Chapter Six

1211 Words
Pagbalik niya sa apartment. Nahiya man siya'y nilakasan parin niya ang loob para magtanong kung pwede makigamit ng kalan. Nakita niya yong isang babae sa kusina kaya nag lakas loob na siya. Kisa magutom maghapon nako kawawa naman ang mga alaga ko sa loob Ng tiyan ko. Mahirap ng mabugahan ng apoy. natawa siya sa sarili. "Ahm... excuse me." ngiti niya dito. "Pwede po kayang makigamit sa kalan niyo?. makikiluto sana ako." nahihiya niyang tanong sa kaharap na dalaga. Napatulala naman ang dalagang kaharap niya kaya napatikhim siya. "A-ah sorry miss. Ano ulit yon?" pag bawi niya ng marealise niyang nakatulala pala siya. "Ganito ba talaga ako kapangit para mapatulala sila sa mukha ko".bulong niya. Napalakas yata yong bulong ko sabay takip sa bibig niya. Kiming ngumiti ang babae." Actually, ang ganda ganda mo kasi. 'yang mga mata mo original ba yan? ang ganda ng kulay ang sarap titigan." nakangiti na sabi ng babae."Parang light blue na blue green may lahi kabang banyaga?." may paghangang sabi ng babae sa kanya. Natawa siya sa sinabi nito." Nako wala kaming lahing banyaga. Hindi ko din alam kung bakit kakaiba ang kulay ng mga mata ko kumpara sa mga kapatid ko." Nabigla pa sila ng tumunog ang tiyan niya. Nahihiya at pilit siyang ngumiti dito. "Ano pwede ba ako makiluto diyan sa lutuan niyo?" sabay turo sa may kalan. "Galit na mga dinosaur sa loob ng tiyan ko eh. Baka bugahan nila ako ng apoy." natatawa niyang sabi magaan na agad ang loob niya sa babaeng kausap niya ngayon. "Cge, okay lang. Saka na ang bayad, magluto ka muna ng makakain mo." natatawa niyang sabi. "May bayad?!." baling niya agad dito. "Sana hindi mo ako singilin ng mahal." pang gagatong naman niya sa sinabi nito. "whoah whoah".... sigaw pa ng dalawang kasamahan niya sa apartment. "Wow, feeling close na kayong dalawa ha!."kunwaring irap ng babaeng nakablonde ang buhok. Kimi akong ngumiti sa mga ito. "Actually, hindi pa po kami magkakilala, hindi ko pa alam pangalan niya. Magiging feeling close palang ako pag nakakain na ako." ayon nga at tumunog nanaman ang pasaway niyang naghihingalong tiyan. Nahiya siyang tumingin sa mga ito. Naikinatawa ng tatlo niyang kasama. Pinamulahan siya ng pisngi at nakagat nalang niya ang ibabang labi niya sa hiya. "Huwag kana magluto miss blue eyes. Bumili na kami ng pagkain pang welcome namin sayo dito sa apartment." ngiti naman ng isa pa. Siguro ito ang pinakamatanda sa aming apat. Sa isip isip niya. "Miss green eyes, tara na umupo na kayo. Mahirap ng mabugahan kami ng apoy ng dinosaurs mong alaga sa tiyan." natatawang sabi naman ni blonde hair. Hindi kaya narinig nila yong pagbanggit ko ng dinosaurs sa tiyan ko. Nahiya nanaman siya bigla. "Anong blue eyes at green eyes ang sinasabi niyo... Light blue or light blue green kaya yang mga mata niya. sabi naman ng babaeng kausap niya kanina. "Ako nga pala si Serenity in short for sese." nilahad pa niya Ang kamay niya na malugud namang niyang tinaggap. "What ever"maarteng sabi ng nakablonde. "Ang hirap idiscribe yang kulay ng mga mata mo. Ang ganda, I'm sure may ibang lahi ka?." By the way I'm Peana. Ang ate niyong lahat kaya dapat sumunod kayo lahat sa mga iuutos ko."ngiti niya sa kanya, habang nag aayos ng mga plato sa lamesa. Alam niyang nagbibiro lang ito. Hindi niya akalain na ito pala ang pinakamatanda sa kanila. Mukha kasi itong bata tignan kumpara sa kasama niyang pumasok sa kusina. "I'm Kenjalyn. Nasabi saamin kanina ni aling Martha na galing ka pang probinsya at muntikan pang mahold up ang sinasakyan mo na bus. Nako mabuti nalang talaga at walang masamang nangyari sayo." Sabi nito habang isinasalin sa mangkok ang mga pagkain na binili nila sa labas. " I'm Charmy." nakangiting pakilala naman niya sa sarili niya. "Sana magiging feeling close tayong apat. Dagdag pa niya na ikinatawa ng tatlo. Masaya silang kumain at nagkwenkwentuhan. Masaya siya dahil magaan agad ang loob niya sa tatlong kasama niya sa apartment. "Pero curious talaga kami sa kulay ng mga mata mo. Sabi mo wala kayong lahing banyaga. So, saan mo namana yan?." curious parin na tanong ni Sese. "Hindi ko din alam eh. Ang kwento lang ni nanay sakin pinaglihi daw niya ako sa mata ng pusa." alanganin niyang sabi sa mga ito. "Kaya minsan nabubully ako noong bata pa ako eh, dahil sa kakaiba kong mga mata." nagkibit pa siya ng balikat pag katapos sabihin yong huli niyang binanggit. "Sa mata ng pusa!" sabay sabay na sambit ng tatlo. "Seriously Cham?! That's really cool." hindi parin makapaniwala na sabi ni Sese. Nagkatawanan silang apat pati kasi siya hindi niya matanggap na pinaglihi siya sa pusa...I hate cat.. Tapos na silang kumain lahat mata niya parin ang topic nila. Hindi siguro natiis ni ate Pea. Nag search pa siya sa google kung ano yong kulay ng mga mata niya at saan bansa siya may kapareha sa mata. Una niyang search yung light blue eyes at light green eyes hanggang sa emerald green eyes, jade eyes, sea green eyes, forest green eyes and etcetera. madami pa siyang sinesearch. Tinitigan niya ang mga mata ko at ikinukumpara niya sa mga sinesearch niyang kakulay ng mga mata ko. "I found it." masayang sabi ni Pea. "It looks like you have a green eyes." sabay sabay naman silang lumapit sakanya na nakasalampak sa sahig na nasa center table nila sa sala. Tumingin sila sa laptop niya kung saan siya nagsi-search. "Your eyes is looks like Kristen Stewart. You know the Twilight Movie yung bidang babae pareho kayo ng mata.."pumalakpak pa ito. "Sigurado ka wala kang ibang lahi?"pangungulit nila. "Wala nga ano ba kayo. Kamukha ko si nanay ang hindi ko lang nakuha sakanya ay labi niya at ang mata niya. Pero wala akong nakuha kay tatay." Pinatayo siya ng mga ito at tinignan mula ulo hanggang paa. "Matangkad ka, you have a fair skin, dark brown hair, nice boobs, nice butt, and nice body. Papasa ka nang maging modelo baby girl." sabi pa ni Pea saknya. "Tssskk... huwag niyo ako pinagloloko mga ate ha,baka maniwala ako. Kaya lang mahiyain ako talaga ako."sabay takip ang mukha niya kunwari. "Aysus, pahumble ka pa diyan. Sigurado ako maiinggit mga katrabaho mo pag nakita ka nila...Hayyyy.... Mapapasana all nalang ako."sabi naman ni Kenjalyn. "Grabe kayo sakin. Balak ko nga na magcontact lenses pag nagkapera na ako eh. Ayaw kong may nadidistract akong mga tao."simangot niyang sabi sa mga ito. "Huwag dapat maging proud ka sa mga mata mo. Diba sabi ng nanay mo matang pusa yan. Gamitin mo yan pag may mang-away sayo. Tumingin ka sa kanila na parang pusang galit na galit ganurn." sabay tawa ni Sese na ikinatawa na din nilang lahat. Masaya siya dahil mababait ang mga kasama niya sa apartment. Si ate Pea at Kenjalyn matagal ng nangungupahan doon. Si ate Sese mag dadalawang buwan palang siya. Naglayas daw siya dahil ipapakasal siya ng mga magulang sa lalaking hindi naman niya kilala. Kaya nagtatago siya. Mukha din itong may kaya sa buhay dahil na rin sa mga kilos niya na pang mayaman. Kwentuhan parin silang apat hanggang hindi na nila namamalayan ang oras. Kaya napagdisisyonan na nilang matutulog na.... "HELLO PLEASE SUPPORT MY STORY THANK YOU IN ADVANCE FOR READING.":)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD