Kill's POV
"Grabe talaga yang girlfriend mo Kill pahirap. Buti hindi ginawa yan satin dati." sabi ni Zeke sakin.
"Pero ginagawa nya yan samin." napatingin sya sakin.
"Seryoso? Shet." natawa ako. Takot na takot talaga sila sa mga pinaggagawa ni Avey sa katunayan pa nga naiimprove ang skills namin sa tuwing pinapagawa ni Avey ang ganon pero hindi lahat pinapagawa nya, baka masobrahan kami kung palagi.
"Natakot talaga sila sa thrill ni Avey tignan nyo naman ang laban nila, walang pinapalusutan. Ayaw nilang magpatalo." sabi ni Sharm.
"Sinong hindi matatakot eh ang hirap ng pinapagawa ni Avey." sabat ni V.
"Grabe kayo sakin. Si baby nga nagagawa nila yon." sabi ni Avey.
"Pinapagawa sa inyo yon bear? Kawawa naman kayo." sabi ni Shiela. Nakitbitbalikat ako. Sanay naman kami pero napapagod din.
"Bantayan nyo si Jay!" sigaw ni Torey. Hinabol nila si Jayden na papunta sa court nila. Naharangan ni Russel si Jayden kaya napahinto sa pagtakbo at ipinasa na lang ni Jayden ang bola kay Alexa at shinoot nya. Pasok ang bola.
49-51 ang score lamang ang White team.
"Kaya pa yan!" pinasa ni Yuri yung bola kay Nikki. Hinarangan ni Patricia si Nikki pero nalusutan pa din sya. Tumakbo sya papunta sa ring at nung malapit na sya sa ring hinarangan sya ni Aj at Jayden. Ipinasa na lang ni Nikki ang bola kay Russel naopen pero naharangan ni Zoe at sa kanya napunta ang bola. Tumakbo sya papunta sa court ng kalaban. Hinarangan sya ni Japan.
"Little you vs little me." sambit ni Avey. Hinawakan ko ang kamay nya at pina-intertwined.
Nagfake nagshoot si Zoe kaya napatalon si Japan. Nung pababa na si Japan don lang sya ng shoot at pasok yon.
"Wala ka pala sa little me ko." sabi ni Avey. Kiniss ko lang ang kamay nya. Wala ako masabi eh.
Ipinasa ni Russel kay Japan ang bola. Naharangan sya ni Aj pero nakalagpas sya. Hinarangan sya ni Zoe at Alexa. Hindi sya makakawala sa dalawa dahil mahigpit ang bantay nila. Bigla nagbago ang pagdribble nya, animo'y nagslowmotion sakin kung paano nya idribble ang bola at kumilos pa kaliwa na sinundan ni Alexa tapos tumigil ito kaya natumba si Alexa. Humarang naman si Zoe sa gitna nila ni Alexa. Sinubukan nyang tapikin ang bola pero naiwasan ni Japan ang bola. Kumanan sya kay Zoe na sinundan ni Zoe. Katulad kanina ay tumigil si Japan at natumba si Zoe sa pagtigil nito. Lahat na gulat sa ginawa nya kaya kinuha nya ang pagkakataon para magtres. Hindi sya nakatingin sa ring nung shinoot nya yon, kay Zoe sya nakatingin. Tumingin ako sa ring. Pasok.
"What the.." sabi ng mga nasa bench na rookies. Lahat sila nakatingin kay Japan.
"Now who's nothing to my little me?" ngising sabi ko kay Avey na isa ding nagulat.
"Sabi ko na ikaw talaga yan Kill eh! Kapatid mo ba si Japan at magkatulad na magkatulad kayo?" unang nakabawi sa lahat ay si Anya.
"No, we're not." sabi ko. Tumingin ako kay Japan. Nakatingin sya sakin. Nginitian ko sya at tumango sya bago tumakbo papunta sa court ng kalaban.
Natauhan na ang lahat pero hindi nila maiwasan na hindi mapahanga. Sinasabi nila Shiela na iisa lang kami ni Japan pero hindi naman. Hindi kaya ni Japan ang misdirection, parehas kaming cold at marunong mag ankle break. Yun lang ang pagkapareho namin dalawa. Magkaiba din kami ng style sa paglalaro.
"Don't mind that. Wag kayong magpapadala!" sigaw ni Zoe. Pansin ko na magiging magaling captain sya sa magiging team nya. Pinapalakas nya ang loob ng kateammates nya.
Nakuha ni Torey ang bola kay Jayden kaya napatakbo sila pabalik sa court nila Jayden. Naharangan ni Alexa si Torey pero pinasa agad ni Torey ang bola kay Japan pero naharangan ni Zoe ang bola papunta kay Japan at ipinasa kay Patricia ang bola sa mabilis na pasa. Pangalawang pagkakataon nagulat na naman sila. Hindi siguro nila nakita si Zoe sa pwesto na yon. Miski ako hindi ko napansin na nakapunta na sya don.
"Pat ishoot mo ang bola!" sigaw ni Zoe.
Doon na tauhan lahat, agad tumakbo si Pat sa court nila Japan at walang nakapigil na ilay up nya ang bola.
"Shet, akala ko hindi lang si Kill at si Erin ang nakakagaw ang misdirection. Kaya din pala yon ni Zoe." sabi ni V.
"Nakakagulat 'tong mga rookies natin ah parang nung batch lang nila Kill ang mga 'to." sabi ni Juls.
"Mukhang sakit din sa ulo ang mga 'to." sabi ni Joey.
"Parang sinabi mo na din sakit kami sa ulo." sabi ni Shiela.
"Babe sakit talaga kayo sa ulo non." sabi ni Juls.
Tumingin ako kay Avey na sumandal sa balikat ko.
"Mukhang kilala ko na kung sino ang interesado sa little me mo." sabi nya.
"Sino?"
"Edi si little me." nailing ako.
"Purkit na little natin yung dalawa sila nandin ang second version natin. Lahat sila maiinteresado sa isa't isa." sabi ko at tumingin sa court. Saktong tumira si Torey na nasa gitna ng court. Walang nakablock sa kanya dahil mabilis na itira ni Torey ang bola.
"Wow!" sigaw ni Zeke. Pumasok ang tira ni Torey.
"Ang galing." sambit ni Bea.
Naging dikit na ang labanan. Halos lahat sila pinakita na nila ang kakayahan nila, lahat ng players nila nakakapaglaro. Ngayon fourth quarter na, ang best five players ang naglalaro sa bawat team. Sa black team sila Japan, Russel, Torey, Yuri at Louise. Sa white team sila Zoe, Jayden, Alexa, Patricia at Jhianne.
Ang score all 88, may seven minutes na lang silang natitira.
"Mukhang magiging intense ang laban ah." sabi ni Shiela.
"Sino sa kanila kaya ang mananalo." sabi ni Anya.
"Walang nakakaalam." sabi ko. Tumingin ako sa court.
Zoe's POV
"Okay lang yan girls. Bawi na lang next time." sabi ko sa kateammates ko.
Natalo kami sa score na 103-105 nakapagtres si Japan sa huli kaya sila ang nanalo. Okay lang naman sana na matalo kami kasi friendly game lang naman kaso yung ipapagawa samin, doon kami natakot. Ang hirap naman kasi ng pinapagawa ni Ate Avey eh pagod na nga kami sa laro mahihirapan kami ng consequence na ipapagawa nya samin.
"Ate Avey pwedeng 50 na lang yung mga 100? Tapos 1km na lang yung takbo?" sabi ni Jayden.
"Hindi! 100 tapos 5km wag kang umangal dyan Jay." sabi ni Torey. Tinaasan ng middle finger ni Jayden si Torey kaya nakatanggap sya ng batok kay Alexa. Napangiwi ako.
"Umayos ka Jayden kababaeng mong tao napakabastos mo." sabi ni Alexa. Napailing ako.
"Ang sakit non Alexa! Ikaw kaya batukan ko." sabi ni Jayden.
Tumingin ako kanila Ate Avey.
"Pahinga muna kami bago namin gawin ang consequence. Napagod kami sa laro eh."
"It's okay, magpahinga muna kayo bago nyo gawin. Yung black team pwede na kayong magpahinga o bumalik na sa dorm." sabi ni Ella.
"Alright! Makakaligo na din." sabi ni Nikki at naunang lumabas ng gym. Sumunod na ang lahat ng black team.
"It's already 4pm, you have three hours to do my consequence. Pwede naman kayo magpahinga kapag napapagod na kayo pero syempre kailangan nyo matapos lahat ng yon by 7pm." sabi ni Ate Avey.
"Ito lang ang masasabi ko sa inyo. Please survive." sabi ni Ate Kill.
Pinilit kong wag matawa sa mga kateammates ko dahil halatang kinakabahan sila sa consequence ni Ate Avey. Miski ako kinakabahan pero syempre nangingibabaw ang epic ng mukha nila. Para silang natatae na hindi mailabas ng isang taon.
Pinagpahinga ko muna katawan ko ng sampung minuto bago ako tumayo ulit. Tila ako nakagawa ng kasalanan nang magsitinginan silang lahat sakin miski sila Ate Ella.
"Bakit?" umiling silang lahat. Natawa na lang ako at pumunta sa gilid para gawin ang push up.
"Grabe ka Zoe hindi ka man lang nagsabi na gagawin mo na." sabi ni Pat.
"Sorry." sabi ko lang at pinagpatuloy ang pag push up.
Tumigil ako ng maka-fifty ako na push up. Napahiga ako sa sahig ng gym sa pagod. Shet push up palang nakakapagod na.
"Ito oh tubig." namulat ako at napaupo.
"Salamat Ate Noimi." kinuha ko ang tubig at ininom. Halos maubos ko na ang laman non sa sobrang uhaw.
Tumingin ako sa mga kateammates ko. Nagpu-push up na din sila at yung iba nagpapahinga din katulad ko.
Binabantayan kami nila Ate Ella at binibigyan ng tubig at towel. Yung iba sa kanila na sila Ate Kill, Ate Juls, Ate Rachel at Ate Abby naglalaro ng basketball. Pinanood ko kung paano gumalaw si Ate Kill. Napayukom ako ng kamay ko nung nag-ankle break si Ate Kill. Umiwas ako ng tingin at pinagpatuloy ang magpush up.
Pagkatapos ng 100 push up, 100 sit up, 100 long jump, 100 high knee, 100 jumping jacks. Sabay sabay namin ginawa ang 5km run. Nagvan kami para pumunta sa gubat na may layong 5km sa camp. Sinamahan pa din kami nila Ate Ella, may dala silang towel at tubig. Pero sila magbi-bike habang kami tumatakbo.
"Okay girls may one hour and forty-five minutes na lang kayo. Dapat siguro ay mag umpisa na kayo tumakbo." sabi ni Ate Abby.
Pagod na kami pero kailangan gawin. Nagsimula na kaming tumakbo, si Aj at Jayden ang nangunguna tapos sumunod na kaming anim.
Mga kalhating oras na akong tumatakbo pero hindi ko pa nararating ang camp. Tumigil ako sa isang bench dito.
Shet pagod na pagod na ako. Walang tigil na lakad at takbo. Simula kaninang umaga, nagbike ako mahigit na dalawang oras tapos naglakad lakad kami sa buong camp at laro pa ng mahigit dalawang oras tapos ginawa ang consequence. Daig ko pa ang Spartans ah. Mamaya nito bagsak na bagsak ako at diretso tulog.
Tinignan ko ang oras. Malapit na mag six. May isang oras nalang ako para makarating sa camp. Tumingin naman sa dinaanan ko, hindi ko na makita ang iba. Siguro nagpapahinga din sila. Tumayo na ulit ako at nagsimulang tumakbo pero hindi mabilis baka kasi mapagod ako agad.
Naalala ko ang laban kanina. Si Japan naalala ko kung paano nya gawin ang ankle break. Kaya din nya pala mag-ankle break katulad kay Ate Kill. Naiingit ako dahil kaya nya mag-ankle break. Sabi ko naman sa inyo idol ko si Ate Kill at gusto ko matutunan ang ankle break. Ang misdirection natutunan ko yon kay coach Thai nung ten years old ako sa probinsya kasama ko ang ibang kaedad ko. Nung napanood ko ang laban ng Dragon Empire sa Miracle yung huling laban nila kung saan nakagawa ng history si Ate Kill sa larangan ng basketball sa pilipinas at yung huling shot na nagawa nya.
Sobra ako humanga sa ang ankle break nya dahil tatlong beses nya napapatumba si Ate Ella sa laban dahil mabilis na tumatayo si Ate Ella para pigilan si Ate Kill pero hindi pa rin nya napigilan si Ate Kill. Gusto kong gawin yon kaya simula non sinusubukan kong gawin ang ankle break pero hindi ko nagagawang patumbahin ang kalaban ko kaya sobra akong naiingit kay Japan dahil parehas nya kaming napatumba ni Alexa.
"Hello Zoe." nagulat ako biglang lumitaw sila Ate Kill at Ate Avey. Nakabike sila at nakaangkas lang si Ate Avey sa likod.
"Ate Kill, Ate Avey." sabi ko na hindi pa din tumitigil sa pagtakbo. "Nakakainis ka Ate Avey."
"Why?"
"Buong araw pagod na pagod kami. Akala ko ba walang training pagkatapos ng bike bakit ganon?" natawa sakin si Ate Avey habang si Ate Kill nakangiti.
"Sorry nakalimutan ko na pagod na pagod nga pala kayo kaninang umaga tapos naglaro kayo dagdag pa ang consequence." nagpout ako.
"Nice game Zoe." napatingin ako kay Ate Kill. "Saan mo na natutunan ang misdirection?"
"Misdirection? Kay coach Tai." nakita kong kumunot ang noo nya.
"Thai Lou?" tumango ako kay Ate Avey. Nakaramdam ako ng pagod kaya tumigil ako sa pagkatakbo. Pati sila tumigil.
"Oh? Si Lolo. Kailangan ka nya tinuruan?" tanong ni Ate Avey. Si coach Thai ang lolo ni Ate Kill pero hindi ko pa alam yon nung nagtra-train ako kay coach Thai. Nalaman ko lang yon nung nag-umpisa ang Cup na kasali sila.
"Nung ten years old ako. Sa probinsya." sagot ko. Inabutan ako ng tubig ni Ate Kill.
"Ikaw baby saan mo natutunan ang misdirection?" tanong ni Ate Avey kay Ate Kill.
"Sarili ko lang katulong ko sila Kuya." wow ang cool talaga ni Ate Kill, sya mismo natutunan ang misdirection.
"Eh Ate Kill yung ankle break. Paano nyo po nagawa yon?" tanong ko.
"Sariling sikap." tumingin ako sa mga kamay ko. Ako kaya kailan ko matutunan ang ankle break? kailan ko kaya mapapatumba ang kalaban ko?
"Ikaw." umangat ang tingin ko kay Ate Kill. "Saan mo natutunan ang ankle break?" nagtaka ako dahil hindi ko naman nagawa ang ankle break paano nya nalaman na prinapractice ko ang ankle break?
"Hindi naman ako nag-ankle break kanina."
"Hindi nga dahil hindi mo natuloy." paano nya? "Hindi mo natuloy dahil hindi mo napatumba si Torey." napayuko ako. Triny ko kanina mag-ankle break pero hindi naman natumba si Torey.
"Hindi ko talaga kaya. Mabuti pa nga si Japan nagawa nya." umiwas ako ng tingin at tumakbo ulit. Binilisan ko ang pagtakbo ko.
Hindi ko namalayan nakarating na pala ako ng camp. Tinignan ko ang oras, 6:30. Naglakad ako papasok ng dorm. Nandon ang black team naghaharutan.
"Zoe! Ang aga mo ah." ngumiti lang ako kay Nikki at umakyat sa kwarto.
Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Japan na nagbabasa ng libro. Umiwas ako ng tingin at pumunta sa banyo. Binuksan ko ang shower at hinayaan na tumulo ang tubig sa katawan ko kahit na nakasuot pa din ako ng damit. Bahala na magkasakit.
-----------------