Chapter 19

1119 Words
SA MGA SUMUNOD na araw ay unti-unting nagbago si Migo sa akin. Pakiramdam ko'y nanlalamig na naman siya at umiiwas sa akin. Palagi ko siyang tinatanong kung okay lang ba siya? Kung may problema ba siya? Pero lagi din niya akong sinasagot ng okay lang siya, wala 'to. Kahit kita ko namang may pinagdadaanan ito. Hindi ko tuloy maiwasang masaktan na hindi ito open sa akin pagdating sa problema. Para akong walang kwentang girlfriend na hindi siya matulungan sa gantong sitwasyon at 'di manlang madamayan. "Anong problema Biyang?" napahinga ako ng malalim na mapansin ni nanay ang pananamlay kong nakapangalumbaba dito sa mesa at tulalang hinahalo-halo ang kape kong lumamig na yata. "Wala po" tinatamad kong sagot. Kinuha naman nito ang kapeng tinimpla ko at ininum na naibuga. "Pwehh! Ano 'toh?! Bakit maalat na mapait!?" kunotnoong bulyaw nito n nasamid. Napakurap-kurap ako na napatingin sa dinampot ko at 'di napigilang mapahagikhik na asin 'yong nadampot ko hindi ang asukal na puti. "Hehe. Sorry Nay. Lutang po ang Biyang niyo eh" nakangiwing saad kong ikinirap nitong padabog na dinala sa lababo ang kapeng tinimpla ko at nagtimpla ng panibago para sa amin. Nangingiti naman akong nakamasid lang dito. "May problema ka ba sa school niyo Biyang?" maalumanay na nitong tanong na nilapag sa harapan ko ang tinimplang kape. "Wala naman po Nay. Salamat po" napahinga ito ng malalim na matiim akong tinitigan sa mga mata. Napaiwas kaagad ako dahil 'di ko matagalan makipagtitigan dito. "Hindi pa kayo nagkakaayos ni Siobe?" umiling akong lihim na nagpapasalamat na naisip nitong si Siobe ang pinoproblema ko at hindi kami ni Migo. Ayokong ma-bad shot na naman sa kanya si Migo kaya hangga't maaari ay ayaw kong malaman nito ang panlalamig ni Migo sa akin ngayon. "Wala po akong magagawa Nay. Siya itong ayaw akong kausapin. Ewan ko ba sa babaeng 'yon. Maayos na kami ni Wendell pero siya itong apektadong-apektado pa rin sa nangyari noong birthday ko na akala mo naman siya itong naagrabyado" napapa-ismid kong saad na naiiling habang sumisimsim ng kape. "Alam mo ba kung bakit?" napatitig ako dito. Ngumiti itong napailing din na sumimsim ng kanyang kape matapos kumagat sa pandesal nitong pinalamanan ng mayonnaise na may halong dinurog na nilagang itlog at fresh lettuce. "Bakit po? May alam po kayo?" natawa ito sa tono kong bakas ang kuryosidad. "Kasi may gusto siya kay Wendell" namilog ang mga mata kong ikinatango nitong kumagat sa kanyang pandesal. "Di nga Nay?" bulalas kong ikinatawa nito. "Oo nga. Kaibigan mo yong tao pero hindi mo mabasa-basa. Hay nako Biyang. Mga bata pa lang kayo alam ko na ang mga yan. Una si Migo. Ngayon naman si Wendell. Dapat na ba akong magsisisi, na isinilang kitang maganda?" kindat nitong napapahagikhik. Natawa na rin ako pero nandon pa rin ang pagkakatulala sa mga sinaad nito. "Paano niyo po nasabi na may gusto siya kay Migo?" nagkibitbalikat itong humigop ng kape. "Obvious naman eh. Mahina lang kasi ang radar mo" napaismid akong ikinabato nito sa akin ng pandesal na sinalo ko at kinagatan. "Eh kay Wendell po?" napahinga ito ng malalim sa sunod kong naitanong. "Para ko ng anak si Siobe. Kaya kilalang-kilala ko bawat likaw ng bituka nito tulad mo. Wala naman kayong maitatago sa akin dahil bilang ina, madali ko kayong nababasa" makahulugang saad nito na ikinainit ng mukha ko. Napaiwas ako ng tingin ditong natawa na binato akong muli ng pandesal t nasapol ako sa mukha. "Nay naman" reklamo kong ikintaas ng kilay nito. "Biyang hah. Baka naman iba na yan?" "Po? Ang alin naman?" "Hwag ako anak. Alam ko namang may namamagitan na sainyo ni Migo. Tahimik lang ko pero 'di naman ang tānga" nag-init lalo ang mukha kong sunod-sunod na napalunok. Hindi na tuloy ako makatingin sa kanya ng diretsong napaghahalataang guilty ang tao. Napanguso akong ikinatawa nito. " Baka naman buntis ka na?" mabilis akong umiling. "Nag-iingat naman po kami ni Migo Nay--awww!" napadaing ako ng kutsara na ang tumama sa noo ko. "Nay naman! Ang sama niyo" "18 ka pa lang nagpabiyak ka na? Sinusubukan lang naman kita" panenermon nitong ikinanlaki ng mga mata kong nilingon ito! "NAY!!" napahalakhak itong napailing. "Oh bakit? Atlis umamin kang may nangyayari na nga sainyo sa anak ni Bakekang. Nako Biyang. Ang landi mo" "Mana sayo" tatawa-tawang pambabara kong ikinamilog ng mga mata at butas ng ilong nito kaya lalo akong napahagalpak ng tawa. "Anak ka ng tatay mo! Tāngna kang bata ka! Dun ka sa kanya nagmana ng kalandian mo" "Hahaha! Eh bakit po ang defensive niyo?" nagtaas ito ng kilay na pinipigilang mapangiti. Napapangisi tuloy ako dito. "Aba? Syempre naman.. Inosente ako" "Oh?? Di ako naniniwala Nay" napahalakhak kaming nagkakapasaringan. Napuno tuloy ng asaran, tawanan at kantyawan ang kusina namin sa palitan namin ng pag-aasaran ni nanay habang nag-aagahan. NAGING MAS madalas na ang tampuhan namin sa mga sumunod na araw. Minsanan na lang kasi ito mag-reply sa sandamakmak kong messages dito Migo. Kahit tawag ko ay madalang nitong sagutin at laging nagmamadaling magpaalam. "May problema ba?" mapait akong napangiti na nangilid ang luhang tumungo. "Wala" "Kilala kita Vian. Ngayon ka pa ba magkakaila sa akin?" tumulo ang luha ko. Para akong pinipiga sa puso sa mga nangyayari na naman sa amin ni Migo. "Para kasing lumalamig na naman siya sa akin Wends" parang batang pagsusumbong ko dito. Lumipat naman ito ng upuan na nakitabi sa aking umakbay at pinasandal ako sa kanyang balikat. Lalo akong napahagulhol na 'di ko na napigilan. "Baka may pinagdadaanan lang Vian. Kausapin ko ba siya?" umiling akong nanatiling nakasandal dito na umiiyak. "Siguro nga. Masyado na ba akong pabebe na hinihingi ang oras at attention niya lagi?" "Hindi naman matatawag na pagpapabebe yong paglalambing mo sa kanya Vian. Normal lang yan. Kasi boyfriend mo siya. Pero lagi mong tatandaan? Hindi naman kasi titibay ang isang relasyon, kung puro saya lang. Na walang dadaang pagsubok sainyong dalawa" napalabi akong napatango-tango na nagpahid ng luha. Kahit paano ay naibsan ang bigat na dala-dala kong nailabas ang saloobin ko sa matalik kong kaibigan. "Thank you Wends" ngumiti itong pinahid ang luha ko. "Wala yon. Kahit ano. Para sayo, gagawin ko Vian" pilit akong ngumiti na nag-iwas ng tingin sa mga mata nitong matiim na nakatitig sa akin. "Sana hindi ka magbago" natawa itong ginulo ang buhok ko. "Bakit naman ako magbabago? Masaya at kuntento na ako sa kung anong meron ko ngayon Vian" makahulugang saad nitong pilit kong ikinangiti. Ngunit napalis ang ngiti ko nang may mahagip ang paningin ko sa 'di kalayuan na matamang nakatitig sa amin ni Wendell. "Siobe" piping usal kong kumabog ang dibdib sa nakikitang galit sa mukha nito. Napalunok ako ng maalala. Ang sinaad ni nanay, may gusto nga ba siya kay Wendell?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD