KABANATA 9: ISABELLE IS MISSING

1150 Words
"Engineer Perry!" Tinuwid ni Perry ang likod marinig ang boses ni Jojo. Nang luminga ay palapit ang tatlo na kasama niya sa team. "Anong nangyari, Perry?" usisa ni Aris. Tiningan niya ang mga ito isa-isa. "Tuloy po ba tayo sa paglipat sa SV Empire?" dagdag naman ni Liezel. "Syempre!" napatingin siya kay Jojo na kumapit sa braso niya. "Sinong tangang engineer ang tatanggihan iyon?" Sinalubong nito ang tingin niya. "Di ba, Engineer Perry?" Muli niyang binalikan ng atensyon ang dalawang kaharap na para bang walang magawa sa sitwasyon. "Perry," seryosong tawag ni Aris. "Kung anong magiging desisyon mo, kasama mo ko," anito. "Ganoon din ako, Engineer Perry," napatingin siya kay Liezel. "Team tayo, at hindi tayo mag-iiwanan." "Ano ba kayo?" inalog ng nagrereklamo na si Jojo ang braso niya. "Huwag niyong tanggihan ang grasya na nasa harapan niyo." "Perry," hinila ni Jojo ang braso niya para humarap. "Tanggapin natin ang trabaho sa SV Empire. Para sa atin din ito, para sa career natin." "Si Aris, kabuwanan ng asawa niya. Ang anak niya si Hope, mag-aaral na sa private." Sinulyapan niya si Aris. "Si Liezel, alam naman natin, magastos ang babaeng 'yan," napakunotnoo ang tinutukoy nitong dalaga. "Laging bago ang damit niyan, at kakuha lang niya ng bagong model ng cellphone." "At ako," magkasalubong ang mga kilay niya nang pilit na harapin si Jojo na nagmamakaawa ang mukha. "Nag-iipon ako para sa kasal-" "Wala ka namang girlfriend, Engineer Jojo," singit ni Liezel. Nilinga ito ni Jojo at sinamaan ng tingin. "Jojo-" "Isang pagkakataon." Kumurap ang mga mata ni Perry. "Isang opurtunidad." "Kunin na natin, Engineer Perry." Isang malalim na hininga ang ginawa ni Perry. Madilim na ang buong opisina niya ay nanatili siyang nakaupo sa swivel chair. Tinitimbang ang magiging desisyon. Pero parang wala na siya dapat timbangin. Wala na siyang mapagpililian. Napapikit siya hanggang sa ang kamao niya ay suntukin ang ibabaw ng mesa. Puno siya ng suklam nang tumitig sa isang pwesto. "Baliw na babae," aniya. Hanggang sa tuning ang cellphone niya. Naroon ang pangalan ng ina ng nobya na isang retired teacher din. "Hello, Tita Luisa?" "Ano ho?!" Awtomatiko siyang napatayo. "Wala pa si Isabelle dito sa bahay. Hindi pa siya nauwi. Baka lang, kasama mo siya?" "Hindi ho, Tita. Nasa kompanya pa ho ako." "Ganoon ba? Nasaan kaya ang batang 'yon? Kahit kailan ay hindi inabot ng dilim iyon sa daan," rinig niya ang pag-aalala sa boses ng ina ng nobya. "Huwag ho kayong mag-aalala," hinagip ng kamay niya ang susi ng sasakyan at nagmamadaling lumabas. "Hahanapin ko ho siya. Baka may tinapos lang sa school. Ihahatid ko na lang ho siya pauwi," pinagaan niya ang boses. "Sige. Salamat, Perry." Nang maibaba ang cellphone ay doon lang siya nakapagpawala ng malalim na hininga. Nang makalabas ng firm ay patakbo siyang nagtungo sa kanyang pick-up truck. Nanginginig ang kamay niya nang hawakan ang manibela. Habang nagmamaneho ay sinubukan pa niyang tawagan ang nobya. The number you have dialed is currently out of coverage area. Please try again later. Sa gigil ay kulang na lang ay ibato niya ang cellphone. Kung hindi niya lang kailangan iyon. Nakarating siya sa school nang isang iglap. Sarado na ang gate pero dire-diretso pa rin siya. "Sir." Napatingin siya sa lumapit na gwardiya. "Ano hong kailangan niyo?" "May teacher pa ba sa loob?" Kahit alam na niya ang sagot dahil sa tahimik na tahimik na eskwelahan ay gusto niyang umasa na naroon ang kanyang nobya. Para mawala na ang pag-aalala niya. "Sir, wala