*Gray*
Pagkatapos ng mag hapon na busy sa trabaho at sa mga meetings na dinaluhan. Nagtungo siya sa club kung saan isa siya sa may-ari nito. Ito ang dream Club nilang magkakaibigan. Dito sila tumatambay para magrelax sa maghapong stress sa trabaho.
Naabutan niya ang dalawa niyang kaibigan na nag iinuman sa private lounge nilang magkakaibigan.
"Oh, himala hindi ka naligaw bro."natatawang pangbungad sa kaniya ng kaibagan nitong si Daven.
"Hey bro"bati naman ni Axer at naki fist bump pa ito sa kaniya.
"Saan yung mga iba?" wala sa mood niyang tanong sa mga kaibigan na napansin naman Ng dalawa at nagkatinginan ang mga ito.
"Mukhang wala ka sa mood bro"
"I'm tired." patamad niyang sagot at pasalampak na umupo sa bakanteng upuan.
"Kelan ka pa napagud sa trabaho. Halos asawain muna na nga yung opisina mo eh." pakli naman ni Axer.
Sinamaan niya ito ng tingin na ikinatawa lang ng kaibigan niya.
"Kayo bakit ang aga aga alak agad ang inaatupag niyo?!."
"Bro alas diyes na ng gabi. Ganyang ka ba kabusy na pati oras hindi mo na mabisitang tignan." Pambabara ni Daven.
Binaliwala lang niya ang pambabara ni Daven. Napatigil siya ng maalala na naman yung inkwentro nila ng babae kaninang madaling araw. Yung pag halik niya dito at yung way ng pagkaka described niya sa paghalik ko sa kaniya.
Wala sa sariling napangisi siya na hindi nakaligtas sa matalas na paningin ng dalawa niyang kaibigan. Tskkk mga chismoso pa naman ang mga ito. Napailing nalang siya.
Magtatanong sana si Axer ng nagsipasukan na ang apat pa nilang mga kaibigan. Nagtatawanan pa ang mga ito.
"Hey bros"
"Yooo yoo hoo" sigaw pa ng isa
"Whazzz up, whazzzup bros"
"Anong pulutan?"agad naman tanong ni Radeon bago tumabi sa kaniya.
"May nagbalik loob sa club."Sabi pa nito sabay akbay sa kaniya. "Yung pasalubong namin nasaan na."sabay lahad sa kamay niya dito, binatukan lang din niya ito. Na ikinatawa lang ng kaibigan niya.
"Kelan pa yan nagbigay ng mga pasalubong. Kaya yumayaman eh. Subrang damot ang g*go." ...sabi ni Jakob
"Tanungin niyo na lang kung sinong malas na babae ang nagpapangiti sa kaniya." sabat naman ni Daven.
Napa tskkk na lang siya sa mga ito.
"Mga chismoso kalalaki niyong tao."sita niya sa mga ito.
"Sino siya?." Sinong malas na babae ang nagpapangiti ulit sa'yo."pangungulit pa nila sa kaniya.
"Naka move on ka na ba kay Loraine?."sabat naman ni Radeon.
Pagkarinig sa pangalan ng ex-fiancée niya napatiim bagang siya dahil kahit gaano katagal na ang nangyaring hiwalayan nila, hindi parin nawawala sa sistema niya ang ginawang panloloko nito sa kaniya. Hindi siya kumibo.
"Tssk...huwag mo na kasi isali yung ibang babae dito. Panira ka ng hot seat eh." reklamo ni Daven ng makitang na tahimik at napatiim bagang si gray.
"So,ano na?" pangungulit ni Axer sa kaniya.
Hindi talaga nila ako titigilan hangga't hindi ko sinasagot ang tanong nila. Knowing his friends makukulit sila at puro mga chismoso pa. Subrang iingay na parang batang mga paslit.
"Hindi lahat ng nakangiti babae na ang dahilan. Tigilan niyo ako mga chismoso!"
palusot at simangot niyang sabi sa mga ito.
"Bro we know you." Noven grinning at him.
Wala nga palang lihim na hindi nabubunyag sa aming magkakaibigan. Kahit itanggi ko pa. They know i lied. Napabuntong hininga nalang siya.
"Whoah ang lalim bro." halaklak nila sa pag buntong hininga niya indekasyon na buking na siya.
"Mga g*go kayo. Chismoso!" at pinagbabato niya ang mga ito ng peanut na nasa center table. Agad naman nagsipag iwas ang mga ito sa ibinabato niyang peanut. Napuno ng tawanan sa loob ng private lounge nilang magkakaibigan.
It feels good to have a good friends na nagkakaintindihan at nagtutulungan sa lahat ng bagay. Sila din ang tumulong sa kaniya noong panahon lugmok siya sa kabiguan. Noong panahon ayaw na niyang mabuhay pa. Yung piling na wasak na wasak siya dahil sa sakit na dulot ng panloloko ng fiancée niya sa kaniya. Sila ang isa sa dahilan kung bakit unti-unti na siyang nakakamove on sa mapait na pagkabigo sa pag-ibig.
Wala talaga siya balak ikwento ang nangyari noong gabi na yun sa bus. Maybe some other time nalang siguro.
*Cham POV*
"Maagang nagising si Cham kinabukasan dahil balak daw siyang ipasyal ng mga ito sa Quiapo at Divisoria. Mas mura daw kasi ang mga bilihin doon. Excited siya kaya alas singko palang nakaligo na siya at nakabihis na.
Excited yan!
Bumalik siya sa kwarto niya para magbihis ng damit dahil masyadong maaga pa. Kaya nagprepared nalang siya ng almusal nilang apat.
Naalala niya yung dala niyang maleta nakalimutan niyang buksan kahapon. Nawala sa isip niya napasarap kasi sila ng kwentuhan ng mga bago niyang kakilala at kaibigan na rin niya.
May nakita siyang kamote at saging. Inilabas narin niya lahat ng gulay at pasalamat siya dahil walang nasira sa mga iyon. Nagulat pa siya ng may makitang puting sobre kaya kinuha niya ito. Mas lalong nagulat siya ng makitang pera ang laman ng nasa sobre. Kaya kahit maaga pa tinawagan niya ang mga magulang. Pero mukhang tulog pa ang kapatid kaya hindi niya sinasagot ang tawag ko. Kaya napagdisisyonan niya na mamaya nalang sila tawagan.
Nagtungo na siya sa kusina para magluto na ng almusal nila. Hindi niya sigurado kung ano kinakain ng mga kasama niya sa umaga. Kaya naglaga nalang siya ng kamote at nag prito ng paborito niyang saging. Hindi naman siguro sila choosy sa pagkain. sa isip isip niya.
Tapos na siya nagluto at nagpapakulo nalang siya ng tubig sa takuri. Naupo siya at nangalumbaba siya sa lamesa. Hindi niya maiwasang alalahanin ang lalaking nakainkwentro niya sa bus lalo na ang paghalik nito sa kaniya.
Bumuntong hininga siya ng maalalang hindi pa pala niya alam ang pangalan ng lalaking nagnakaw sa kaniya ng halik.
Napahawak siya sa labi niya na feeling niya parang kanina lang siya hinalikan. Yung piling na parang nakadikit parin Ang labi nito sa kaniya.
"Ang aga-aga naman iyang pagkakatulala mo."bungad ni Sese na nagpagulat sa kaniya.
"Magandang umaga ate Sese"..
Tignan siya nito ng nakakaloko."Iniimagine mo parin ba yung lalaking nagnakaw ng halik sa'yo?.
"Ate naman eh.!" simangot niya para pagtakpan ang hiyang nararamdaman sa sarili niya.
"At parang ang aga mo yata nagising, mukhang nakaligo kana rin."puna pa niya.
"Excited kasi ako ate. Sa katunayan nga nakabihis na rin ako kanina. Kaya lang naisip ko subrang aga pa. Kaya nagluto nalang ako ng almusal."kagat labi niyang sabi.
"Anong oras ka ba nagising?"
"Alas singko ate. Ganun ako ka-excited. sabay tawa. "Yung Quiapo kasi sa TV ko lang nakikita ngayon masisilayan ko na. Ganun din sa Divisoria kaya subrang excited ako. Alam mo na first time ko."kinikilig pa niyang sabi. Natawa nalang din ito sa inasta niya.
"Kumakain ba kayo ate ng nilagang kamote at pritong saging?"tanong ni Cham kay Sese.
"Oo naman lalo na at libre wala kaming sinasanto basta pagkain"sabi naman ni Peana na kagigising lang na pumasok sa kusina.
Napaigtad sila pareho ni Sese sa pagsulpot ni Peana sa kusina.
"Nakakagulat ka naman!"
"Magandang umaga ate Pea."bati naman ni Charmy sa kaniya.
"Morning pretty ladys" sabat naman ni Kenjalyn na kapapasok lang din sa kusina halos magkasabay lang sila ni Pea.
"Ang bango ng pritong saging. Sino nagluto niyan?"tanong pa niyang kukuha sana ng isa ng pinigilan siya ni Pea.
"Huyyyy bruha ka. Magmumog ka nga muna at maghilamos maghugas kana rin ng kamay kadiring to." sita ni Pea.
"Grabi ka naman makakadiri diyan. pareho lang naman tayong walang mumog at hilamos no."ingos niya Kay Pea sabay pasok sa banyo.
"At least hindi ako humahawak sa pagkain." ganting balik niya sa kaniya.
Natawa nalang kami ni ate Sese.
Ng matapos na silang nag almusal. Nag gayak na silang paalis ng bahay dahil matraffic at malayo daw sabi ni ate Pea.
Naghintay sila ng bus almost 15mins. Hindi boring ang maghintay dahil katulad niya madaldal din si ate Pea at kwela din ito. Kaya wala silang ginawa kundi tumawa ng tumawa lang...
"Hello Quiapo sa wakas napuntahan na rin kita."masayang bulalas ni Cham na parang batang paslit. Excited siyang pumasok sa loob pero maraming tao kaya sa labas na lang sila nakatayo. Hindi rin sila makasiksik if ever they want to go inside the church.
Dahil mahilig ako magpicture picture kumukuha siya ng mga tanawin na magugustuhan niya. Habang naglalakad na sila patungo sa sakayan. Napatigil siya ng mahagip ng paningin niya ang isang lalaki pasakay na ito sa magarang kotse. Pinilig niya ang ulo possible naman na magsisimba yun dito. Sa isip isip niya.
Nagtungo na sila sa Divisoria para mag shopping. Lahat ng kailangan niya sa apartment binili na nilang lahat. Gaya ng mga blanket,bed sheets,unan, pati narin damit niya pang tulog at pang bahay bumili din sila at mga gamit sa kusina kompleto na lahat. Natawa siya dahil mukha na silang basang sisiw sa mga itsura nila.
Dahil madaming binili nagtaxi nalang sila. Mahirap na sumakay sa bus at jeep at Isa pa mahihirapan sila dahil sa dami ng mga pinamili nila. Ayaw din nila makipagsiksikan sa mga taong naghihintay din Ng masasakyan tulad nila. Traffic pa kaya subrang gabi na sila nakarating sa apartment nila.
Nagpapasalamat siya sa mga ito at babawi siya next time...
"PLS SUPPORT MY STORY THANK YOU IN ADVANCE. SALAMAT DIN SA MAKAKABASA NG STORY KO. I APPRECIATE IT. :)