CHAPTER 4
SHANE'S POV
Nagising ako dahil nakaamoy ako ng malansa. Ano yun? Pagmulat ko ng mata ko, nandito ako sa kwarto ni blizz.
Anong ginagawa ko dito? Sa pagkakaalam ko natulog ako sa kwarto ko.
Nang medyo luminaw na yung paningin ko, dun ko lang napansin yung mga nagkalat na laman loob ng tao dito sa kwarto ni ate. L-laman loob?
A-ang daming dugo. May mga nagkalat na putol na paa, putol na kamay, may mata, at u-ulo.
Kahit nanginginig ako, nilapitan ko pa rin yung pugot na ulo. Natatakpan ito ng buhok nya.
Hinawi ng mga nanginginig kong mga kamay yung mga buhok para makita ko yung mukha.
Tumambad sakin ang walang mata at nakabukang bunganga ng ate ko. Si ate b-blizz.
"A-ate blizz." Nagtuluan yung mga luha ko. Kahit nanlalabo ang mga mata ko sa dami ng luha, tinignan ko ang suot ko. Puro dugo.
May naramdaman akong nakaipit na laman sa ngipin ko, hinawakan ko ito at tinanggal. U-utak? Kahit may kutob na ko kung kanino to, gusto ko pa rin patunayan.
Tinignan ko ulit ang pugot na ulo ng kapatid ko. Dun ko napansin na nakabukas na ang bandang ulo nito, wala ang utak ni ate.
Napaupo nalang ako sa sobrang panghihina. Hindi.
Humagulgol na ko. "A-ate, ate hindi. Hindi ate b-blizz."
Gusto mo bang makulong? Linisin mo na ang kwarto ng ate mo.
"A-abby, pinatay ko si a-ate. Pinatay k-ko sya. P-pero pano mangyayari yon? W-wala akong maalala"
HAHAHA! Tumayo ka na! Linisin mo na yan! Huhulihin ka nila! Dadalhin ka nila ulit don!
Kahit nanghihina yung mga tuhod ko, pinilit kong tumayo. Ayoko nang bumalik don, ayoko.
Tumakbo ako sa cr ni ate blizz at kinuha ko yung mop nya. Tinanggal ko yung mga dugong nagkalat. Yung mga laman loob nya nalang yung natira. Kahit naiiyak ulit ako, pinulot ko yon isa isa. Dun ko napansing kulang kulang yung mga laman loob nya.
Nang maalala ko yung nakuha kong parte ng utak sa ngipin ko, tumakbo ako sa banyo at sumuka. Nasuka ko yung isang mata ni ate.
"K-kinain ko sya? Kinain ko si a-ate?" nanginginig kong sambit.
Napatakip nalang ako sa bunganga ko at napaupo. Natulala ako habang tumutulo ang mga luha ko. Kailangan ko ng kausap. Lumapit ako sa salamin at dun ko nakita si abby.
"Pinatay mo ang ate mo! Pinatay mo si blizz! Mamamatay tao ka!"
"Hindi! Hindi ako mamamatay tao! Tulog ako kanina! Pano ko mapapatay si ate? Pano?!" Nanginginig nanaman ako.
"You're a psychopath! You are a psychopath!"
"Im not a psychopath! I-im not!" sigaw ko habang nagtutuluan ang luha ko. hindi ako ganon, hindi!
"Tanggapin mo nalang shane. Tanggapin mo nalang ang binibintang nila sayo. Naalala mo ba? Naalala mo ba yung nangyari 2 years ago? Gantong ganto rin yon. Ganto rin yung ginawa mo kay mhadelene!"
"Hindi ako ang gumawa non kay mhadelene! Hindi ako! Hindi hindi."
"Ikaw yon! Nagising ka rin non at nakita mo si mhadelene na hiwa hiwalay ang katawan! Ikaw yon!"
"Hind- papano mo nalaman ang tungkol don abby?! Pano?!" Nanlaki ang mata ko. Pano nya nalaman yon? May kinalaman ba sya dito?
"Sabihin mo nga abby, may kinalaman ka ba don? Ha?!"
"HAHAHAHA! Baliw ka na talaga! Pano ko magagawa yon ha? Pano? Sabihin mo nga?"
"Hindi ako may gawa non! Pati yung kay a-ate blizz! Wala akong maalala ni isa. Wala."
"Ewan ko sayo HAHAHAHA! Linisin mo na lang yang mga kalat na yan. Magbihis ka na din. Amoy patay ka! HAHAHAHA"
"Hindi nga ako gumawa non! Hindi nga!"
"LINISIN MO NALANG! ANG DAMI MONG DADA!"
Ayan nanaman yung nakakatakot na mukha ni abby. Ang sama ng tingin nya. Tumayo yung balahibo ko.
"Kikilos ka ba o hinde? ANO SHANE?!"
Wala akong nagawa kundi sumunod. Nakakatakot sya, sobra.
Binuksan ko na yung shower at hinubad ko na yung puro dugo kong damit. Pano ko magagawa yon? Pano? Alam kong tulog ako. Nandon ako sa kwarto ko kanina. At tyaka bakit wala akong maalala kung ginawa ko yon?
Nalinis ko na lahat. Hindi ko alam kung san ko ilalagay yung mga natirang parte sa katawan ni ate kaya pinakain ko nalang to sa aso ko, si snow.
Parang walang nangyari. Wala ni isang bakas na may nangyaring ganun dito sa kwarto ni ate.
Maging ako, ang linis ko. Pati yung malansang amoy wala na. Kahit nag sipilyo na ko ng ilang beses, nalalasahan ko pa rin yung dugo ni ate.
Naiiyak nanaman ako pero pinipigilan ko. Hindi, hindi ako ang gumawa non kay ate. Hindi ako.
Pumunta ako sa kwarto ko at hinanap yung cellphone ko. Nakita ko yung 20+ missed calls ni mom.
Pagkahawak ko, tumunog ulit ito. Tumatawag si mom. Sinagot ko ang tawag nya.
"Shane? Shane dear? "
"Yes mom?"
"Bakit ngayon mo lang sinagot yung tawag ko? What's wrong?"
"M-may ginawa lang po ako mom." Narinig kong huminga ng malalim si mom.
"Is that so? Sa susunod wag mo nang iiwan ang phone mo ah? I'm so worried."
"Y-yes mom I understand. I'm sorry."
"Okay dear. Btw, where's blizz? I want to talk to her." My heart skipped a bit. Anong sasabihin ko? Sasabihin ko bang nagising ako sa kwarto ni ate tas nakita ko syang lasog lasog na ang katawan?
"Shane dear? Are you still there?"
"A-ah mom, I don't know where she is. I-I didn't see her."
"Hays. Ang ate mo talaga! Okay I'll hang now, take care shane okay? I love you."
"I love you too mom, bye." Then she hangs up. Pagkababa ko nang kamay ko, nagsi tuluan nanaman yung mga luha ko. Ate...
Tinignan ko yung oras sa phone ko. It's already 2:15PM. Mag e-enroll pa ko.
Nagbihis na ko ng white sleeveless na may malaking butas sa bawat gilid, buti nalang naka tube ako. Then nagsuot ako ng short shorts and a pair of white converse.
I sigh. Kakalimutan ko nalang yung nangyari. Hindi pwedeng may makaalam. Baka pagbintangan nanaman nila ko. Ayoko nang bumalik don sa mental hospital. Hindi ako baliw. Hindi.
Bumaba na ako. Nakasalubong ko sa Manang Beth. Sya yung head ng mga katulong namin.
"Oh ija, magpapa enroll ka na ba? Kumain ka muna." Ambait talaga ni manang. I wonder, may narinig kaya sya kanina?
"Ah hindi na po manang. Busog pa po ako."
Busog pa po sya kasi kinain nya yung ate nya HAHAHAHA!
Gusto kong sigawan si abby pero wala rin akong mapapala. At tyaka nandito si manang.
"Sigurado ka ba? O sige. Magiingat ka ah? Ingat sa pagmamaneho."
"Opo manang. Salamat po." I hugged her tightly. Gusto kong umiyak sa kanya. Pero di ko magawa.
"O sya, lumakad kana."
Nginitian ko si manang at nagsimula na kong maglakad papunta sa garahe. Inutusan ko si manong ruben para ihanda ang kotse.
Nang maihanda na nya ito, pumasok na ako at nagsimula nang magmaneho.
Ano kayang magiging reaksyon nila pag nakita nila ako?