"Ate, hiwalay kayo ng kwarto ni Rako?" tanong ni Ysay sa kanya nang nasa kusina na sila at nagluluto ng hapunan. Kahit kailan talaga ay marami itong alam. Lahat na lamang ay napapansin nito. Kaya naman sa palagay niya ay hindi niya maililihim dito ang tunay na sitwasyon nila ni Rako. Kasalukuyan na nasa silid niya si Iya at nilalaro si Sky. "Oo, Ysay. Hindi kami magkasama sa iisang silid," pag-amin niya rito. "P-pero b-bakit, Ate?" puno ng pagtataka ang itsura nito. "Sabagay, teenager ka na. Matalino ka. Alam kong maiintindihan mo ako. Kung hindi man siguro ngayon ay baka sa pagdating siguro ng tamang panahon." "Ano'ng ibig mong sabihin, Ate?" "Hindi kami ang tipikal na mag-asawa na iniisip ng iba, Ysay. Hindi kami kailanman nagturingan na mag-asawa ni Rako. Magkaibigan at parang mag

