"Siya ba ang asawa mo, Ate?" tanong ni Ysay habang mataman na nakatingin kay Rako. "Oo, siya si Rako, Ysay. Asawa ko," pakilala niya. "Ahhh…" tanging sambit ni Ysay. Makikita sa mukha nito na hindi ito makapaniwala na ito na nga ang asawa ng Ate niya na ikinukwento ng Tiya Iska nila. Iba kasi ang nasa imahinasyon niyang itsura nito. Maganda ang pangalan nito na Rako. Ang nai-imagine niya kasi ay isang mukhang prinsipe. Hindi naman ito pangit kung tutuusin. Ngunit ang kaharap niya ngayon ay isang mukhang Tatay lamang ng kanyang Ate Maya. "Ysay!" Tapik ng kanyang Ate ang nagpabalik sa kanyang wisyo. "Ayusin mo nga ang itsura mo. Nakakahiya kay Rako. Alam kong hindi mo inaasahan ang itsura niya. Pero pwede ba? Huwag mong ipagduldulan?" pabulong na wika niya rito. "A-Ate, p-pasensya na,"

