Dumilim ang lugar at nagsimula na may play ang movie sa malaking screen. Medyo naboringan ako sa palabas kaya naman kay Alexa na lang ako tumingin na seryosong nanonood ng movie. Hindi nya ako napansin na nakatingin sa kanya. Napangiti ako habang pinagmamasdan sya. Kahit madilim at ang tanging liwanag lang na nagmumula sa screen ang nagsisilbing liwanag para makita ko ang napakagandang at seryosong mukha ni Alexa. Napalingon sya sakin. Kumunot ang noo nya marahil nagtataka kung bakit sa kanya ako nakatingin. "Mas maganda ka pa sa movie." sabi ko. Napailing sya at tumingin ulit sa screen. Napangiti ako. Umayos ako ng upo. Dahan dahan kong isinandal ang ulo ko sa balikat ni Alexa. Hindi naman sya umangal. Napatingin ako sa kamay nya na nasa arm ng upuan kaya kinuha ko ito at hinawakan.

