Napabalikwas siya sa sarap na pagkakatulog. Hindi na niya alam kung saan na sila. Nilibot niya ang paningin sa loob ng bus at napag tanto niyang wala ng pasahero at ang masama pa'y siya nalang ang nag iisa sa loob ng bus.
Napatayo siya agad na dahilan para mauntog siya sa lagayan ng mga gamit sa taas nito.
"Haytz!"maktol niya
"Kung bakit kasi napasarap ang tulog ko.
"At wala man lang gumising sakin kahit ang katabi kong lalaki umalis na din siya hindi man lang niya ako ginising." nangingitngit niyang bulong habang nagsisimula na siyang lumabas ng bus.
Nasalubong niya ang conductor at agad siyang nagtanong dito kung saan na sila nag stop at bakit siya nalang ang tao sa loob ng sinasakyan nilang bus.
Napakamot ito ng ulo.
"Nako ma'am sa katunayan po kanina kapa ginigising ng kasintahan mo pero ang hirap mong gisingin kaya pinagbilin ka niya Sakin na hayaan ka Lang muna na matulog. Mukhang napagud ka daw po sa kadadaldal kaninang madaling araw. nahihiyang pahayag ng conductor.
"Bwesit na yun ah"
"Saan po ba ang punta niyo ma'am ng matulungan kitang makasakay alam kong mabigat ang bagahe mo." presinta pa Ng conductor.
"Patulong nalang po akong hanapan Ng taxi na masasakyan ko salamat po manong."magalang niyang sabi
"Walang anoman ma'am"
Pagkababa Niya sa bus nanibago siya sa atmosphere Ng manila palibhasa bagong salta Lang siya dito. Masasanay din ako. Bulong niya
Napatingin siya sa relo niya kung anong oras na. Ayon at mag aalas sais palang ng umaga marami pa siyang oras para makahanap ng apartment na matutuluyan niya. May dalawang linggo pa naman siyang bakante bago siya sumalang sa bagong trabaho niya.
"Hello manila please be good to me" pagpapalakas Niya sa sarili.
Nawala ang pagmumuni muni niya ng tawagin siya ng conductor na nasa tabi na ng taxi.
Lumapit ang conductor at siya na din Ang nagbuhat sa maleta niya na puno ng mga gulay prutas at bigas. Ang mga magulang na din niya ang nag ayos Ng mga yun. Wala siyang idea kung anong mga gulay at prutas ang nakalagay doon sa loob Ng maleta niya. Sana mga favorite ko ang nilagay nila.
"Maraming salamat po ulit manong." Mag iingat na po kayo next time sa mga holdaper. " ngumiti siya sa conductor bago nag paalam na dito
"Walang anoman ma'am bilin po kasi ng boyfriend mo na huwag na huwag ka daw namin pababayaan na mag isang maghanap ng masasakyan mo. ngiti ng conductor saknya.
"Ang swerte niyo po ang napakabait Ng boyfriend mo. Mag iingat ka ma'am." at sumaludo pa ito saknya at siya na din ang nagsara ng pintuan ng taxi.
Napapangiti nalang siya sa pinagsasabi ng conductor. Pinanindigan talaga niya ang pagiging boyfriend niya sa akin. "Fake Boyfriend" natawa siya ng mahina at nailing siya sa naisip. "Will its really fit for him dahil fake din naman siya"bulong pa niya. At paanong mabait ei iniwan nga niya ako db. naiiling pa sa naiisip. Nagulat pa siya ng tumikhim ang taxi driver.
"Ma'am pasensya na sa pang iistorbo ha.
Saan ba kita ihahatid ma'am.?" Tanong ni manong driver.
"Pasensya na po kayo manong" nahihiya niyang hingi ng paumanhin sa driver.
"Alam niyo po ba kung saan matatagpuan ang Ferrer Restaurant sa makati po." at ibinigay niya ang buong address sa driver.
"Isa sa sikat na restaurant sa Makati po yun ma'am."
Dahil mabait at mukhang mapagkakatiwalaan naman ang matanda susulitin ko na din ang magtanong. sa isip isip niya.
"Ahm, manong pwede po ba magtanong?."
"Ano po yon ma'am" agad namang sagot Ng driver.
"Ano po". nahihiya siyang magtanong pero Kaya mo yan pang checheer niya sa sarili. Ngaun ka pa ba mahihiya ei nasimulan mo na magtanong. pang iinis naman ng isip niya saknya.
"May alam po ba kayong malapit na apartment na mauupahan na malapit sa Ferrer Restaurant po. Kahit mga dalawang sakay papunta sa doon sa restaurant para po hindi ako mahirapan sa pag pasok sa trabaho.?" Salamat po"
"Meron ma'am. Kasi madalas din akong tanungan minsan ng mga naging pasaheros ko kaya habang namamasada nagtitingin na din Ng mga mauupahan para makatulong kahit papano." ngiti saknya mg driver
"Maraming salamat po ulit manong."
Naginhawaan siya dahil nagpresinta pang tutulungan siya nito. Nagpapasalamat siya sa kabila ng muntikan ng pagkaka hold up may mga magagandang loob paring mga tao na handang tulungan ka.
Bigla siyang napatingin sa hawak hawak na jacket. Bahagyan pa siyang napakunot noo. Dahil ang pagkakaalam niya wala siyang jacket na dala dahil naiwan niya ito sa loob Ng kwarto nila Ng bunsong kapatid. Hindi kaya ikinumot ng damuhong lalaki na yun sakin ito kagabi. Subrang lamig naman kasi. Pero hindi ko man lang namalayan na inilagay niya ito. sabay tingin sa jacket na hawak niya.
At hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya. Kahit yung phone number nalang sana niya para textmate kami ganarn. Napangiti siya sa naisip. Napailing nalang siya. Sana magkita tayo ulit someday. Tiwala lang sabi pa niya sa sarili. Sana hindi ka kagaya ng ex kung tukmol..
Pinamulahan siya ng mukha ng bigla niyang maalala ang halik ng lalaking yon sa kanya. Napakagat nalang siya ng labi.
Yung feeling na hindi niya pinayagan na halikan siya sa labi ng first Boyfriend niya na ex-boyfriend s***h ex-firstlove na niya ngaun na si Dasmond Valdez anak siya ng vice mayor sa lungsod Ng bayan namin sa ilocos
Balik tanaw nanaman siya kung paano siya lukuhin ng lalaki na yun.
"Dasmond bakit feeling ko parang iniiwasan mo ako. May nagawa ba akong ikinagagalit mo nanaman sakin.?" Tanong niya dito ng makita niya itong mag isa nag lalakad sa hall way ng paaralan nila.
Iniwasan lang siya at tinalikuran pero dahil makulit siya at hindi mapalagay na hindi sila nag uusap. Ilang araw na din na feeling niya iniiwasan siya nito.
"Love ilang araw muna akong hindi pinapansin." sumunod siya dito. "Kausapin mo naman ako oh". sumamo pa niya.
"Pwedi ba Charmy leave me alone, please!" pagalit nitong sabi saknya.
" Gusto mong tatahimik nalang ako sa isang tabi ganun ba. Nakita ko kayo ni Nerin kahapon. Siya ba ang dahilan kung bakit nanlalamig kana sakin.?" Tanong niya dito. "Ang alam ko ginagawa ko naman Ang lahat bilang girlfriend mo hindi pa ba sapat ang mga yun sayo.?"
Ang hindi ko lang naman maibigay sayo ay Ang halikan mo ko sa labi." napalunok siya dahil hindi pa siya handa sa kahit anong intimate relationship. Okay lang muna sakin ang halik sa pisngi. Nilampasan niya ito para magkaharap silang dalawa.
"Look, itigil na natin ang Kabaliwan na ito." sabi nito at iniiwas ang tingin sakin.
"Kabaliwan ba na matatawag ang relasyon nating ito. Saan na ang Dasmond na kilala ko. Ang Dasmond na nagpapasaya sakin. Ang Dasmond na parating nandiyan para damayan ako pag may problema ako. Ang Dasmond na minahal ko at pinagkakatiwalaan ko. Sabihin mo nga sakin".....huminga muna siya at lumunok dahil sa subrang sakit na nararamdaman niya. Nananakit na din ang lalamunan niya dahil parang may bumara doon. Naipagpasalamat na din niya dahil wala pang mga taong dumadaan sa hallway na yun ng paaralan nila. Na parang nakalaan ito para sa kanilang dalawa lang ni Dasmond sa araw na yon.
"Sa simula palang ba ng relasyon natin hindi kana naging seryoso sakin.?" tanong niya dito. Magsasalita na sana ang lalaki ng unahan niya ito..
"Minahal mo ba ako?." Should i say may pagmamahal ka bang nararamdaman sakin kahit kunti lang. O, talagang pinaglalaruan mo lang ako para mahulog ang loob ko sayo dahil alam mong patay na patay ako sayo. Dahil alam mong ikaw ang first love ko."
"Totoo bang pinagpustahan niyo lang ako ng mga kaibigan mo. Para malamang niyo kung gaano ako ka easy to get ha!?" napaluha na siya ng tuluyan dahil hindi niya kinaya ang sakit na nadarama.
"Sagutin mo ako tang Ina mo"sigaw niya sa lalaki
" Alam mo naman na pala bakit kapa umoo nung nililigawan kita. Hindi ko na kasalanan kung nagpakatanga ka sa akin."ngisi niya sakin. Dahil sa galit ko sa mga sinabi niya sinampal ko ito.
"Napakagago mo kung alam ko lang na igaganito mo ako hindi na sana kita pinagtuunan pa ng pansin o kahit ang mahalin ka." Manloloko!" sigaw ko sa mukha niya.
Humarap siya kay charmy at tinitigan ang mukha niyang punong puno na ng galit at sakit sa mga mata niya. "I'm sorry dahil ginamit lang kita para paselosin si Nerin. I'm sorry dahil puro pagkukunwari lang ang lahat ng ipinapakita ko sayo. I'm sorry Charmy dahil sa simula palang wala naman talagang tayo. Dahil Hindi naman kita seneryoso at minahal." pagka sabi niya yun ay iniwan na siya nito ng tuluyan.
Napasalampak siya ng upo sa sahig dahil hindi niya kinaya ang mga binitawan salita ni Dasmond saknya. Ang masaklap pa ginamit lang pala siya nito. Pinaibig at pinaglaruan ang damdamin niya. Subrang sakit at subrang nasaktan siya kaya napahagulgol nalang siya. Wala na siyang pakialam kung may makakita man sakanya. Subrang sakit yung feeling na ibinuhos mo lahat yung pagmamahal at atensyon sakanya ito lang ang igaganti niya sakin. Ganito na na ako kasama para masaktan ng ganito. I don't deserve this. Iyak parin niya. At hindi na siya nagtuloy pumasok pa sa klase nila.
Nawala ang pagbabalik tanaw niya sa nakaraan ng magsalita ang taxi Driver. Napansin kayae niyang tulala ako. Nakakahiya dahil nakita pa niyang
may luha sa mga mata ko. Hindi ko lang kasi mapigalan. Masakit parin kasi. Napabuntong hininga nalang ako.
"Hija bakit ka umiiyak may problema ka ba? may pag aalalang tanong ng driver.
"H-ha" sabay punas ang luhang naglaglagan sa kanyang pisngi.
"May sinasabi po ba kayo manong?"
"Sabi ko may problema ka ba?." Kanina pa kasi tayo nakarating sa apartment na sinasabi ko sayo, diba sabi ko sasamahan kita sa pagtatanong." ngumiti ito sakanya.
"Sorry manong nawili lang ako sa pagbabaliktanaw sa nakaraan. At namimiss ko lang po ang pamilya ko."ganting ngiti niya sa driver.
"Ito na yon." tinuro nito ang bahay na bungalow style pero mukhang malawak naman tignan. Baka naman madaming tao na umuupa diyan. sa isip isip niya.
"Manong sa tingin mo ba maraming nakarenta diyan parang siksikan sa loob eh." alanganin niyang tanong sa driver
"Malalaman mo pag kinausap muna ung landlady diyan. Siguro naman safe ka diyan iha. Ano pang ginagawa mo labas kana diyan ng makausap mo na ang may ari ng apartment na yan, at ng makalarga na din ako para makadami ng kita. sabi nito sa kanya na agad naman bumaba na.
Pinagtulungan nilang binaba ang maleta niya at nilapitan na ang may nakapaskel pang room for rent na apartment.
Ng may nakita siyang tao doon agad siyang nagtanong. Ito pala ang may ari ng apartment for rent. Madalas talaga daw siyang tumambay doon. Nagpasalamat muna siya sa driver at sinabing mamasada na. Humingi pa siya ng paumanhin sa naantala niyang pamamasada dahil sa kakaisip niya sa nakaraan..
*Please support my story thank you so much" ❣️
**expect wrong typos and grammatical errors ahead..?