CHAPTER 30 SHANE'S POV Pagkahatid ko kay levy sa magiging kwarto nya ay tumungo na ako sa sarili kong kwarto. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na ang isa sa mga matatalik kong kaibigan. Isang kaibigan na kahit kailan ay hindi naniwalang ako ang pumatay sa isa pa naming kaibigan na si mhadelene. Nakatitig lang ako ngayon sa tanawin sa terrace dito sa kwarto ko. Maya maya ay pupuntahan na ako dito para sa pagbibigay ng kwintas na magagamit ko para hindi ako masunog sa sarili kong mundo. Kakayanin ko ba talaga? Tok! Tok! Tok! Speaking of, nandito na ata yung susundo sakin. Sino kaya? Si ate blizz? Si kuya zeighmour? O ang best friend kong si courtney? Lumapit ako sa pinto upang pagbuksan kung sino yung kumakatok. Nang mabuksan ko ang pinto ay bahagya akong nagulat. Akala k

