Wala na silang nagawa ni James. Nagpumilit na maiwan si Jen sa hotel. Dalangin na lamang nila na mabuting tao sana si William na ipinakilala nito sa kanila. Patungo na sila sa laundry area ng hotel upang kunin ang kanyang kasootan. Matamis na ngiti ang ibinungad sa kanila ng dinatnan nilang babaeng naroon. Napansin niyang kakaiba ang tingin nito kay James. Awtomatikong nakaramdam siya ng selos. Nakaramdam siya ng inis nang makita niya na tila ba mapang-akit na ngiti ang ibinigay ni James sa babae. Kaya naman pagtalikod ng babae upang kunin ang pina-laundry ni James ay hinarap niya ito. Kinurot niya ito sa tagiliran nito na ikinabigla nito. Napaaray ito sa sakit at nagtatanong ang mga mata na tumingin sa kanya. "Ano'ng klaseng tinginan iyon, James?!" "Ang alin?" patay malisyang sagot

