Nakakunotnoo si Perry nang makapasok sa opisina. Hinagis niya sa ibabaw ng mesa niya ang nakarolyong proyektong hawak pagkatapos ay napamewang.
Hinahabol niya ang hininga dahil sa galit. Sinapo niya ang noo habang nagkikiskisan ang ngipin. "Hindi talaga ako titigilan ng baliw na babaeng iyon," kausap niya sa sarili.
Nang pumasok ang opisina niya ang nagmamadaling site engineer na si Jojo.
"Engineer Perry, totoo ba?"
"Kinuha tayo ng Sterling Villarreal Engineering Firm and Construction Company?!" sabik at tuwang-tuwang harap ng kaibigan at ka-team na si Jojo.
"Tungkol doon-" natigilan siya nang yakapin nito at isabay na italon. "Daig pa natin ang pare-parehong na-promote-"
"Bitaw nga, Jo," inalis ni Perry ang pagkakayap ni Jojo habang naiinis ang mukha.
"Bakit ba ganiyan ang itsura mo? Hindi ka ba masaya? Mula sa maliit na firm na, nag-level up na agad tayo nasa isang empire na tayo. Alam mo ba?"
Lumapit ito sa kanya at bumulong. "Ang daming namamatay sa inggit sa atin."
Pinanood niya ito nang itaas ang mukha at parang isang real-time hero na pumewang dalawang braso. "Ang sabi ko nga sa kanila, kapag namatay sila sa galit. Ako ang sasagot ng libing nila."
Napailing siya, nagtungo sa swivel chair at umupo. Muling lumapit sa tapat ng mesa niya ang tuwang-tuwa pa rin na si Jojo.
"Isipin niyo, magtatrabaho na tayo ng isang Titan of Infrastructure. Ang Sterling Villarreal ay hindi lang basta kumpanya—ito ang 'Everest' ng construction sa Pilipinas. Kung baga sa basketball, nasa NBA na tayo, at si Perry ang MVP!"
Patuloy ang pagpilig ng ulo si Perry, seryosong sumandal at matapang na tumitig sa isang sulok habang nilalaro ang panulat sa kamay. "Mali ka, Engineer Jo."
Natigilan si Jojo. "Para sa akin, isang impyerno ang makapagtrabaho sa kompanyang iyon."
Naalala niya ang baliw na babae na may-ari ng kompanya. Oo, alam niya ang Sterling Villarreal Engineering Firm and Construction Company.
Sino bang hindi makakilala sa pinamalaki at successful na kompanyang iyon?
Halos lahat ng malalaking project ay nakuha ng kompanyang iyon. At ang mga nagagawa ng mga ito ay world class.
Simula nang nag-aaral pa lang sila ng Engineering sa university ay ito na ang bukambibig ng halos lahat ng professor.
Ang makapagtrabaho sa Sterling Villarreal Engineering Firm and Construction Company ay maituturing na peak ng career ng isang engineer.
Pero noon ay isang matandang lalake ang alam niyang may-ari ng kompanyang iyon.
Hindi ang baliw na babaeng iyon.
Napatingin si Perry kay Jojo na nagmamadaling umupo sa silyang nasa tapat ng mesa niya.
"Bakit, Engineer Perry?"
"Bakit impyerno?"
"Wala bang aircon doon?"
Pinilig niya na lang ang ulo. Nang bumukas ang pinto ay napatingin siya sa pumasok.
Naroon ang dalawa pa sa kasama niya sa team. Sina Aris, ang Senior Structural Engineer ng kanilang team.
"Engineer Perry, totoo po ba?" bumaba ang atensyon niya sa kaisa-isang babae sa team nila.
Si Liezel, ang engineer na kanilang junior architect at design engineer.
"Nilipat na po tayo sa Sterling Villarreal Engineering Firm and Construction Company?" ulit nito.
Isang malalim na hininga ang nagawa niya.
"Usapan na sa labas ang biglaang paglipat sa atin. May nangyari ba?" sunod na tanong ni Aris nang lumapit.
Umupo si Liezel sa silya habang si Aris ay nasa likod ng silya ni Jojo.
"Hindi ko talaga maintindihan, Perry. Bakit ang tulad nating galing sa Prime Arch Design & Construction ay ililipat sa SV Empire? Hamak na 'boutique firm' lang tayo.
Itinitig niya ang mata sa iisang dako. Lahat talaga ng kasama niya ay magtataka sa biglaan nilang paglipat.
Napakaliit lang ng engineering firm nila ni hindi nga ito masyadong kilala sa siyudad.
"Ano ba kayo?" singit ni Jojo na tumindig at pilit na inakbayan si Aris na hamak na mas malaki rito. "Masyado niyo namang minamaliit ang sarili natin? Kung ang SV Empires nga, kinuha tayo. Maging masaya na lang tayo."
Umiling nang isang beses ang nagtataka pa rin na si Aris. "Ang pinakamalaking project natin ay 'yung five-story hotel sa malayong probinsya pero sila? Sila ang bumubuo ng skyline ng buong bansa. Kaya bakit?"
"Bakit, ano?" tanong naman ni Jojo.
"Bakit bigla-bigla tayong ililipat?"
"Mga Engineer," tawag ni Liezel.
Sabay-sabay naman itong nilinga nila Perry. "Baka naman po dahil sa hotel project natin?" patanong na tugon nito.
Natahimik ang tatlong inhinyero.
"Baka napansin ng SV Empire kung gaano tayo kagaling mag-design at mag-construct kahit maliit lang ang Prime Arch. Baka may nakita sila sa atin."
"Tama ka," kay Perry naman napatingin ang tatlo. "May nakita ang SV Empire na iyon," makuhulugan niyang dagdag.
Tiningala siya ng mga ito nang tumindig siya. "Kakausapin ko si Sir Romar, sasabihin ko. Hindi tayo pumapayag na ilipat sa kompanyang iyon."
Naglakad na siya. "Sandali lang," habol ng tila tumututol na si Jojo pero dire-diretso pa rin siya sa paglabas ng opisina.
Naglakad siya sa glasswall at glassfloor na hallway patungo sa opisina ng isa sa mga tiningala niyang inhinyero.
Ang founder at owner ng Prime Arch.
Si Romar Guerrero.
Sandali siyang kumatok habang ang panga ay nagtiim-bagang. Binuksan niya iyon makalipas ang ilang segundo.
Tuwid niyang tinungo ang mesa ng kanilang boss. "Sir Romar."
Tiningala siya niyo. "Engineer Perry."
Sir, alam kong malaking opportunity ito, pero," binitin niya ang sasabihin pagkatapos ay pinagkatitigan niya ang mabait na amo.
"Ako at ang team ko, hindi kayang iwan ang, firm niyo, ang Prime Arch. Ako, si Engineer Aris at Engineer Jojo, dito kami nagsimula."
Hinubad ng kanyang amo ang suot na salamin sa mga mata at nahawakan ang dulo ng ilong.
At alam niyang ginagawa iyon ng matanda kapag mamoroblema.
"Ang offer ng SV Firm, puwede niyo bang i-reject? Marami pa tayong makukuhang ibang projects kung magkakasama tayo rito, Sir Romar," desperado na ang pakikiusap niya.
Huminga nang malalim si Romar siya naman ay tensyonadong naghihintay. Dahan-dahan nitong sinalubong ang tingin niya. "Tingin mo, gusto ko kayong umalis?"
Kumurap ang mga mata niya. Umiling ito at ngumiti nang mapait. "Hindi, Engineer Perry."
"Ang team niyo ni Engineer Aris, Engineer Jojo, at kahit ang junior na si Liezel. Kayo ang Pillars of Prime Arch."
Nagbabara ang lalamunan ni Perry nang tumungo. Marinig ang salitang iyon sa amo nila ng ilang taon ay nakakadurog ng puso. "Kayo ang haligi ng kompanya ko. Kayo ang pinakamagaling magtrabaho para sa akin."
"Perry," seryosong tawag ni Romar. Itinaas niya ang mukha habang pigil ang mga luha.
"But I have no choice but to let you and your team go. Ang Sterling Villarreal Engineering Firm and Construction Company ay isang malakas na kalaban."
Tumitig siya sa mesa habang nanlalabo ang mga paningin dahil sa mga naipong mga luha.
Ang sikip-sikip ng dibdib niya.
"Isang tawag lang ni Miss Irene sa bangko, pwedeng i-pull out ang lahat ng loans ng Prime Arch. Hindi na rin tayo mananalo ng sa kahit anong bidding na sasalihan natin."
Kumunotnoo siya nang marinig ang pangalan na iyon. "Isang salita lang niya sa laban sa kompanya ng Prime Arch, mabubura ang kompanya natin sa larangan ng konstruksyon."
Mabilis na pinunasan ni Perry ang luhang kumawala sa galit. "I'm sorry, Engineer Perry."
Umiling siya. "Wala kayong kasalanan, Sir Romar. Hindi kayo dapat ang humingi ng tawad."
Mabilis ang paghinga niya nang lumabas ng opisina hanggang sa tuluyang huminto sa glasswall. Sunod-sunod niya iyong sinuntok at dinikit ang noo doon.
"Isa kang baliw na babae. Ginagawa mong impyerno ang buhay ko," aniya.