Chapter 1
VIVIAN'S POV:
NANGINGITI akong nakatitig kay Migo habang abala itong nakikipaglaro ng tumbang preso sa mga kaedaran namin dito sa may basketball court ng compound namin.
Napakahusay niyang umasinta na bawat hagis nito sa kanyang slipper ay napapalipad niya ang lata kaya naman naisasalba niya ang ibang mga kalaro nito.
Pawisan na ito at kita ang pamumula ng kanyang pisngi dala na rin ng pagod. Dito sa aming barangay, si Migo ang masasabi kong pinakagwapo sa lahat. Dahil anak lang naman ito ng isang dayuhang Italiano na binaril ng kanyang t***d ang anak ni aling Bebang na si tita Bakekang. Kaya nagkaroon ito ng gwapong Migo na napaka-tisoy ang itsura at mapaghahalataan agad na may lahi sa isang tingin pa lang.
Mula sa mga chinitong mata nitong kulay asul, makakapal at mahahaba din ang malalantik niyang pilikmata at kilay. Napakatangos ng ilong at namumula ang mga labi nitong manipis ang hugis.
"Matunaw ‘yan, Vivian." nanunudyong bulong ni Siobe.
Ang pinsan ko na best friend ko din at bukod tanging may alam na crush ko si Migo. Matalik kaming magkaibigan nila Migo. Kaya nahihiya akong aminin sa kanya na may gusto ako dito.
Hindi katulad ng mga kalaro naming lantarang nagsasabi sa kanya na mahal nila ito. Kahit nga ang purihin ko ito sa angkin niyang kagwapuhan ay hindi ko masabi-sabi sa kanya. Nahihiya kasi ako. At ayokong magkaroon ito ng ideya na may gusto ako sa kanya. Baka mamaya ay maging rason pa iyon para layuan niya ako. Bagay na hindi ko kakayanin.
"Hayaan mo na ako, Siobe. Hanggang tingin na nga lang ang tao e," mahinang bulong ko sa pinsan kong nakamata din sa gawi nila Migo na kasalukuyan pa ring naglalaro.
"Umamin ka na kasi sa kanya. Tingin ko naman ay may gusto din si Migo sa'yo," nanunudyong saad nitong ikinangiti ko. "Pero hindi ako si Migo, hah? Kaya huwag kang umasa.”
Napalis ang ngiti kong sinamaan ito ng tingin na napahagikhik at piece sign sa akin. Napairap ako ditong napahalakhak na inakbayan ako.
"Salamat hah? Ang bait mong pinsan at kaibigan. Napaka-supportive mo," sarkastikong saad kong napahalukipkip.
Tatawa-tawa lang naman itong napakamot sa ulo.
"Eto naman, seryoso na." Pambabawi nito na humarap sa aking tinitigan ako sa mga mata na hawak ang dalawang kamay ko.
Matapang kong sinalubong ang mga mata nito at nababasa naman doon ang kanyang sensiridad. Napahinga pa ito ng malalim na akala mo'y ang laki ng problema.
" Ano?" taas kilay kong tanong.
Ngumiti itong pinisil-pisil ang palad kong hawak. Napalunok akong nakadama ng kakaibang kaba sa dibdib na matamang nakatitig din dito.
"Tingin ko naman gusto ka rin ni Migo, Vi. Sa lahat ng mga kalaro natin? Sa'yo siya pinakamalapit. Na hindi siya naiilang sa'yo. At hindi nagsasawang kinakalaro ka. Isinasama ka kahit saan siya magpunta," anito na seryosong nakamata sa akin.
Napahinga ako ng malalim na napatitig kay Migo. Ngayon nama'y patintero na ang nilalaro nila at katulad ng nakasanayan? Nagpapapansin sa kanya ang mga kalaro niyang kababaihan at napaghahalataang kinikilig sila dito.
"Natatakot ako, Siobe. Paano kung kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin? Ayokong masira ang masayang friendship namin," aniko na nangilid ang luha.
Pilit akong ngumiti dito na makitang dumaan ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Okay na ako. Sapat na sa akin na malaya ko siyang nakakasama at nakakausap na hindi kami nagkakailangan, Siobe. Isa pa, ang babata pa natin para sa pag-ibig pag-ibig na ‘yan. Ni hindi pa nga tayo nakakapagtapos ng high school e."
Natawa itong napatango-tango sa sinaad ko. Katorse anyos pa lang naman kami na nasa third year high school. Pero mula pagkabata ay magkakaibigan na kami nila Migo dahil iisa lang naman ang barangay namin at ilang bahay lang ang pagitan ng mga bahay namin. Iisa ang eskwelahan maming tatlo mula elementary hanggang ngayon na high school na kami. Kaya sa lahat ng bagay? Kami-kami ang magkakasama at damayan. Gano'n ka-solid ang friendship naming tatlo lalo na kami ni Migo.
"Hi, girls!"
Napaayos kami ng upo ni Siobe nang lumapit na sa amin si Migo na basang-basa ng pawis! Nangingintab na nga ang pisngi nitong napakaputi at kinis ng balat kaya kita agad kapag pinamumulaan na ito ng mukha. Hindi katulad namin ni Siobe na morena. May mga alagang pimples pa sa mukha na hindi kami iniiwan. Mga walanghiya!
"Hi,” kiming bati ni Siobe na nakipag-apiran dito.
Napalunok ako nang umakbay ito sa akin at mas kinabig padiin ditong ikinasinghap ko.
"Okay ka lang, Vi?" tanong nito na malingunan akong namumutla at napapalunok.
Tumango akong hindi makatingin dito nh diretso. Heto na naman kasi ang puso ko. Sobrang lakas ng t***k na hindi mapakali sa ribcage nito. Dahil sa pagkakaakbay sa akin ni Migo milabs!
"O-oo naman! Bakit naman hindi?" aniko na ikinangiti nitong pinisil ang hindi katangusan kong ilong.
Sakto lang ang tangos tangina! Pero dahil pointed nose si Migo ay nagmumukhang palatang ng niyog ang ilong namin sa ganda ng ilong nitong half Italianong 'to. Kahit nga sa balat ay wala kaming panama sa kulay at kinis nito.
"Tara meryenda tayo," pag-aya nito na hinila na akong akbay pa rin nito.
Napakagat ako ng ibabang labi na pasimpleng yumakap sa tagiliran nitong ikinatalon-talon lalo ng puso ko!
Napangisi akong tinaasan ng kilay ang mga kalaro namin na ang sama-sama ng tingin sa aking para na akong tinitiris katulad sa mga garapata nila sa kanilang isip-isip! Tsk.
Bakas ang inggit sa kanilang mga matang nakatutok sa amin ni Migo na ikinatatawa ko ng pangdemonyo sa isipan ko. Mas niyakap ko pa si Migo na ikinalabi ng mga itong maiiyak na sa nakikita. Ako lang kasi ang nakakagawa nito. Ang malayang nayayakap si Migo. Pero syempre, sa tuwing nakaakbay lang ito sa akin nang hindi naman napaghahalataan ang tao.
Nagtungo kami sa gilid nitong court kung saan may mga nagtitinda ng tuhog-tuhog sa tuwing hapon. Kaya naman maraming natatambay dito sa basketball-an ng barangay namin dahil maluwag dito at marami ang mapagbibilhan ng makakain.
"Anong gusto mo, Vi?" tanong nito na kumalas na sa pagkakaakbay sa akin at kumuha ng stick.
"Uhmm–”
"Ako Migs, hindi mo aayahin?" singit ni Siobe na kapag usapang pagkain ay wala itong palalagpasin.
Lalo na kung libre. Natawa naman si Migo na inabutan ito ng stick na nakapalapad ng ngiting excited tumuhog ng kikiam at fishball sa kawali.
"Vi, gusto mo ng kwek-kwek?" ani Migo na may dala ng plastic cup at tumutuhog na rin ng kwek-kwek, kikiam at fishball na mga bagong luto pa.
"Sige,” pagsang-ayon ko na ikinangiti nitong saglit akong sinulyapan.
Ang gwapo niya talaga. Lalo na kapag nakangiti at labas ang mga ngipin nitong pang-komersiyal ng toothpaste sa sobrang puti at pantay-pantay nila.
"Salamat," aniko na tinanggap ang inabot nitong plastic cup na puno ng pinaghalo-halong kwek-kwek, kikiam at fishball na may sweet and spicy sauce.
Kumindat lang naman ito na muling kumuha ng isa pang plastic cup at nilagyan ng kanya. Nangingiti ako dahil kwek-kwek, kikiam at fishball din ang kinuha nito. Maging ang nilagay nitong sweet and spicy sauce na ibinigay sa akin ay ginaya nito.
"Tara," saad nito na iginiya ako sa bakanteng mahabang bangko dito sa gilid.
Sumunod din naman si Siobe sa amin na naupo sa tabi ko kaya napapagitnaan nila ako. Nakadikit tuloy ako kay Migo na ikinaiirit at tili ng puso kong kilig na kilig!
Sanay naman na kami ni Siobe na laging nililibre ni Migo. Syempre, may kaya ito kumpara sa amin dahil sinusustentuhan ng kanyang ama mula sa Italy. Kaya naman ang pamilya nila ang may pinakamaganda at pinakamalaki ng bahay dito sa barangay namin. May kaya kasi ang ama nito. Pero may sarili ng pamilya kaya hindi niya pwedeng panindigan si tita Bakekang. In short? Anak sa labas si Migo. Pero hindi ko siya kinakahiya. Dahil si Migo Fernandez? Siya ang lalakeng una at nag-iisang lalakeng. . . mamahalin ko sa yugto ng buhay ko.