na ho. Nakauwi na ho ang lahat ng teacher, student at kahit ang mga school officials." Hinihingal siyang pumewang habang iniisip kung saan pwedeng magpunta ang nobya. Muli niyang tiningan ang gwardiya. "Sino ang huling teacher na umuwi?" "Si Teacher Sandy ho, homeroom teacher ng grade 1." Mabilis siyang tumalikod habang tinitipa ang numero ng kaibigan ni Isabel na si Sandy. Nang makapasok sa loob ng sasakyan ay agad siyang umabante. "Hello, Teacher Sandy?" "Hello, Perry?" "Kasama mo ba si Isabelle?" "Si Isabelle? Kanina pa siya umalis." "Ano?" "Ang alam ko, may kinita siyang bisita kaninang hapon. Hindi niya kinuwento sa akin kung sino pero parang may kakaiba nang umuwi siya ngayong hapon." "Bisita?" ulit niya. "Oo. Babae raw." Napapreno siya sa gitna ng kalsada sa narinig. Kumurap ang mata niya habang mahigpit na nahawakan ang cellphone. "Isang mayamang babae, iyon ang narinig ko sa School Principal," patuloy ni Sandy. "Hello, Perry?" tanong ni Sandy sa kabilang linya sa nahulog na cellphone ni Perry. Nagising lang siya sa busina ng mga nasa likod kaya bumalik siya sa hintatao. Umiling-iling siya. Siguradong hindi niya idadamay si Isabelle dito. Hindi. Halos madurog ang manibelang hawak niya habang may mga luha dahil sa pag-aalala sa pinakamamahal na nobya. Dahil kapag dinamay niya si Isabelle, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanya. Nakarating siya sa bahay ng nobya. Pumasok siya sa gate at naroon ang may mga edad nitong mga magulang na parehong mga guro. "Tita Luisa," nagmano at niyakap niya ang ginang. Lumapit siya sa ama ni Isabelle na si Willy na pirmi nang nakaupo sa wheelchair dahil sa stroke. Magalang siyang nagmano rito. "N-naha-nahanap mo na ba ang anak ko?" hirap nitong tanong. Parang minartilyo ang puso niya habang pinagmamasdan ang Tatay ng nobya. "Bakit hindi mo pa siya kasama?" napatingin siya sa ginang na mangiyak-iyak na. "Susunduin ko ho siya," sigurado niyang wika. "Alam mo kung nasaan siya?" Seryosong siyang maliit na tumango. "Sige na, iuuwi mo na ang anak ko. At nag-aalala na kami ng Papa niya." Nagtungo si Luisa sa likod ng wheelchair ng asawa nito. Sandali niyang pinagmamasdan ang pinakamamahal na magulang ni Isabelle. Habang nakikita ang mga ito ay mas gusto niyang makita ang dalaga. Para mabalik sa mga magulang nito. At alam niya kung sino ang may alam kung nasaan ang nobya. Natagpuan ni Perry ang sarili papasok ng Sovereign District. Humahigibis ang sasakyan niya, walang pakialam kung may masagasaan. Nang huminto sa Steeling Villarreal Penthouse ay bumaba siya ng tuwid. Nilampasan niya ang mga gwardiya. Pakiramdam niya ay nagliliyab siya. Nang huminto sa pinto ay wala siyang pakialam kung kailangan pa niyang mag-scan. Bumukas naman iyon. Nagulat pa ang mga empleyado sa bungad nang magdiretso sa elevator. Nang sumakay ay nakabilog ang mga kamao niya. Galit na galit siya. Hindi niya mailarawan ang nasa dibdib. Gusto niyang sumabog! Tiningala niya ang nagbukas na elevator. Tila nagbabaga ang mga paa niya habang naglalakad sa hallway. At huminto iyon nang makita ang isang babae sa sala. Nakade-kwatro at may hawak na baso ng wine. Nakita niya ang ngiti nito. "That was faster than I expected, Perry." "Nasaan siya?" seryoso niyang tanong hangga't hindi pa napuputol ang kapiraso niyang pasensiya rito. "Perry-" hinagip niya ang isang vase at binato sa sala. Lumunok siya at pinagkatitigan ang nakaupo. "Nasaan?" "Siya?" mala-bakal sa tigas at kasing lamig ng bakal ang bawat bigkas niya ng tanong na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD