Zoe's POV "Anong nangyari sa inyo don?" tanong ni Louise pagkarating ko sa bench. Nagpunas ako ng pawis gamit ang jersey ko. "Wala, natriggered lang." sabi ko. Umupo ako sa tabi ni Japan. "Bakit naman?" tanong ni Russel. Nakitbitbalikat ako at uminom ng Pocari Sweat. "Ano bang pinag-usapan ninyo?" tanong ni Japan. "Wala naman, hinamon ko lang sya para magseryoso sila." sagot ko. "Yun lang?" tanong ni Steph na nakataas ang isang kilay. "Gusto nyang malaman ang pangalan ni Alexa at gusto nya din si Alexa." sabi ko at hinintay ang reaction nya kung paano mainis. "What the heck?" sabi ni Ivy. "Wag na sya makisali pa." pairap na sabi nya. "Damn that girl." sabi ni Steph. Napasmirk ako. Sabi na eh. "Sinabi ko sa kanya na kapag natalo nya tayo, pwede nyang malaman ang pangalan ni A

