The Orphan
Chapter 1
R-18+
MATURE CONTENT
READ AT YOUR OWN RISK❗
Tate POV
"Tate, ang bagal mo naman gumalaw! Bilisan mo na at mahuhuli na tayo sa klase!" iritang tawag sa akin ni Mila, ang kaibigan kong sobrang mainipin.
"Oo na, ito na. Hindi ka makapag-hintay eh," reklamo ko habang bitbit ang luma kong shoulder bag na puno ng abubot at kung anu-ano pa. 4th year college na kami ni Mila sa kursong Business Administration. May report kami ngayong araw sa aming adviser na kilalang masungit kaya ayaw niyang mahuli kami at lagi na lang kaming napapagalitan nito.
Sumakay kami ng jeep papunta sa school. Pagdating namin, marami nang estudyante sa loob ng classroom namin at lahat sila sabay- sabay na napatingin sa amin ni Mila ng dahan-dahan kaming pumasok sa loob. Nakatalikod si Mrs. Dimaguiba, isa sa pinakamahigpit na guro na nakilala ko. Akma na akong uupo sa silya ko nang lumingon siya sa amin at ako ang nakita niya na papaupo pa lang sana.
"Ithamar Fiore, you're late again!" sigaw niya agad.
Napangiwi ako at dahan-dahang tumingin sa kanya, saka tumayo ng tuwid.
"I'm sorry, Ma'am. Hindi na po mauulit," paghingi ko ng paumanhin.
"Palagi ka na lang hindi mauulit, ilang beses na kitang pinagbigyan sa mga palusot mo na iyan, pero wala pa ring pagbabago!" galit na sabi niya.
Hindi ko na siya sinagot at umupo na lang. Mas minabuti kong manahimik kaysa patulan ang guro. Ilang beses na niya akong napapahiya sa mga kaklase ko. Hindi niya yata alam na bago ako makarating sa school, dumadaan pa ako kung saan-saan para mag-deliver ng mga Avon orders ko. Kung wala iyon, hindi ako makakaraos at hindi ako makatulong kila Sister Emma.
Nang tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang klase, agad kong inilagay sa bag ang notebook at ballpen ko. Nilagpasan ko si Mrs. Dimaguiba at sumabay sa mga kaklase kong nagsilabasan na sa pinto.
"Ms. Fiore?" tawag niya.
"Ah, yes, Ma'am?" napatigil ako sa paglabas sana nang tawagin niya ako.
"I need to talk to you," seryoso niyang sabi. Tumingin ako kay Mila at kumibit-balikat lang siya. Sinensyasan ko siyang mauna na sa akin at tumango naman ito.
Bumalik ako sa table ni Mrs. Dimaguiba at umupo sa harap niya, yakap-yakap ang aking shoulder bag na may laman pang mga produkto ng Avon.
"You're an orphan, right?" tanong niya.
Tumango ako. "Yes, Ma'am."
"From which orphanage?"
"St. Delluca, Ma'am."
"I see. Aware ka ba na mababa ang mga grades mo, Ms. Fiore?" tanong niya.
Nag-iwas ako ng tingin dahil aware naman talaga ako, at nahihiya na ako sa mga madre sa orphanage. Baka mapatawag na naman sila sa school dahil sa mga grades ko at hind pwede yun dahil inaasahan nilang magtatapos ako.
"Are you aware,?" tanong niya ulit ng hindi ko siya sinagot.
Tumango ako at tumingin sa kanya. "Hahabol po ako, Ma'am, sa finals."
"Yan ay kung makahabol ka. Graduating ka na, at baka hindi ka makasama sa graduation sa patuloy mong ipinapakitang attitude at performance."
Nagulat ako sa sinabi niya at tumingin sa kanya. "Hahabol po ako sa grades ko, Ma'am, bigyan niyo lang po ako ng isa pang pagkakataon," pakiusap ko sa kanya.
Tumayo siya saka inabot sa akin ang isang makapal na binder.
"Reviewer 'yan. Gusto kong pag-aralan mo lahat 'yan para makahabol ka. And please, seryosohin mo ang pag-aaral dahil inaasahan ka nina Sister Emma. Gusto nilang makapagtapos ka, Tate." medyo lumambot ang itsura nito.
Hindi ako nakasagot. Oo, aminado akong hindi ako ganoon katalino, pero nagsusumikap naman ako at para sa ikalawang pagkakataon na ito kaya pagsisikapin kong makasama sa graduation.
"Makakaasa po kayo, Ma'am. Pag-aaralan ko po ito, at maraming salamat po sa libro."
Umalis ako sa room dala ang librong pinahiram ni Mrs. Dimaguiba. Mabait din pala siya, kahit mahigpit. Suki kasi siya sa simbahan namin kung saan ako lumaki. Hanggang ngayon, nananatili akong sa kumbento. Twenty-two na ako, at malapit na akong mag-graduate. Ayokong iasa sa mga madre ang gastusin sa pag-aaral ko, kaya nagsusumikap akong mag-part-time para naman kumikita din ako.
Ako si Ithamar Fiore, pero mas kilala ako bilang "Tate or Teyt." Kinuha ang pangalan ko mula sa Bibliya—na anak ni King David na si Ithamar. Ayon kay Sister Emma, iniwan ako ng mama ko sa kumbento noong 10 months old pa lang ako, at hindi na ako binalikan hanggang sa ngayon. Wala na rin akong pakialam kung babalikan pa niya ako o hindi, masaya na ako sa buhay ko sa kumbento.Kaya nga pangarap ko lang makapagtapos eh.
Pagkababa ko ng jeep, dumaan muna ako sa mga suki ko ng Avon. Kailangan kong makabenta para may panggastos kami. Nang makakuha ng bayad, bumili ako ng bigas at ulam. Sumakay ako ng tricycle pabalik ng kumbento, bitbit ang mga pinamili ko.Malayo pa lang nakikita kona ang mga batang paslit na kasama ko, masayang naglalaro sa playground ng kumbento.
"Ate!" sigaw ni Nico, isang makulit na batang pitong taong gulang ng makita ako.
"Oh, Nico," bati ko habang yakap niya ang binti ko. "Nasaan si Sister Emma?"
"Nasa loob, may kausap," sagot niya.
Pumasok ako at inilapag ang mga pinamili ko sa mesa. Pagkatapos magbihis, bumalik ako sa kusina at nakita kong inaayos na ni Sister Emma ang mga pinamili ko.
"Oh, Tate, ang dami naman nito," bati niya. Inabot ko ang kamay niya at nagmano.
"Nasingil ko na kasi yung mga umorder sakin sa Avon, kaya pinambili ko na ng ulam at bigas natin."
"Pasensya na, Tate, ha. Medyo mahirap tayo ngayon. Umatras kasi ang isang investor ng orphanage, kaya nangangapa tayo," malungkot niyang sabi.
"Ayos lang po, Sister. Kaya ko na ito. Madiskarte kaya ako," sagot ko sabay ikot sa harap niya.
Napailing siyang natatawa sa akin. "Sige na, tawagin mo na ang mga bata at kakain na tayo."
Masaya kaming naghapunan kasama ang iba pang madre at mga bata sa kumbento.
Kinaumagahan, maaga pa rin akong gumising para tumulong sa mga gawain sa kumbento.Malawak kasi ito, kumbento talaga ito pero s alikod nito nadoon nag quarters namin na mga orphan child.Ako naman dahil dalaga na ako kaya nakabukod na ang silid ko. Pagkatapos kong linisan ang higaan ng mga chikiting , naghanda ako para pumasok sa school. Pagkapasok ko sa classroom, nakita kong naghaharutan ang mga kaklase ko na kahit hindi naman mag jowa ay panay lampungan pag wala ang teacher.
"Hi, Tate!" bati nila.
Nginitian ko lang sila at umupo sa dulo. Inilabas ko ang librong pinahiram ni Mrs. Dimaguiba at nagsimulang mag-review. Sinulat ko ang mga importanteng bagay sa notes ko hanggang matapos ang period namin. Nakaramdam ako ng gutom kaya tumayo na ako at nagulat pa ako ng makitang hapon na pala.
Nang mag-alas-dos na, pumunta ako sa canteen at bumili ng tubig at pagkain. Pagkatapos kumain, tinungo ko ang department ng Nursing dahil may mga kaibigan ako doon na umorder ng mga items. Siningil ko sila at nakipagkuwentuhan saglit.
Binabagtas ko na ang daan papunta sa sakayan ng jeep ng may tumawag sa akin.
"Tate!" tawag sa akin ni Dian, isa sa mga kaklase ko. Mestiza,maganda,matanglad at galing sa mayamang pamilya.
"Bakit?" taka kong tanong.
"Halika, sama ka sa amin!" hila niya sa akin.
"Saan?"
"Basta!"
Bago ako makatanggi, tinulak na nila ako ng mga kasama nito papasok sa kotse ni Dian. Nagulat ako nang makita ko ang iba naming mga kaklase sa loob, napaubo ako sa naamoy kong usok ng sigarilyo at alak sa loob ng sasskyan.
"Saan ba tayo pupunta? Kailangan ko nang makabalik sa kumbento, baka hanapin ako ni Sister Emma," nag-aalala kong sabi.
Nagtawanan sila.
"Alam mo, Tate, kaya ka walang boyfriend, masyado kang conservative," sabi ni Jenny, isa sa mga kaklase namin.
"Oo nga, dapat sayo nakakatikim din ng mga hindi mo pa natitikman"
Nagtawanan ang lahat ng nandoon.
"Eh, saan ba kasi tayo pupunta?" naiiritang tanong ko.
"Sa bar!" sabay-sabay nilang sagot.