Sumakay ako ng jeep papunta sa Shakers. One way lang naman yung sinakyan ko kaya hindi naging hassle ang byahe ko. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. Napangiwi ako na makita na five o'clock na pero wala pa ako sa Shakers. Mabilis na bumaba ako sa babaan ng building ng Shakers. Maglalakad pa ako ng konti para makarating ng gate. Tinakbo ko na yon dahil malalate ako. Tumigil ako sa harapan ng gate. Kinausap ko ang guard. Pagkabanggit ko pa lang ng pangalan ko pinapasok na nya ako. Nagtataka ako pero baka nasabi ni Alexa na darating ako. Nagtanong pa ako kung saan ang gym nila dahil hindi naman ako napasyal don ni Louise nung dumating kami ni Astra. Sakto nang dumating ako ay nagsisilabasan na sila. "Zoe!" napatingin ako kay Louise. Nakangiting sinalubong ko sya. "Anong ginagawa mo d

