CHAPTER 31 LAWRENCE'S POV Nagising ako nang maramdaman kong may pilit pinapakain sakin. Nang makapa ko ito gamit yung dila ko ay dun ko napagtanto na gamot iyon. Anong gamot? Bahagya kong minulag ng konti yung mga mata ko. Nakita ko si shane sa harap ko. Sya yung pilit na nagpapainom ng gamot saken. Anong balak nya? Inipit ko yung gamot sa gilid ng bunganga ko. Tinanggap ko yung pinainom nyang tubig sakin. Lumunok ako para magmukhang nainom ko talaga yung gamot. Nang malingat yung paningin nya ay kinuha ko yung gamot sa bibig ko at nilagay sa ilalim ng kama kung san ako nakahiga. Pano ako makakalabas dito? Tumayo ako sa pagkakahiga at napahawak sa likod ng ulo ko nang bigla itong kumirot. Oo nga pala, may humampas sakin kanina. Tumingin ako kay shane, sya kaya yun? Pinahiga nya ak

