CHAPTER 5
CELINA'S POV (MOM)
Arf! Arf!
Sinalubong ako ni snow, Shane's puppy. I ruffled her hair.
Habang pinaglalaruan ko ang balahibo ni snow, napatitig ako sa nakita. Napansin kong parang may natuyong dugo sa balahibo nya.
Where did that came from?
"Shane? Shane?" She's not here. Nagpa enroll na ata.
"Ah celine. Umalis na si shane kanina. Magpapa enroll daw. Hindi na nga kumain yung batang yun hay nako." Sumulpot si manang beth galing kusina.
"Is that so manang? Then where's blizz? Shane mentioned on the phone call a while ago that she didn't saw her sister." It's so strange. Blizz always ask permission when she goes out.
"Ay aba ewan ko don sa batang iyon. Hindi ko rin nakita dito eh."
"That's not blizz." I said, getting worried.
"Maging ako ay nagtataka na. Laging nagpapa alam ang batang iyon. Oh di kaya mag iiwan sya ng note at ididikit sa refrigerator pero tinignan ko wala naman." Manang says with a hint of concern on her voice.
I'm so worried about her. Where are you blizz?
"O sya, Magluluto na ako. Magpahinga ka na celine. Alam kong pagod ka." And then manang goes to the kitchen.
I'm so exhausted and at the same time worried about my daughter. Umakyat na ako sa taas papunta sa kwarto ko. Sumunod si snow saken.
"Ang dilim naman dito sa hallway." I clicked the switch and the light spread through the whole hallway.
Snow is in front of blizz's room. What is she doing? She's playing something round. A ball?
I walked towards her. I grab the round thingy she's playing, kulay puti? Binaligtad ko ito, nabato ko ito sa sobrang gulat. I-is that an eye?
Gumulong gulong ito malapit sa akin at nagstop. Nakatitig ito saken.
"AHHHHHHH!"
*everything went black*
THIRD PERSON'S POV
Nahimatay si celine dahil sa kanyang nakita. Kinain ni snow ang mata. Mata ng kapatid ng kanyang amo, si blizz. Si snow rin ang kumain ng ibang parte ng katawan nito.
Samantala, si manang beth ay nakarinig ng kalabog mula sa itaas. Dali-dali itong umakyat sa taas. Nakita nya ang kanyang amo na si celine na nakahandusay sa sahig, walang malay.
"Ay jusko! Celine! Celine! Gumising ka riyan!" Pilit niyuyugyog ng kasambahay na si manang beth ang kanyang amo.
Napansin nyang may kinakain na kung ano ang asong si snow. Pilit nyang binubuka ang bunganga nito. Nang mabuka nya, kinuha nya ang bilog na bagay na nginunguya ng aso.
Nagulantang din sya sa kanyang nakita.
"M-mata. Kaninong mata ito jusko! Panginoon!" Nangangatal ang kanyang labi sa nakita.
"Tulong! Tulungan nyo ako! Si celine! Jusko." Hindi nya alam ang kanyang gagawin. Gulat na gulat pa rin sya sa kanyang nakita.
Nang marinig ng driver nilang si manong ruben ang sigaw ni manang beth, dali dali itong pumunta sa pinagmulan ng sigaw. Binuhat nya ang kanyang amo at pilit ka kinakausap ang pawisan at tulalang si manang beth.
"Beth? Anong nangyayari dito? Bakit nawalan ng malay si ma'am celine?" Ngunit parang wala pa rin itong naririnig. Bulong lang ito ng bulong habang nanginginig ang kanyang mga kamay.
"M-may mata. Mata. Mata ng t-tao. Jusko jusko habaging panginoon."
Hinayaan na lamang ito ni manong ruben at mabilis naglakad pababa upang dalhin sa hospital ang kanyang amo na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.
SHANE'S POV
BRADFORD ACADEMY
Andito na ulit ako. Sa eskwelahan kung san nangyari yon. Bradford academy. It's been two years since that happened but the memories are still here, inside my head. It still haunts me.
I parked my car on the school's parking lot. Andaming tao. Sana di nila ko mapansin kahit na sobrang labong mangyari yon.
Pagkababa ko ng kotse, nagsitingian yung mga estudyante. May mga nagbulungan, may mga nagulat, may mga tinignan ako mula ulo hanggang paa at may mga mukhang naiinis.
Wala akong nagawa kundi yumuko habang naglalakad papunta sa registrar's office. Lahat ng nakakasalubong ko, tumitigil sa ginagawa nila para lang pagmasdan ako. Please, I hate attentions.
Mas lalong lumakas ang bulungan nila nang makarating ako sa quadrangle. Dito mas maraming tao. Maging ang mga teachers napapatigil sa paglalakad at pinagtutuunan ako ng pansin.
"Diba sya yon?"
"Ang kapal ng mukha nyang magpakita pa dito."
"Kahit na walang sapat na ebidensya na di nya ginawa yon, hindi ako naniniwala."
"Andito yung pumatay kay mhadelene."
"Baliw sya, baliw."
Please, tama na. Hindi ako b-baliw. Patuloy parin ako sa paglalakad habang nakayuko nang may mabangga ako. Great, just great.
Napaupo ako sa lakas ng pagkakabungo nya saken.
"Miss are you okay? I'm so sorry." Inilahad nya ang palad nya saken.
"A-ah that's okay. Im fine. Don't worry about me." Nag angat ako ng tingin upang abutin ang kamay nya pero sana pala di ko nalang ginawa. Si burn.
"S-shane?" Gulat nyang tanong. s**t shane.
Tumayo ako agad agad at pinagpagan ang pwetan ko. "S-sorry ulit. Excuse me." At kumaripas ako ng takbo. S-si burn. Ang ex boyfriend ni mhadelene.
BURN'S POV
Putangina. Si shane ba talaga yon? Nabuhay ulit yung galit ko sakanya. Sya any pumatay sa girlfriend ko. Hindi ko sya mapapatawad. Papatayin ko sya. Papatayin ko sya gaya ng ginawa nya kay mhadelene.
Pinunasan ko yung namumuong luha sa mata ko. I miss my girlfriend. Sana, sana ako nalang yung pinatay. Sana ako nalang.
Dapat di ka nalang bumalik dito shane. Dapat nag pakasasa ka nalang sa states.
I smiled devishingly and rumpled her picture on my hands. I'll kill you Shane Abigail Callahan.
SHANE'S POV
Hingal na hingal akong dumating sa registrar's office. Si burn. Ramdam ko yung galit nya saken. Pero hindi ako pumatay kay mhadelene. Hindi nga ako.
Ikaw ang pumatay kay mhadelene!
"HINDI NGA AKO!" Napasigaw nalang ako sa sobrang sama ng loob.
Nagtinginan yung ibang mga estudyanteng nandito sa labas ng registrar's.
"Ang creepy nya." -girl 1
"Is she talking to herself? She's crazy." -girl 2
"Yeah right." -girl 1
At nagtawanan sila. Nagpantig ang tenga ko sa narinig. Bakit ba ganun sila? Masyado silang mapanghusga.
Binalingan ko ng tingin yung 3 babaeng naguusap sa gilid ko. Pagtingin ko sa kanila, mukha silang nakakita ng multo. What's wrong with them?
"M-maligno! Maligno!" -girl 1
"She's a demon! demon!"- girl 2
"Wtf? Let's go girls!"- girl 3
At kumaripas sila ng takbo. Muntikan pa silang madapa sa sobrang pagmamadali. What just happened? Ganon din yung nangyari kay ate blizz.
Ate... Naalala ko nanaman sya. Namumuo nanaman yung luha ko kaya agad agad ko itong pinunasan.
Pumasok na ko sa loob ng registrar's office. Naabutan ko si Ma'am Reyes. Andito pa rin pala tong teacher na to.
"G-good afternoon Ma'am Reyes." She seems shocked when she saw me.
"Oh Good afternoon shane. Sit down."
"Mag e-enroll po ako." She's still staring at me.
"Okay ka na ba? Hindi ka na ba baliw?" she said ans started laughing. Ang sakit sa puso. Ganto pa rin sya. Isa rin sya sa mga naniniwalang ako ang pumatay kay mhadelene.
Wala akong ibang nagawa kundi yumuko sa sobrang pagkapahiya. "Oh God, sorry ah HAHAHA. Okay akin na mga requirements mo." Tahimik ko namang inabot yung mga kinakailangan para makapag enroll.
"Okay you're enrolled now. Black building. Class 10-A. So, were done here. You may go." Class A. Great. Sila sila nanaman yung magiging classmate ko for the whole year.
I stood up and slightly bows at her. "Thank you Ma'am Reyes. I'll go now." Bubuksan ko na sana ang pinto ng magsalita ulit sya.
"Wag ka na maghasik ng kabaliwan ah HAHAHAHA!" Bahagya akong lumabas ng nanginginig. Bakit ba ganun sila? Wala nga akong kasalanan! Wala!
Don't worry shane. I'll take care of them HAHAHA
Napatigil ako sa paglalakad dahil sa narinig.
"W-what do you mean abby?" Wala akong pakealam kung may makarinig saken. Baliw naman ako sa paningin nila eh.
Nothing.
She sounds so serious. Pinabayaan ko nalang. Mabilis akong naglakad. Gusto ko ng umuwi. Na s-suffocate ako dito.
Pagliko ko sa dinaanan ko kanina, napatigil ako. Kung minamalas ka nga naman.
"Oh my god! Shane!" Tumakbo sakin si Blair. Niyakap nya ko. Isa sya sa mga friends ko dati.
Fake tch.
Alam kong palabas nya lang to. Dyan naman sya magaling eh. Kahit na alam kong pina-plastic nya lang ako, I still manage to smile, slightly.
"Shane! Nakauwi ka na! How are you?" She seems happy to see me. She smiles widely but I can see it in her eyes, she hates me.
"I-I'm fine."
"Guys! Si shane! Aren't you guys happy to see her?" Bumaling sya sa likod. There's Ayumi, Casey, Levy, Keith, Lawrence and Hunter. My circle of friends, before.
How I miss them. Nagsimulang mamuo yung luha ko. Kung sana lang, mabago ang nangyari noon, ayos sana kaming lahat.
"S-shane." Nakaawang ang bibig ni levy nang makita ako. Alam kong hindi sya kailanman naniwala na ako ang pumatay kay mhadelene. Lalapit sana sya saken ng pigilan sya ni lawrence. I think they're a couple now.
"Don't come near her lev." Matalim na nakatingin si lawrence saken. Nag iwas ako ng tingin.
Si ayumi naman ay gulat na gulat na nakatingin saken. May tumulong luha sa mata nya. Naalala nya parin. Sya yung nakakita saken sa cr ng girls, along with the chopped body of mhadelene.
Tch Fake people.
Si casey naman, lumapit saken. I thought she'll hug me but I was wrong.
She slapped me. Namanhid yung pisngi ko sa ginawa nya.
"Bumalik ka pa ha?! Matapos ng ginawa mo? Ang kapal talaga ng mukha mo noh?!"
She's about to slap me again nang hinuli ko ang kamay nya. Nagulat din ako sa naging kilos ko, I didn't even know na naitaas ko ang kamay ko para mapigilang dumapo yung palad nya.
Natigilan sya't tumingin sa aking mukha. Pinagpawisan sya habang nakatitig sa akin.
For a second, parang hindi ako ang nasa katawan ko.
What's happening to me?