Chapter 15 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗❗❗ THIRD PERSON P.O.V "Sister!" gulat na napatig si Tate kay Sister Emma.Sobrang nagtaka sa naging reaksyon nito. "Tate, sumagot ka," yugyog nito sa balikat ni Tate. "Saan nanggaling ito?" Gulong-gulo, umiling si Tate dahil kahit siya, hindi niya alam kung saan galing ang brown scarf na hawak nito. Saglit siyang nag-isip at napatitig kay Sister Emma. Naglabasan ang kanyang luha nang maalala kung saan ito galing. Mula ito sa taong tumulong sa kanya noong araw na muntik siyang madisgrasya. "Tate!" "S-sister, napulot ko ho iyan. Hindi ko alam na nadala ko pala. Bakit ho? Anong meron sa scarf na iyan, Sister?" naguguluhang tanong ni Tate. Nagtaka siya sa inasta ni Sister Emma. Bakit galit ito sa kanya? Hindi ito umimik at tiniti

