KABANATA 7: ISABELLE MEETS THE QUEEN

1429 Words
"Goodbye, Kids!" "See you tomorrow!" magiliw na kumaway si Isabelle sa mga estudyante. "Goodbye, Teacher Isabelle!" Pinanood ni Isabelle ang paglabas ng mga bata ng pinto. Napangiti siya nang makita ang isang hirap na bata na isakbit ang bag. "Halika rito, tulungan na kita." Inayos niya ang strap ng backpack ng bata. "Thank you, Teacher Isabelle. You're so kind." "Walang anuman, Angel. Sige na, ingat sa pag-uwi." Tinanaw niya ang mga batang lumabas ng classroom. Hanggang sa maalala niya ang paalala ng kanilang School Principal. "Kailangan kong maglinis," kausap ni Isabelle sa sarili na nagmamadaling inayos ang mga silya. Pinulot ang ilang gamit. Ganoon na rin ang teacher's table. Binura niya rin ang nasa board. "Ma'am, ready na po ang school para sa inyo," tiningan ni Irene ang nasa passenger seat na personal na security. Siya naman ay sinilip ang bintana mula sa loob ng mahabang Mercedes-Benz na nasakop ang tapat ng school. Nasulyapan niya ang ilang bata na nagtatakbuhan pa palabas. "May mga asungot at maiingay na bata pa sa daan ko. Palayasin mo sila bago ko sila tapakan ng stilettos ko," utos niya. "Yes, Ma'am Irene," awtomatikong bumaba ang security. Pinanood niya itong hinarang ang mga batang estudyante sa isang tabi. Siya naman ay kinuha ang isang compact mirror at pulang lipstick. Pinagmamasdan niya ang sarili sa salamin nang hagurin ng pulang-pula lipstick ang labi niya. Maarteng hinulog niya ang mga iyon sa bag niyang milyong-milyon ang halaga pagkaraan ay kinuha ang pulang floppy hat. Pinagbuksan siya ng isa pang security guard ng pinto. Nang tumapak ang takong niya sa sementadong sahig ay sinuot niya ang floppy hat at tiningala ang eskwelahan kung nasaan ang pakay na bisitahin- Hindi pala bisitahin, kung di guluhin. Dire-diretso siyang naglakad. Narinig pa niya ang mga bata nang lampasan niya ang mga ito. "Sino siya?" "Kanino kaya siyang Mommy?" tanong ng mga bata. Huminto siya kaya natigilan ang mga bata. Hinawakan niya ang dulo ng floppy hat at limitadong binalingan ang mga paslit. "Hey, you brats. Go home. You all smell like the sun. Shoo!" pagtataboy niya kasabay ng kamay. "Ang arte mo naman po," sagot ng Isang batang lalake. Humakbang siya para lapitan at pagpatulan ito nang dumating ang isang babaeng may katabaan. "Miss Irene Sterling Villarreal, welcome to Divine Mercy Catholic Integrated Elementary School." Inirapan ni Irene ang mga bata bago bumaling sa lumapit. Ngiting-ngiti ito habang siya ay sinipat ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Hinilig niya ang mukha habang pinagmamasdan ang kaharap. "Naku, pasensiya na at hindi ako nagpakilala muna," pinunas nito ang palad bago iaabot sa kanya. "Ako si Lailani Almonte, ang principal ng-" naputol ang sasabihin ng principal nang lampasan niya at dire-diretsong pumasok sa eskwelahan. Akmang susunod ang principal nang harangin ng mga security. Naging alangan ang ngiti nito habang pinagmamasdan ang bisita na palayo na. Mula sa likuran na pinto ay pumasok si Irene sa isang grade one room. Tiningan niya ang teacher na nakatalikod ay binubura ang chalk board. Napangisi siya at umiling-iling. Sadya niyang pinatunog ang mga takong nang maglakad. Agad namang humarap ang teacher na may ngiti. "Ma'am, kayo po ba ang bisita ko?" tanong ni Isabelle. Huminto si Irene at pinag-krus ang mga braso. "Mukhang kayo nga po, sandali lang po." Pinanood niya ang teacher na nagmamadaling pinunasan ang kamay ng tisyu pagkatapos ay nag-alkohol bago naglakad palapit sa kanya. "Pasensiya na po at nagbura ako ng chalk board. Ako nga po pala si Teacher Isabelle Cervantes, homeroom teacher ng grade one." Walang emosyon si Irene nang sulyapan ang palad nitong binigay sa kanya. Nang salubingin ang mga mata ng kaharap ay hindi pa rin naalis ang ngiti nito. Hanggang sa ibaba ni Isabelle ang kamay. "Huwag niyo na po ngang tanggapin baka may allergy kayo sa chalk. Bakit nga po gusto niyo akong makausap?" Tumalikod ito at may kinuhang record book sa teacher's table pagkatapos ay muling bumalik sa tapat ni Irene. "Kaninong student nga po kayo guardian para-" lumipad ang record book nang hawiin ni Irene ang hawak nang natigilan na si Isabelle. Dahan-dahang inangat ng teacher ang mukha na sinalubong ng ngiting-aso ni Irene. Lumapit siya rito habang walang takot na pinagkatitigan ito tuwid sa mga mata. Nakita niya ang kaba sa teacher nang umatras nang umatras. "I am not the guardian of any of your idiot students," pauna niya. "Ma-ma'am, with all your respect. Huwag niyong pagsabihan nang ganiyan ang mga student ko." Natawa nang maikili at hilaw si Irene. Sandali siyang tumingala dahil natatawa siya sa pagmamalasakit at pagtatanggol ng kaharap sa mga batang estudyante nito. Nang ibaba ang mukha ay doon lang siya sumeryoso. Tinulak niya ang isang balikat nito at muling humakbang. Wala siyang pakialam kung maapakan ng dulo ng sapatos niya ang pipitsuging sapin nito sa mga paa. "If you don't like it, then stop asking such idiotic questions, Teacher," naging marahan ang bigkas niya sa huling salita pagkatapos ang ngiti ay gumuhit lang sa isang sulok ng labi. Itinaas nang bahagya ni Isabelle ang dalawang kamay habang umiling-iling. Tila na sinasabi ng kilos nito na hindi lalaban sa kaharap. Lakas-loob nitong sinalubong ang mga mata ng kaharap na babae. At maihihintulad ni Isabelle sa umaapoy ang mga mata ng babaeng kaharap niya. Kahit maganda ito ay para itong may pangil na handang mangagat anumang oras. "Ma-ma'am, hindi ko alam kung anong gusto niyo ngayong araw. Pero hindi niyo po kailangan maging marahas. Nandito tayo sa isang Catholic School. Dito ay gumagalang, at minamahal ang bawat isa-" Naputol ang sasabihin ni Isabelle nang tumawa si Irene. Tawa na parang nakakatawa ang seryosong paniniwala ng teacher. "Hahahaha," nahawakan ni Irene ang tiyan. Masyado siyang pinasasaya ng kahibangan ng kaharap. Huminto siya at tinuro ang teacher pagkatapos ay tumaltak nang sunod-sunod. "Tsk. Tsk. Tsk." "Teaching has clearly rotted your brain," umiling-iling siya habang kunyari ay naawa ang anyo pero patuloy sa malilit na tawa. "You’ve gone mad, Teacher Isabelle." "Ma-am, ano ho bang problema niyo-" "You!" seryosong sigaw niya na nagpaigtad dito. Siguradong nagulat ito na mula sa pagtawa ay sumigaw siya. Umaahon ang dibdib ni Irene habang pinagmamasdan ang kaharap na umaakting na mabait sa harap niya. Kahit na minamalditahan niya. At ang gusto niya ay lumaban ito para makita niya ang tunay nitong pagkatao. "Exactly, you, Teacher Isabelle!" Dinuro niya ang mukha nito. Napaiwas naman si Isabelle sa bawat duro niya rito. "You’re the biggest, ugliest problem I have!" gigil niyang patuloy na sigaw. "Ma-ma'am, hindi ko po alam kung anong ginawa ko sa inyo. Kung anuman po, humihingi ako ng tawad," nagmamadaling paliwanag nang nabibingi na si Isabelle. Pilit nitong sinalubong ang mga mata ni Irene. "Pe-pero hindi ko po talaga kayo kilala-" Hinawakan ni Irene gamit ang isang kamay ng teacher, hinarap at pinisil ang magkabilang pisngi. "I." "Am." "The." "Future." "Wife of the man you are trying to steal, Teacher," mariin na bigkas niya. Kumunotnoo si Isabelle, pabalya niyang binitawan ang mukha nito. Nagtataka pa rin ang mukha ng teacher nang ayusin ang nagulong buhok. Siya naman ay kinuha ng bote ng alkohol at nag-spray ng kaswal sa kamay. "Ma'am, wala akong inaagaw. Isa pa, may boyfriend na ako at magpapakasal kami." Natigilan si Irene sa ginagawa. "Magpapakasal na kaming dalawa. Kaya wala akong inaga-" "Tanga!" singhal niyang putol nang tingan nito habang nanlilisik ang mga mata. Nag-arko ang mga kilay nito. "Hindi kayo magpapakasal dahil kami ang magpapakasal," sigurado niyang wika. "Ma'am, tinutukoy niyo ba si Perry?" Nang mahulog ni Irene ang bote ng alkohol ay pumalakpak siya. "Correct, Teacher," nanunuya niyang puri. "Si Perry?" "Yes, ako at si Perry ang ikakasal. Hindi ikaw-" "Pero ako ang girlfriend niya-" "But I would die for him." "Ma'am, kami ni Perry. Matagal na kami, sampung taon ang relasyon namin. At kung sasabihin niyo na may lihim kayong relasyon. Hindi ako maniniwala dahil kailanman hindi ako sinaktan ni Perry," paniniwala nito. "You're right, Teacher Isabelle. I’m not his 'other woman,' and he didn't betray you. Ang pagkakamali mo lang ay ang paniniwala na ikaw ang papakasalan niya." Lumapit siya muli rito. Bawat hakbang niya ay may tapang. Habang ang kay Isabelle puno ng takot habang may luha. Oo, siya ang nobya ay may karapatan kay Perry. Pero ang kaharap niya at tila higanteng halimaw na kapag sumalungat siya at kakagatin siya sa leeg. "This isn't just a statement; it's a warning. No one gets to marry Perry. No one but me." Napadikit si Isabelle sa chalk board nang saklain ni Irene habang umaapoy ang mga mata. "T-tulong," mahinang wika ni Isabelle na may pumatak na luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD