"Pero dalawa tayong nag-apply rito, Glai," naiiyak na wika niya rito. "Oo nga kaso ay ganoon talaga. Baka hindi pa para sa akin ang araw na ito." Hindi na siya nakapagsalita pa. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. "Paano ba niyan? Mauuna na akong umuwi sa'yo. Baka kasi gabihin ako sa daan. Good luck sa medical exam mo ha. Susunod na niyan. Pagkatapos ay training niyo na. Pagbutihin mo lamang sa training para tuloy-tuloy ka na ha." Tinapik siya nito sa balikat at nginitian bago tumalikod at naglakad na palabas. Nalulungkot talaga siya at hindi niya ito kasama hanggang sa huli. Kinailangan na niyang bumalik sa loob nang tawagin na siya ng mga kasama na pumasa na tulad niya. Isa-isa na silang binigyan ng referral sa medical exam nila. Magtutungo na sila sa isang ospital kung saan ay ma

