2

1493 Words
Naramdaman ko ang paglapit ni Kuya Luke sa aking likuran, ang kaniyang kamay ay dahan-dahang dapo sa aking balikat para aluyin ako, pero hindi ako gumalaw mula sa aking pwesto. Ang aking paningin ay nanatiling nakatutok sa kawalan, sa daan kung saan nawala ang kotse ni Adrian. "Lia, tama na. Sumakay na tayo sa kotse." "Kuya, sandali lang talaga... baka bumalik siya." "Hindi na siya babalik, Lia. Nakita mo naman kung paano ka niya iniwan dito." "Baka kasi napilitan lang siya dahil sa dad niya, Kuya." "Kahit na anong dahilan niya, wala siyang karapatan na bastusin ka ng ganyan." "Hindi niya ako binastos, Kuya... sadyang galit lang siya sa mundo ngayon." "Pinagtatanggol mo pa rin siya pagkatapos ng lahat?" "Hindi ko siya pinagtatanggol... kilala ko lang si Adrian." "Hindi mo siya kilala, Lia. Ang kilala mo lang ay 'yung bersyon niya na gusto mong makita." "Kuya naman, please... huwag mo na akong pangaralan ngayon. Masakit na nga ang puso ko, dadagdagan mo pa." "Nasasaktan ako para sa 'yo, Lia. Nakikita kitang nagkakaganyan dahil sa isang lalaki na walang ibang ginawa kundi itaboy ka." "Kaya ko naman ang sakit, Kuya. Sanay naman na ako, eh." "Hindi ka dapat masanay sa sakit, bunso. Hindi ganyan ang totoong pagmamahal." "Pano ba ang totoong pagmamahal, Kuya? 'Yung kapag madali lang? 'Yung kapag walang hirap?" "Ang totoong pagmamahal, marunong rumespeto. At ang Adrian na 'yan, walang respeto sa nararamdaman mo." "Umuwi na nga tayo, Kuya. Pagod na ako." "Sige, sumakay ka na. Ako na ang magdadala ng bag mo." "Salamat, Kuya." "Magpalit ka agad ng damit pagdating natin sa bahay, ha? Baka lumala pa 'yang sinat mo." "Opo, gagawin ko." "Gusto mo bang dumaan muna tayo sa drive-thru para ibili kita ng mainit na soup?" "Huwag na, Kuya. Wala akong gana kumain ngayon." "Kahit kauntii lang, Lia. Kailangan mong uminom ng gamot mamaya." "May natira pa namang pagkain sa ref, 'yun na lang ang kakainin ko." "Sige, ikaw ang bahala. Basta huwag mong pababayaan ang sarili mo." "Opo." Habang umaandar ang kotse ni Kuya Luke, nakasandal lang ang ulo ko sa malamig na salamin ng bintana. Pinagmamasdan ko ang mga patak ng ulan na mabilis na gumugulong pababa, tila ba sumasabay sa mga luha na tahimik ding umaagos mula sa aking mga mata. Ang bawat streetlight na nadadaanan namin ay nagbibigay ng panandaliang liwanag sa madilim kong mundo, ngunit agad ding nawawala, na parang ang pag-asa ko kay Adrian na sandaling sumisikat tapos ay mabilis ding naglalaho. "Lia, andito na tayo. Bumaba ka na at mauna sa loob." "Salamat sa paghatid, Kuya. Pasensya ka na kung naabala kita." "Huwag mo nang isipin 'yun. Kapatid kita, obligasyon kong protektahan ka." "Salamat talaga." "Sige na, pumasok ka na. Susunod ako pagkatapos kong i-park ang kotse nang maayos." "Opo." Diretso ako sa aking kwarto pagkapasok ko ng bahay. Agad kong hinubad ang basang nursing uniform at nagpalit ng tuyong oversized t-shirt at pajama. Sinalubong ako ng malamig na hangin mula sa electric fan, kaya mas lalo akong nanginginig. Humiga ako sa kama at nagkumot nang makapal, pilit kong ipinipikit ang aking mga mata para matulog, ngunit ang bawat salita ni Adrian, ang kaniyang malamig na titig, at ang paraan ng pagtaboy niya sa akin ay paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan. "Bakit ba ang hirap mong abutin, Adrian?" bulong ko sa unan ko habang humihikbi nang tahimik. "Lia? Andyan ka ba sa loob? Heto ang gamot mo," kumatok si Kuya Luke sa pinto ko. "Pasok ka kuya. Hindi 'yan nakakandado .'" "O, inumin mo muna ito bago ka tuluyang matulog." "Salamat, Kuya. Ilapag mo na lang muna dyan sa table." "Inumin mo ngayon, Lia. Huwag mo nang ipagpabukas 'yan." "Opo, iinumin ko na." "Kamusta ang pakiramdam mo? Masakit ba ang ulo mo?" "Medyo, Kuya. Pero kaya naman. Hihiga ko lang siguro ito." "Sige, magpahinga ka na. Huwag mo nang isipin ang lalaking 'yun, ha?" "Susubukan ko, Kuya." "Dapat lang. Sige na, matulog ka na." "Goodnight, Kuya." "Goodnight, Lia." Kinabukasan, nagising ako na mas mabigat ang pakiramdam. Mas lalong sumakit ang ulo ko at tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko, alas-siete na pala ng umaga, at may pasok ako ng alas-otso para sa aming major major exam sa Nursing. Kahit nanghihina ang mga tuhod ko, pinilit kong bumangon at pumasok sa banyo para maligo. Hindi pwedeng umabsent ngayon dahil mahihirapan akong kumuha ng special exam. "Lia, pumasok ka pa talaga? Mukha kang nakakita ng multo," bungad sa akin ni Mia pagkapasok ko sa room namin. "Kailangan, Mia, eh. Alam mo naman si Ma'am Santos, napakahigpit sa attendance kapag exam day." "Sira ka talaga. May lagnat ka pa yata, oh! Ang pula ng mga pisngi mo, tapos ang putla ng labi mo." "Ayos lang ako, uminom naman ako ng gamot bago pumasok." "Uminom ng gamot para sa lagnat o para sa sawing puso?" "Mia naman, please... huwag ngayon. Wala ako sa mood makipag-asaran." "Nag-aalala lang naman ako sa 'yo. Kasi balita ko, andun na naman si Adrian sa Engineering Building ngayon, mukhang normal na normal ang gising habang ikaw, heto, mukhang lantang gulay." "Nandun siya ngayon?" "O, tingnan mo! Isang banggit ko lang sa pangalan niya, nabuhay kaagad 'yang diwa mo!" "Gusto ko lang naman malaman kung okay siya pagkatapos ng nangyari kagabi." "Siyempre okay 'yun! Lalaki 'yun, tsaka hindi naman siya ang nagmakaawa sa ulan, 'di ba?" "Sabagay..." "Lia, makinig ka nga sa akin. Mag-focus ka muna sa exam natin ngayon. Kapag bumagsak ka rito, paniguradong babagsak ka rin sa paningin ng mga magulang mo." "Alam ko, Mia. Magre-review na nga ako ngayon." "Mabuti pa nga. Heto, basahin mo itong notes ko kung hindi ka nakapag-review kagabi." "Salamat, Mia. Hulog ka talaga ng langit." Nagsimula ang exam at pilit kong isinentro ang aking atensyon sa mga tanong sa papel. Ang bawat terminong medikal ay tila ba naghahalo-halo sa utak ko dahil sa nararamdamang hilo. Pagkatapos ng dalawang oras na matinding pakikipagbuno sa exam, sa wakas ay natapos din ang klase. Halos lahat ng mga kaklase ko ay nagsisigawan sa tuwa dahil sa wakas ay tapos na ang exam week, ngunit ako, walang ibang gustong gawin kundi ang pumuntia sa pamilyar na pwesto kung saan ko laging inaabangan ang kaniyang pagdaan. "Lia, saan ka pupuntia? Sabay tayong mag-lunch sa cafeteria," yaya ni Mia habang nag-aayos ng gamit. "Mauna ka na, Mia. May kukunin lang ako saglit sa kabilang building." "Kabilang building o kay Adrian na naman? Lia, naman! Akala ko ba magfo-focus ka muna?" "Saglit lang talaga, Mia. Sisilipin ko lang siya kung pumasok talaga siya ngayon." "Bahala ka nga sa buhay mo! Basta kapag umiyak ka na naman mamaya, huwag kang lalapit sa akin para magpalibre ng tissue, ha?" "Opo, hindi na. Sige na, mauna ka na doon." Mabilis akong naglakad patungo sa Civil Engineering Building. Ang sikat ng araw kaninang umaga ay biglang napalitan ng makukulimlim na ulap, isang pahiwatig na mukhang bubuhos na naman ang malakas na ulan. Pagdating ko sa open field na nagdurugtong sa aming dalawang departamento, natanaw ko agad ang kaniyang pamilyar na tindig. Nakatayo siya sa ilalim ng isang puno ng akasya, may hawak na makapal na drawing folder at seryosong nakikipag-usap sa isang propesor. Naghintay ako sa di-kalayuan. Nang umalis na ang propesor, dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay habang hawak ko ang strap ng aking nursing bag. "Adrian..." tawag ko sa kaniya, sapat lang para marinig niya. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Ang kaniyang mga mata sa likod ng kaniyang salamin ay agad na binalot ng matinding pagkabigo at inis nang makita ang mukha ko. Huminga siya nang malalim, isang senyales na nauubos na naman ang kaniyang pasensya sa akin. "Bakit ba hindi ka ba talaga nakakaintindi ng salitang umalis ka?" malamig at matigas niyang tanong. "Gusto ko lang naman ibigay sa 'yo itong notes para sa exam niyo bukas! Narinig ko kasi kay Kuya Luke na nahihirapan kayo sa Hydraulics!" iniabot ko sa kaniya ang isang maliit na notebook kung saan isinulat ko ang mga simplified formulas na nakuha ko sa mga lumang libro ni Kuya. "Hindi ko kailangan ng kahit anong galing sa 'yo, Lia. At huwag mo ngang idadamay ang kapatid mo rito." "Pero pinagpuyatan ko itong kopyahin at i-summarize para hindi ka na mahirapan mag-review! Alam kong marami kayong projects ngayon kaya naisip kong makakatulong ito." "Sinabi ko ba sa 'yo na gawin mo 'yan? Nagmakaawa ba ako sa 'yo na tulungan mo ako?" "Hindi, pero kusa ko namang ginagawa kasi nga tinutulungan kita! Gusto ko lang naman na gumaan ang pag-aaral mo." "Huwag mo akong tulungan. Ang tawag sa ginagawa mo, pakikialam. At ang pakikialam na 'yan, nakakasira ng araw ko." "Pakikialam ba ang mag-alala sa 'yo, Adrian? Masama ba na gustuhin kong maging maayos ang lagay mo?" "Oo, lalo na kung galing sa isang katulad mo na walang ibang ginawa kundi sundan ako kung saan-saan. Hindi mo ba nakikita kung gaano ka ka-historbo sa buhay ko?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD