Chapter 5

1571 Words
"Zoe." tumingin ako sa taong tumawag sakin. "Ate Ella, bakit po?" tumigil ako sa paglalakad. "Pinapabigay sayo ni Avey." nagtaka ako pero kinuha ko pa din ang kahon na inaabot nya sakin. "Ni Ate Avey? Bakit naman po?" tinignan ko kung ano laman ng kahon. "Sorry gift daw sa inyong white team dahil pinahirapan nya kayo." napanganga ako sa laman ng kahon. Ano ang laman? Wrist Weight and Ankle Weight lang naman. "Ate hindi ata sorry gift to eh parang pahirap pa si Ate Avey samin." sabi ko. Kaya pala medyo mabigat yung kahon, ito pala ang laman. "Ang masaklap ikaw lang ang binigyan ni Avey nyan. Yung iba kasi shirt at jersey lang pero ikaw." tapos nakitbitbalikat sya. "Pero sabi nya makakatulong daw yan sayo. Sabi nya alam mo na daw yon." ngumiti ako. "Pakisabi po kay Ate Avey salamat dito." umalis na kasi silang dalawa ni Ate Kill kaya hindi ako makakapagpasalamat sa kanya. "Sure. Anyway I have to go now. See'ya later." tumango ako sa kanya tapos naglakad na din ako papunta sa kwarto ko. Salamat sa diyos at hindi ako nagkasakit. Medyo masakit lang ang katawan ko dahil nga pinahirapan kami ni Ate Avey. Mabuti na lang mamayang ala tres ng hapon pa ang pilian ng team kaya pwede pa ako makapagpahinga ng ilang oras. Tumingin ako sa higaan ni Japan. Umiwas ako ng tingin at pumunta sa higaan ko. Jeez bakit ganon yon makatingin? Para akong papatayin ah. Tumingin ulit ako sa kanya na tumayo sya at lumabas ng kwarto. Nakitbitbalikat na lang ako at nahiga sa kama ko. Kalhating oras bago mag-ala tres dumating sa kwarto ko si Louse. Niyaya nya akong lumabas at maglakad lakad. Napagkwentuhan namin ang nangyari samin kahapon. Bumabawi naman ang loko sa pagtawa sa mga pinagagawa namin. Kung sila ang matalo tatawanan ko din ang babaitang ito. "Zoe anong team sasalihan natin? Ilang minuto na lang 3 o'clock na." sabi ni Louise. "Saan nga ba? Ikaw ba? Saan mo gusto magteam? Kung saan ka doon na din ako para walang iwanan." kinindatan ko sya at napangiwi naman sya kaya natawa ako. "Shet Zoe wag ako ah! Straight ako." sabit nya. "Kahit anong straight mo ,mababaluktot ka din." sabay kami napatingin ni Louise kay Ate Krystal. "May pag-asa." taas baba kilay kong sabi kay Louise. Hinampas nya ako sa braso. "Masakit yon ah! Hindi ka ata basketballista eh! Volleyballista ka ata ang sakit ng hampas mo." maktol ko. "Nakakaasar talaga!" natawa kaming parehas ni Ate Krystal kay Louise. Pikon nya masyado talaga. "Baka kayo ang magkatuluyan nyan." sabi ni Ate Krystal habang paalis. "No way!" singhal ni Louise. Natawa na lang si Ate Krystal hanggang sa hindi na namin sya makita. "Maka-no way ka naman akala mo type kita. Uy umasa ka panget." bago nya pa ako mahampas tumakbo na ako habang natatawa. Hindi naman panget si Louise, sa totoo nga eh maganda sya at hindi halata na isa syang basketballista sa sobrang sexy nya at malamodel ang mukha. Kaso pikon at isip bata. "Nakakaasar ka talaga Zoe Reyes!" sigaw nya. "Hindi magiging maganda ang buhay mo dito kung walang mang-aasar!" sabi ko sa kanya. "Gago!" singhal nya. Natawa ako. "Para kang si Avey." sabay na naman kami napatingin ni Louise kay Ate Juls kasama si Ate Shiela na magkaholding hands. "Ako po?" ano naman ang pagka-Ate Avey ko? "Sino pa ba?" singit ni Louise. Nagsmirk ako sa kanya at nahalata nya na may binabalak ako kaya agad syang nagtago sa likod nila Ate Juls. "Ate oh si Zoe." natawa ako kay Louise. Wala pa nga akong ginagawa nanunumbong na sya. "Zoe." banta ni Ate Shiela. Bineletan ako ni Louise. Mamaya 'to sakin. "Ate wala pa akong ginagawa ah." totoo naman wala pa. "Pa means may balak. Pag nandito si Alexa makakatikim ka ng paltok dahil sa maitim mong balak." sabi ni Louise habang nakatago pa din sa likod nila Ate Juls. "Paki ko don sa Alexa na yon. Takot naman sakin yun eh." sabi ko. Napangisi yung tatlo habang nakatingin sa likod ko. Bigla ako napalunok at tila alam ko na kung bakit. "Ano sabi mo Zoe?" bigla ako napaharap sa kanya. Umiwas ako ng tingin at sumipol sipol na tila wala akong sinabi. "Wala kaya akong sinabi." maangan ko. Syempre gustong bumawi ng isa dyang nagtatago sa likod nila Ate Juls kaya nilaglag ako. "Sabi mo kaya wala kang paki kay Alexa at takot sya sayo." sinamaan ko ng tingin si Louise pero nagtago sya sa likod nila Ate Juls na tumatawa. "Ako? Takot sayo Zoe?" nanlaki ang mga mata ko na itaas nya ang librong makapal na hawak nya. "U-uy Alexa bi-biro lang yon-ahh!" tumakbo ako palayo kay Alexa na lumapit sya sakin. Dahil takot akong mahampas ng librong hawak nya, mas mabuti pang takbuhan ko sya kaysa na mahampas non! Naghabulan kami ni Alexa hanggang sa umabot kami sa gym at pumunta sa court ng Blue Team kung saan nandito sila Ate Ella at yung mga ibang rookies na sa Blue team sumali. "Ate Ella! Si Alexa oh!" nagtago ako sa likod ni Ate Ella at ginawang shield. Hindi makahampas sakin si Alexa kasi nakaharanga nga si Ate Ella. "Lagot kang bata ka." sabi ni Aj. Dito pala sya sumali. "Hoy Zoe wag kang magtago kay Ate Ella!" sabi ni Alexa. "Ano ako hilo? Hahampasin mo kaya ako ng libro." sabi ko na umiiwas kay Alexa. "Malilintikan ka talaga sakin." sabi nya. Nginisian ko sya kaya lalo syang napikon. "Hops!!" awat ni Ate Ella. Pinigilan na din nila Ate Anya si Alexa ako naman hindi pa din umaalis sa likod ni Ate Ella. "Ano ba naman kayo. Para kayong bata." sabi ni Ate Zeke. "Bata pa naman kami ah." sabi ko. Duh wala pa kaming 20's. "Umayos ka Zoe malilintikan ka talaga sakin." sabi ni Alexa. Napasmirk ako sa kanya. "Ni hindi mo nga ako mahawakan." sabi ko agad akong lumipat ng taguan sa likod ng habulin na naman ako ni Alexa pero buti na lang napigilan sya nila Ate Anya at Ate Sharm. "Sakit mo sa bangs Zoe." sabi ni Ate Bea. "Okay lang yon at least hindi ulo." sabi ko at iniligay ko ang dalawang kamay ko sa ulunan ko. Tumingin ako kay Alexa na pinipigilan pa din nila Ate Anya. Napangisi ako. Damn, she's looks hot. Napaaray ako ng makatanggap ako ng paltok mula kay Ate V. "Umayos ka Zoe. Ikaw pa naman inaasahan na magiging captain ng mga rookies dahil sa maayos mong mapalakad ang kateammates mo pero kung umasta ka ngayon para kang bata na walang magawa." sermon ni Ate V. Nagpout ako. "Ayokong maging captain. Si Alexa na lang tutal masusunod nya ang mga members." sabi ko. Hindi ko pinangarap na maging captain sa isang team kaya ayoko. "Bakit naman ayaw mo?" tanong ni Russel. Napakamot ako ng ulo. "Sakit sa ulo eh." sagot ko. "Mas masakit kung walang ulo." singit ni Alexa. Aba, pumapalag. Natuwa ako ng palihim. "Lah, hanggang dito lang yung usap oh." sabi ko habang nililigyan ng imaginary line na hindi kasama si Alexa. Napatago ako sa likod ni Ate V nung susugod na naman sya. Grabe para syang tigre na namamaktal pero ang hot nya talagang tignan. "May na alala ako. Ano sa tingin nyo?" biglang sulpot ni Ate Joey at Ate Juls. "Ano naman naaalala mo hon?" tanong ni Ate Ella kay Ate Joey sabay halik nito sa pisngi. "Diba dapat ikaw agad ang unang makakaalala nyan?" sabi ni Ate Juls. Lahat kami nagtataka sa pinagsasabi nilang dalawa ni Ate Joey. "Mukhang hindi nyo napansin." sabi ni Ate Joey. Pabitin ayaw na lang sabihin kung ano ba talaga yon. "Ano ba yon Joey? Juls?" tanong ni Ate Aly. "Itong si Alexa at Zoe. Little  lang naman nila Ella at Avey nung rookies pa tayo." sabi ni Ate Juls. Nagkatinginan kami ni Alexa. Little version namin ni Ate Ella at Ate Avey? "Oo nga 'no! Dating tatamad tamad na Avey at masungit na Ella." sabi ni Ate Sharm. Tamad dati si Ate Avey? Impossible! Tapos si Ate Ella masungit noon? Eh ngayon bakit sobrang bait? "Baka kayo ang magkatuluyan nyan." sabi ni Nikki. "Eh kung umbagan kita dyan?" sigang sabi ni Alexa. Natawa ako. "Parang ikaw talaga Ella." natatawang sabi ni Ate Aly. "Seryoso? Kanina si Louise tapos si Alexa? Kung magkakagusto man ako sa babae hindi katulad ni Alexa na masungit. Mas pipilin ko pa yung taong mahirap kunin at least yon may thrill kaysa sa amazona na walang gawin kundi magsungit." sabi ko. Natakot ako ng biglang makawala si Alexa kanila Ate Anya kaya dali dali akong tumakbo palayo sa kanya. Tae hindi naman sya mabiro oh! Para tuloy akong nasa temple run na hinahabol ng amazona. Hot na amazona. Bago ako makaalis sa court ng Blue Team. Narinig ko pang may sinabi si Ate Ella. "Tama nga si Avey. Ang little me nya ang magkakainteresado sa little me ni Kill." sabi nya. "Melting Ice Princess part two." sabi pa ni Ate Juls at natawa sila Ate Ella. Nagtataka man pero ang gandang pakinggan ng Melting Ice Princess. Naalala ko si Japan dahil para syang Ice Princess na ang cold nya samin miski kanila Ate tapos tipid magsalita at kung magsasalita man ang lamig pa. Laging suot ang signature look nyang poker face with don't-talk-to-me-look. Nadagdagan ang challenges ko sa sarili ko. Bakit hindi ko subukan tunawin ang Japan na yon? ---------------------- A/N: Lame.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD