Pagkatapos nilang makababa mula sa unang jeep na sinakyan nila ay kinailangan muli nilang sumakay pa ng isang jeep upang makarating sila sa San Miguel. Nang naroon na sila ay nakita na nila ang hilera ng shuttle bus ng kompanya. Ngunit hindi pa sila makakasakay roon. Sumakay sila ng jeep na patungo sa mismong kompanya na papasukan sa loob ng industrial park na iyon. Habang hindi pa kasi sila empleyado ng kumpanya ay hindi sila makakasakay ng free shuttle bus. Nang makasakay na nga sila sa huling jeep para makarating sa kumpanya ay nakakaramdam na sila ng kaba. Naghawak sila ng kamay ni Glaiza na waring sa pamamagitan niyon ay mawawala ang nerbyos nila. Pareho sila ng nadarama. Kinakabahan. Ngunit umaasa sila na makakapasa sila sa lahat ng exam. Nang nasa tapat na sila ng gate ng kumpanya a

