Crush me back, Crush

1852 Words
Crush is paghanga! Sa taong tanga! Iyon ang motto ni Celina, paano ba naman kasi lahat ng naging crush niya hindi man lamang siya pinagtuunan ng pansin! "Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako? Bakit hindi nila ako magustuhan!" Over-acting niyang palahaw na ikinataas ng kilay ng bestfriend niyang si Jericho. "Tumigil ka na kasi, bakit ka kasi crush nang crush! paiba-iba pa araw-araw," palatak nito. Sumimangot si Celina at tinampal sa balikat ang kaibigan niya. "Kuh! Ikaw kasi walang crush! Mas inuna mong bumili ng mga alambreng ipinalagay sa ngipin mo!" Mataray niyang singhal dito. "Akala mo lang wala, pero meron, meron!" Seryosong saad naman ni Jericho pero tumawa lang si Celina. "Ang malas naman ng babaeng iyon," saad niya. "Oo nga, ang malas mo talaga!" Pahaging na saad ni Jericho na ikinabaling ng tingin niya dito. "Ha?"nalilitong tinignan ni Celina ang bestfriend. "Dahil hindi ka kayang i-crush back ng crush mo!" dagdag nito na may pang-uuyam. Sumimangot muli si Celina. "Makikita mo, i-crucrush back din ako ng crush ko. Itaga mo iyan sa mga sungking ngipin mo!" Padabog na umalis si Celina. Sinundan na lamang siya ng tingin ni Jericho. Inis na inis naman naglakad si Celina. Napapatanong talaga siya kung bakit sa lahat ng naging crush niya, wala man lamang nagkagusto sa kanya. Si Alice na kaklase niya, maliit ito at medyo mataba. Noon crush lang nito ang nasa higher year na si Edward, ngayon nagda-date na ang dalawa. Si Lanie na kaibigan niya. Hinahabol-habol lang nito noon si Bryan, ngayon nalaman nilang gusto rin pala ng lalaki si Lanie. Nagkakahiyaan mang mag-aminan pero kitang-kita sa mga kilos ng mga ito na mahal na nila ang isa't isa. Maganda naman siya. Maganda ang hubog ng kanyang katawan kahit Fourth year highschool pa lamang siya. May hanggang balikat siyang itim at kulot na buhok. Matangkad siya sa height na 5'2". Pero ewan ba niya kung bakit hindi man lamang siya kayang i-crush back ng mga crushes niya. Ni minsan walang nagtatangka man lang na ligawan siya. Kinakaibigan oo, pero hanggang doon na lamang iyon. "Watch out!" Isang sigaw ang narinig niya. Hindi niya alam kung para sa kanya iyon pero hindi pa siya nakakalingon ay may tumama na sa kanyang matigas na bagay. Nahilo siya at halos matumba kung hindi lamang sa isang bisig na sumalo sa kanya. Nasalubong ng mga mata niya ang mga itim at nangungusap na mata ng isang lalaki. May pag-aalala na mababanaag sa mga mata nito. Ang puso niya ay malakas na kumabog. Napabuka ang kanyang bibig lalo noong mapagmasdang mabuti ang mukha ng lalaki. Napakaguwapo nito. "Miss paki-close ang bunganga mo, tutulo na kasi iyang laway mo," natatawang saad nito sa kanya na ikinapahiya niya. Hinigop niya ang laway na papakawala na nga at isinara niya ang kanyang bibig. Tinulungan din siya nito para makatayo nang maayos. "Okay ka lang? Sorry ha, natamaan kita ng bola." Hinging paumanhin nito kay Celina na napakamot pa ng ulo. Nahagilap ng tingin ni Celina ang bola ng basketball na tumama sa kanyang ulo. Aaminin niyang masakit ang tama sa ulo niya pero mas matindi yata ang tama niya sa lalaking kaharap. "Sorry is not enough!" wika niyang malawak ang ngiti sa labi. Nagsalubong tuloy ang kilay ng lalaking kaharap. "Puwedeng malaman ang name mo? Kabayaran ng tama sa puso ko este ulo ko," malakas ang loob na sabi niya. Alanganing napatawa ang lalaking kaharap niya. "Ahmmm, eh kasi..." Tinaasan niya ito ng kilay dahil parang ayaw nitong magsabi ng pangalan. "Sige na nga, Raphael." Inilahad ni Raphael ang kamay nito sa kanya. Nakipagdaupang palad siya dito. "Celina!" Napangisi siya. Ngumiti rin si Raphael. "Sige, balik na ako sa paglalaro," paalam nito. Pinulot ang bola at tumakbo para puntahan ang mga kalarong naghihintay