit ang ugat ng braso at mga kamay niya habang hawak ang manibela. Umiling-iling siya at hinawakan ang labi. Mabilis at marahas niya iyong kinuskos nang maalala ang halik ng baliw na babaeng kaharap niya kanina. Hanggang ngayon, nalalasahan niya ang halik na iyon, at maikukumpara niya iyon sa tila makamandag na ahas. Hinihingal siyang huminto. "Siguro naman, magigising ka na sa kahibangan mo," kausap niya sa sarili pagkatapos ay mabilis na pinaandar ang kotse palabas ng nakakasakal na Sovereign District. Nang makauwi ay nagmamadali siyang pumasok ng bahay. "Mama, Cali." Sinalubong siya ng ina at kapatid na nasa entrada ng bahay. Nagyakap-yakap sila. At nang humarap ay nag-aalala niyang tiningan ang mga ito. "Nasaktan ba kayo, Ma?" "Hindi, anak." "Ikaw, Cali?" Hinaplos niya ang ulo ng kapatid pababa ng buhok. "Ayos lang ako, Kuya." "Doon na kayo sa sala, isasarado ko na ang pinto," nagtungo ang ina at kapatid niya sa sala. Siya ay nagmamadaling sinarado ang pinto, ganoon na rin ang mga bintana. Muli niyang binalikan ang dalawa. "Huwag na kayong mag-aalala. Hindi na nila tayo guguluhin. Iyon na ang una at huli nilang pangugulo sa atin," sigurado niyang wika habang matapang na nakatitig sa isang sulok. Kung hindi pa hihinto ang baliw na babaeng iyon ay mapipilitan siyang lumaban gamit ang batas. May takot pa rin na hinawakan ni Rose ang kamay ni Perry. "Sino ba ang mga taong iyon at anong atraso mo sa kanila?" Umiling-iling siya. "Wala ho akong atraso. Huwag niyo na hong intindihin iyon. Naayos ko na ang lahat at bukas na bukas, ipaayos natin ang parehong pinto at bintana para sa seguridad natin." "Perry, anak," niyakap niya ang ina. Napatingin siya sa kapatid na nakatayo sa isang tabi at inaayos ang suot na salamin sa mga mata. Kinaumagahan ay lulan si Perry ng sasakyan. Huminto siya nang makitang dumaan ang mga estudyante. Kinuha niya ang cellphone at tinapat sa tenga. "Hello, Mama?" "Nasa flower shop na ho ba kayo?" usisa niya sa pagmamay-ari ng ina na shop. "Oo, anak. Nagsisimula na akong ayusin ang mga bulaklak." "Mabuti naman. Pupuntahan kayo ni Garry riyan," pagtukoy niya sa kaibigan. Magkatabi ang shop bake shop nito sa flower shop ng ina. "Bakit nag-aalala ka ba na hanggang dito ay sundan ako ng mga lalakeng iyon?" Napatingin siya sa malayo pagkatapos ay napahinga nang malalim. "Nag-iingat lang ho. Basta, kung may mangyari man. Tawagan niyo ho agad ako." "Ganoon ka rin, anak." Nang mawala sa linya ang ina ay nagmamadali nagtitipa siya sa cellphone pagkatapos ay tinapat muli sa tenga. "Hello, Calli?" "Nasa school ka na?" "Yes, Kuya. Nasa room na ako." "Okay, that's good. Tawagan mo ko, susunduin kita sa uwian-" "Hindi na kailangan," doon lang siya napangiti. "Cali, kahit ilang araw o linggo lang para masigurado kung ayos ka." Hindi sumagot ang nasa kabilang linya. "Sige na, tawagan mo ako kapag may problema at-" napakunotnoo si Perry nang wala nang marinig. Nanatili ang linya sa noo niya nang tingan ang cellphone. Namamangha siyang napangiti. "Binabaan ako ng bunso kong kapatid?" tanong niya sa sarili. Umiling-iling siya hanggang sa mapatingin sa kalsada at wala ng mga batang dumadaan. May ngiti niyang ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Pumasok siya ang kotse ni Perry sa Divine Mercy Catholic Integrated Elementary School. Bumaba siya sa at nagtungo sa isang classroom. Sa bintana ay sumilip siya, naroon ang mga tuwang-tuwa mga grade one class. "Okay, class. Umupo na muna." Lumipat ang tingin niya sa mala-anghel na boses na iyon. Tila nawala lahat ng problema niya nang masilayan ang babaeng may pinakamaamong mukhang nakita niya. Ang kanyang nobya na siyang private teacher na si Isabelle. "Umupo na muna kayo, kids-" natigilan si Isabelle nang mapatingin sa bintana. Agad na ngumiti si Perry nang magtama ang mga mata nila ng nobya. Sumaludo siya rito. Natawa nang maliit si Isabelle pagkatapos ay bumaling sa mga estudyante. "Kids, sandali lang, ha?" "Opo, teacher," sagot ng lahat. Tuluyan lumabas si Isabelle. "Anong ginagawa mo rito?" may ngiting tanong nito nang lumapit kay Perry. Hinawakan niya ang kamay ng mga nobya. Sinulyapan nito ang bintana bago siya nagmamaneho tiningan. "Baka makita tayo ng mga bata, Perry," anito at akmang babawiin ang kamay. Pero hindi niya iyon binitawan at lumapit dito. "Bakit wala namang masama, ha?" "Hawak ko lang naman ang kamay ng mapapangasawa ko," nakangiti niyang lambing. May ngiting napailing si Isabelle. Hindi niya magawang alisin ang mga mata rito. Noon pa man na highschool sila at hanggang ngayon na nagtatrabaho na. Hindi nagbago ang nararamdaman niya para rito. Kauna-unahang nobya niya ito at masasabing huli na. Dahil ito na ang gusto niyang pakasalan. "Magpakasal na tayo, Isabelle," seryosong wika niya. Lumapit siya rito at kinabig sa bewang. "Oo, magpapakasal tayo," sinapo nito ang pisngi niya. Agad na gumuhit ang ngiti sa kanya at hinawakan ang kamay nito. "Talaga? Magiging Perry John Escalante ka na? "Oo, pero hindi pa ngayon." Doon sumimangot si Perry. Si Isabelle naman ay nanatili ang ngiti, hinawakan ang magkabila niyang pisngi at pinagkatitigan siya. "Pero hayaan mo munang maka-graduate ang klase ko sa susunod na buwan. Pagkatapos, aayusin na natin ang kasal. Doon tayo sa simbahan na madalas magsimba, at si Father Richard ang magkakasal sa ating dalawa." Seryoso niya itong pinagmamasdan. "Mahal kita, Isabelle Cervantes Escalante." "Mahal din kita, Perry." Sandali silang nagyakap. Unang kumalas si Isabelle. "Sige na, baka may makakita sa atin. Hindi tama na makita tayo ng mga bata." "Opo, Lola Conservative." Natawa ito. Mabilis niya iyong hinalikan sa pisngi at patakbong umalis. Sandali pa siyang huminto. "Mahal kita, Isabelle! Pakasalan mo na ako!" kaway niya rito. Natawa lang nang mahinhin si Isabelle at pinanood ang pagsakay sa kotse ng nobyo. Kumaway pa si Isabelle nang tuluyan itong nakalabas ng gate ng school. "Teacher Isabelle." Lumingon si Isabelle sa boses na iyon. "Mrs. Almonte, magandang umaga ho," bati niya. "Teacher Isabelle, mamayang hapon huwag ka munang uuwi." "Sige ho. Pero bakit ho, Mrs. Almonte?" Ngumiti ito. "May bisita ka, gusto kang makausap. Espesyal na bisita," bulong nito. Alangang napatango si Isabelle. "Wala hong problema. Hihintayin ko ho siya," walang paghihinalang tugon nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD