Zoe's POV "Bwisit na Gerald yon! kahit kailan napakasakim nya!" sabi ni Ate Shiela at pinangigilan si Ate Juls na hindi naman nagreklamo. Hindi natuloy ang training namin ngayon dahil sa nangyari kaninang pagtatagpo nila Ate Kill at Ate Avey lalo na yung nalaman naming na ikakasal si Ate Avey sa pinsan ni Ate Kill na si Gerald. Nagpaalam sakin si Ate Kill kanina na gusto nyang makapag-isa kaya hinayaan ko sya dahil alam kong nasaktan sya ng sobra kaya bumalik ako sa mga kasamahan namin at sinabi sa kanila ang nangyari. "Ano bang meron sa Gerald na yon at galit na galit ka?" tanong ni Ate Sharm kay Ate Shiela. Tumigil naman si Ate Shiela sa pangigil kay Ate Juls. "Sya lang naman ang nakakainis sa lahat ng pinsan ni Bear." inis na sabi ni Ate Shiela. "Bakit naman?" tanong ni Ate Anya.