dito. Narinig niya ang kantiyawan pero hindi na niya pinag-ukulan iyon ng pansin. Nakatitig kasi siya sa kamay niyang nakadaupang palad ng lalaki. Nagpasya siyang hindi maghuhugas ng kamay ng isang linggo. Mabilis siyang bumalik kay Jericho na ngayon ay busy na sa pagtitipa sa selpon. "Guess what?" Pasalampak siyang naupo sa harapan nito. Lumislis tuloy ang palda niyang medyo maikli. Nakabukaka pa siyang naupo kaya halos makita na ng bestfriend niya ang kaluluwa niyang tinatakpan. Napairap ito sa kanya. "Umayos ka ng upo, Celina!" Pagalit na utos nito sa kanya pero hindi niya ito pinansin. "May nakilala ako! I think...I have a crush on him!" Bulaslas niya. Pero imbes na pansinin ang sinabi niya. Gamit ang paa, itinulak nito ang binti niyang nakabukaka. Pinandilatan niya ito. "Paano ka i-crucrush back kung ganyan ka umasta!" Lalo siyang napasimangot sa sinabi nito. "Sa iyo lang naman ako ganito ah! Siyempre iba na kay Rhap, magpapakadalagang pilipina yeah, ako!" Sabi niyang nagpose at inilabas ang dila sa gilid ng labi. Napailing siya at narinig niya ang marahas na buntong hininga ni Jericho. "Baka masaktan ka na naman kapag hindi ka nagustuhan!" Lalo siyang napaismid. Inagaw tuloy niya ang selpon na hawak nito. "Ikaw lalaking may alambre sa ngipin, imbes na suportahan mo ako eh mukhang mas gusto mo pang wala akong lovelife! Huwag mo akong idamay sa boring mong buhay ah! Fourth year highschool na tayo. Dapat pumapag-ibig na rin ang musmos nating puso!" Mahabang litanya niya. Napatigil nga lamang siya dahil sa madilim na mukha ni Jericho. "Kung lovelife lang pala ang aatupagin mo, bakit nag-aral ka pa. Sana pumasok ka na lang sa Crush University para maturuan ka ng tamang paglandi!" Madiing turan nito kay Celina. Inagaw muli ang selpon at ito naman ang umalis. Hindi na pinansin ang kaibigang tumatawag sa pangalan niya. Padabog na tumayo si Celina. "Problema ng ngiping alambre na iyon!" Asik niya sa sarili habang padarag na inilalagay ang gamit sa kanyang bag. Kapag kasi napag-uusapan ang about sa crush, lagi siya nitong binabara na para bang kasalanan ang magkacrush. "Porke't nagkakacrush malandi na! So anong tawag niya sa nagbo-boyfriend, p****k?"bubulong-bulong na muling saad niya sa sarili. Nag-iinit ang ulo niya dahil sa bestfriend. Kaibigan na niya ito mula elementarya. Close na close silang dalawa at halos hindi mapaghiwalay. Silang dalawa ang laging magkasama papasok man o uwian. Hatid sundo sila ng daddy ni Jericho. May kaya ang pamilya ni Jericho. Sila naman ay pawang middle class na pamilya. Hindi naman mahirap pero hindi naman mayaman katulad ng pamilya ni Jericho. Kaya nga halos taon-taon itong nagpapalit ng braces para ipantay ang mga sungking ngipin nito. Kung bakit kasi sungki na e, magkakaaway pa ang mga ngipin nito. Gaya sa ibang relasyon, nagkakahiwa-hiwalay. Isang linggo na siyang hindi pinapansin ni Jericho habang isang linggo na rin siyang nagpapapansin kay Raphael. Pala-kaibigan ang lalaki, kinakausap siya sa tuwing nanonood siya sa laro nito. Nginingitian siya sa tuwing makakasalubong niya. Napi-feel niyang type rin siya ni Raphael, kaya laking pagtataka niya na hindi ito nagpaparamdam na para bang may pumipigil dito. Malawak ang ngiti niya habang inaayos niya ang kanyang bag. Nang mapadako ang kanyang mata sa gawi ng bestfriend. Nakatitig din ito sa kanya na para bang pinag-aaralan ang kanyang kilos. Nginitian niya ito. Pero ang hudyo, nag-iwas lang ng tingin at hindi siya pinansin. Napanguso siya tuloy at nalungkot. Namimiss na niya ang bestfriend pero gaya nito ma-pride rin siya. "Neknek mo! Ano'ng nagawa kong mali para ignorahin mo ako? Kung ayaw mo akong kausapin, 'di huwag!" Piping sabi niya sa isip habang naniningkit ang mga mata niyang nakatitig dito. Isang linggo na rin siyang hindi sumasabay sa mga ito sa pagpasok at pag-uwi. Nagdadahilan siya sa tuwing inaaya siya ng daddy ni Jericho. Nagpasya siyang manood na muli ng laro nina Raphael. Kada uwian kasi ay may practice game ang mga ito. Pero pagdating niya sa gym wala na ang mga ito. "Hmmm, walang practice ngayon?" Natanong niya sa sarili. Naglakad siya sa loob ng gym. Nang maulinigan niya ang mga boses mula sa changing room. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya maayos niyang naririnig ang bawat kataga ng mga nag-uusap. "Sayang, maganda siya. Type ko rin naman." Boses iyon ni Raphael. Kausap ang teammates nito. Napalabi siya dahil mukhang bokya na naman siya sa crush niya. "Kahit ako naman, crush ko rin si Celina noon. Kaya lang nakabantay lagi yung bestfriend niyang alambre!" Tugon ng isa pang boses. Nagtawanan ang mga ito sa loob. Nagsalubong ang kayang kilay at nangunot ang noo sa narinig. "Bestfriend o boyfriend? Kasi may nagtanong daw sa lalaking iyon kung boyfriend siya ni Celina hindi daw sumagot kaya inassume na sila na!" sabi pa ng isang boses. Napalunok na si Celina sa naririnig. "Ligawan mo na kaya Rhap. Crush ka yata eh. Crush mo rin naman, balita ko break na sila nang lalaking alambre na iyon!" Napaatras siya at naglakad palayo. Dapat ay matuwa siya sa narinig pero bakit pakiramdam niya namamanhid ang kanyang katawan. May namumuo ring galit. Galit na hindi niya mapagtanto kung para kanino. Nang bigla siyang mapatigil dahil nakatayo si Jericho sa pinto ng Gym. Nakamasid ito sa kanya at natitiyak niya rin na narinig nito ang usapan sa loob. Malapit lang kasi ang pinto sa changing room. Mabilis ang mga hakbang niyang lumapit kay Jericho. Hinila niya ito palayo doon. Nang makarating sila sa likod, padarag niyang binitiwan ang kamay nito at hinarap. "Kaya ba hindi sila lumalapit sa akin dahil ipinagkakalat mong boyfriend kita?" Galit niyang tanong dito. "Wala akong sinabi na girlfriemd kita," mahinahong sagot nito at ipinamulsa ang kamay sa pantalon. Matalim ang titig niya sa kalmadong si Jericho. "Alam kong narinig mo ang pinag-uusapan nila. Bakit hindi mo sinabing bestfriend lang kita!" Napaatras si Celina nang biglang humakbang palapit si Jericho sa kanya. Kinabahan siya at lumakas ang kabog sa dibdib. Kinakabahan man, nagawa pa rin namang niyang tumitig sa mukha ng lalaki. Napagmasdan niya ang mukha nitong guwapo pala kapag seryoso. Matangos ang ilong nito at manipis ang mamula-mulang labi. Huwag lang ngumiti dahil makikita ang alambre nito sa ngipin. Nanibago siya sa itsura nito dahil walang suot na makapal na salamin. Napansin niya tuloy ang singkit na mata nito pero nababagay sa mahahabang pilik mata. "Bakit ngayon ko lang napansin na guwapo pala itong bestfriend ko," tanong niya sa isip habang patuloy ang pag-atras. Nang naramdaman niya ang malamig na pader sa kanyang likuran. "Bakit ka umaatras? Takot ka ba sa akin?" Kalmante pa ring tanong ni Jericho habang palapit sa natatarantang babae. Hindi maunawaan ni Celina ang sarili dahil nangangatog ang tuhod niya habang malakas na kumakabog ang kanyang dibdib. "Anong pakiramdam na crush ka pala ng crush mo?" Tanong ni Jericho habang tumigil ito malapit kay Celina. Inilapit nito ang mukha sa mukha ng dalaga. Namula ng husto si Celina sa ginawa ni Jericho. "Lumayo ka nga!" Napalakas ang boses niya habang itinulak ng bahagya si Jericho para lumayo ito. "Can, I ask you something?" Ngumiti ito. Nagulat siya dahil wala na itong alambre sa ngipin. Mukhang maayos na rin ang ngipin nito. Napalunok siya at hindi na makatitig ng husto sa nang-aarok na titig ni Jericho. Para kasi siyang natutunaw sa paraan ng pagtitig nito. "Can you crush me back too, Crush!" Bulalas nitong nagpabuka nang malawak sa bunganga niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD