Zoe's POV Napatingin ako sa kamay ko. Iniisip ko kung paano ko ba malalagpasan yung dalawang yon. Inalala ko ang naging training ko sa boys. Yung galaw ni Kuya Kyle. Napalunok ako. Kaya ko nga ba yon? "Zoe." tawag sakin ni Japan. "Oo na, nandyan na." tumayo ako. Napatingin ako sa weights ko. Mabilis kong tinanggal ang weights ko. Naging magaan ang pakiramdam ko. "Taena lalong bumigat 'to ah!" sabi ni Jayden nung kinuha ang weights ko. Ngumiti ako sa kanya. Tumakbo ako palapit kanila Japan. "Game." sabi ko sa kanila. Napairap sakin si Steph. Nailing na lamang ako. Binantayan na naman ako ng dalawa kahit wala sakin ang bola. Ipinasa sakin ni Alexa ang bola. Huminga ako ng malalim. First. Ankle Break. Mabilis kong drinibble ang bola. Tumakbo ako pakaliwa at sinundan ako nung isa. T

