Zoe's POV Nakasimangot ako habang pabalik kami sa hotel. Alam nyo kung bakit ako nakasimangot? dahil hindi man lang ako naenjoy o nasolo man lang si Japan kahit isang minuto man lang! Dahil yon sa letche nyang mga kaibigan, nagmukha akong mutchacha nilang tatlo na sunod ng sunod sa kanila. Bwisit diba? Ngayon pabalik na kami hindi ko pa din nagagawang makausap si Japan dahil nagkwe-kwentuhan silang tatlo. Sila lang ata yung nag-enjoy sa paglabas namin. Hindi nga ata date ang ginagawa namin eh gala. Kainis. Nauna na akong pumasok sa kwarto namin ni Japan dahil nakikipagkwentuhan pa sya kanila Jayden. Agad akong sumalpak sa higaan ko at nagtaklob ng kumot. Naiinis ako. Bahala sya dyan. Hindi ko na sya hahayain pa makipagdate dahil nagdadala lang sya ng asungot. Kainis! Nakakainis talaga

